Chapter 6: He's mine

1.5K 42 0
                                    


Lyka's POV

"Ate Chanel!" Tawag ko sa ate ni Chloe na kasalukuyang nasa stage ngayon kasama ang mga kabanda nito.

Lumuwang yung pagkakangiti ni Ate Chanel pagkakita saakin. "Anjan ka na pala Lyka. Halika na akyat ka na dito."

Umakyat ako ng stage at nilapitan siya. "Pwede po ba talaga ate? Nakakahiya naman po sa inyo." I said hesitately.

Tumawa lang siya. "Hindi uh? Ano ka ba. Huwag ka nang mahiya." Gu-in-ide niya ako paupo sa isang upuan.

Humarap si Ate Chanel sa mga kabanda niya. "Guys. Si Lyka nga pala. The one I was talking about? Yung kakanta."

Napatingin sila saakin lahat at ngumiti. Puro lalaki pala kabanda ni ate Chanel at sa tingin ko pulos 3rd year college din silang lahat.

"Hi Lyka." Bati nung guitarist nila. "I'm David." Inabot nito yung kamay niya at nakipagshakehands saakin.

"Hi there. Missy. I'm Jules." Sabi naman nung kulay yellow ang buhok na lalaki, na sa tingin ko ang bass guitarist nila. Nakipagshakehands din ako sakaniya.

"Mico here." Sabi naman nung drummer, kumindat pa ito saakin. At naramdaman ko yung pag-iinit ng pisngi ko. Ito kasi yung pinaka cute sakanilang tatlo.

Lihim akong napailing sa naisip ko. Stop it Lyka. Dapat si Leinard lang ang gwapo sayo. Geez. Ang OA lang ng utak ko eh. Cute lang naman eh. ^___^

Nag-Hi nalang ako kay Kuya Mico since siya yung nasa pinakalikod at di ko siya ma-reach. XD

Hinarap ako ni Ate Chanel. "So tell me. Who's the lucky guy?" Nakangiting tanong niya.

Napangiti lang ako. Bigla ay nahiya ako. Malamang sinabi na ni Chloe yung tungkol doon.

Napaigtad ako nang kilitiin niya ako. "Isa ba sa mga nandun?" Itinuro niya yung part kung nasaan ang mga basketball players. Nag-init nanaman yung pisngi ko at tumango sakaniya. "Asus. Iba na talaga ngayon." Naaaliw na sabi niya.

"You think ate. May pag-asa ako sakaniya? Magugustuhan niya rin kaya ako?" Tanong ko sakaniya.

Ngumiti siya saakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko, tinanggal niya yung pagkakaipit ko ng pigtail at inayos yung buhok ko. Naalala ko tuloy ang Ate Loisa ko. "Why not? You're very pretty, smart, kind and lovable. Whole package ka na kaya bakit hindi?" Natatawang sabi niya kaya napatawa na rin ako. "So are you ready?"

I nodded smilingly. "Yes ate ^__^"

Inabot niya saakin yung mic. "Huwaiting Lyka!"

Natawa ako. Parehong-pareho talaga sila ni Chloe. "Thank you ate."

Lumapit kami kila Kuya David, Jules, at Mico. Para ipaalam ang kakantahin ko ngayon. Akala ko pa nga di nila alam tugtugin yun pero buti nalang alam nila. I sighed in relief kung hindi wala na talaga. Epic fail na ang lahat. Yung kakantahin ko kasi ngayon yun lang ang napractice ko kaya buti nalang talaga.

Wala sa sariling napakuskos nanaman ako ng kuko ko sa hintuturo at hinlalaki ko. Natetense ako. OMG.

Napatingin ako sa gawi ni Leinard na andun parin nakaupo. Napangiti ako ng maluwang nang makitang nakatingin din siya saakin, napakunot pa siya ng noo. Ano kayang nasa isip niya?

"Lyka. Game na!" Natauhan ako nang magsalita si Kuya Jules kaya tumalima ako papunta sa harap.

"Mic test." I said, testing my mic. I gulped hard nang makitang nakuha ko na lahat ng atensiyon ng mga estyudanteng nasa gym ngayon. Marami-rami din sila. Bakit parang konti lang naman ata kanina? Oh Geez. God help me.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon