Chapter 27: End of Courting

1.9K 45 2
                                    

         
Valentine's day!!

At di ko alam kung masisiyahan ako ngayon o magpapakabitter dahil di kami okay ni Leinard. Eh ni hindi ko nga siya nayayang maging date e. Kaya eto kami ngayong tatlo nila Shaun at Chloe ang magkakasama.

Namasyal-masyal kami sa mga booth at nagtingin-tingin. Nakita ko ang freedom wall at humiwalay saglit kila Chloe para magtungo doon.

Nagbayad ako sa booth at kumuha ng pentelpen. Nagsimula akong magsulat doon na nakalagay ay: I LOVE YOU LEINARD ALEXANDER SILASTRE! --L.V.V Sa malalaking letra.

Napangisi ako nang tingnan ko iyon. Tinakpan ko na yung pentelpen ko at inilagay na sa loob ng bag ko. Di ko talaga kayang magalit sakaniya ng husto. At sa tingin ko it's a bad thing.

"Addict!"

Nagulat ako nang nasa tabi ko na pala si Chloe at Shaun. Natawa ako sa sinabi ni Chloe.

"Alam mo yan best!" I said and giggled.

"Mahirap yan." Natatawang sabi ni Shaun sabay gulo ang buhok ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa mapadaan kami sa  isang free hugs booth. Kung saan may nakalagay nang placard na nakasabit sa mga gwapong lalaki at binabayaran ng mga estyudante para mayakap.

"Eto ang totoong free hugs booth Lykeyy. Iba 'to sa binantayan ko noon." Natatawang sabi niya.

Humalakhak ako nang naalala ko yung araw na yun at sobrang nakakahiya. "Oh I see. Hahaha."

"Ano yun?" Walang kaalam alam na tanong ni Chloe.

"Yung kwinento ko sayo best na una kong na meet etong si Shaun." Kako sabay turo kay Shaun.

Tumango-tango siya. "Ah yun." Aniya habang busy sa pagkalikot ng mga nasa mesa sa isang booth.

Napalibot yung tingin ko hanggang sa may mahagip ng tingin ko sa isang bahagi ng booth. Napangisi ako. Si Brixx ba yun at yung sinasabi niyang si Sheye? Pamilyar yung babaeng kasama niya e. Lalapitan ko sana sila kaya lang nawala na sila sa paningin ko dahil sa daming tao. Nagkibit balikat nalang ako.

"Wala ka bang pasok ngayon Shaun?" Narinig kong tanong ni Chloe kay Shaun. Napatingin ako sakanila.

"Wala e. Kayo ba?"

Umiling kami ni Chloe. Wala daw prof namin e. Dahil busy sa gaganaping Valentine's ball.  "Busy sila." Natatawa kong sabi.

Napatingin si Chloe sa relo niya. "Gosh. I need to go Best, Shaun. M-may pupuntahan pa kasi ako."

"Date?" Ngisi ni Shaun.

Nakita ko ang pagmula ni Chloe kaya napangisi na rin ako. Sino kayang kadate neto?

"It's not a date!" Iritang sabi niya pero halata parin ang pagpula ng pisngi niya kahit na may pagkamorena siya.

"Then what best?" I teased.

She groaned. "Stop it Lyka. It's not a date. Okay I have to go!" Kinuha niya yung bag niyang hawak ni Shaun. "Ikaw na bahala diyan kay Lyka huh? Shaun!" Sabi niya dito bago tuluyang magpaalam at umalis.

Kaming dalawa nalang ni Shaun ang naiwan habang nagtatakang nakatingin lang sa papalayong si Chloe.

"She has a date. I knew it." Ngisi ni Shaun.

Tumango ako at sumang-ayon sakaniya. "Yeah. Tara tayo nalang ang mamasyal." Yaya ko sakaniya. "Oh baka naman meron ka rin huh?"

Ngumisi siya. "Don't worry Lykeyy. I rejected them all." Aniya saka humalakhak.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon