Chapter 33: Lessen the Jealousy

1.7K 33 2
                                    

"Wala lang yun Lyka! Wala siyang ibig sabihin doon, okay? Urrrgh!" I messed my hair because of frustration.

Napasulyap ako sa salamin at inayos ang sarili kong buhok na ginulo ko. Mula dito sa loob ng kwarto ko ay naririnig ko na ang music sa labas ng bahay.

Yeah. There's a party downstairs at hanggang ngayon curious parin kami sa announcement mamaya ni Ate Loisa.

Lumukot yung mukha ko nang maalala ko nanaman ang sinabi ni Leinard nang nasa kotse kami. He didn't mean it, right?

May kumatok sa pinto ng kwarto ko dahilan para magising ako sa pag iisip ko ng malalim.

"Lykeeyy."

Si Shaun yun. Kaya tumagilid ako at humarap sa pinto.

"Bukas yan Shaunyy. Come in." Walang ganang sabi ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Shaun na nakangisi ng malawak. Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto ko at dumiretsiyo sa kama ko, para tumalon talon.

"What's with that creepy smile of yours?" Tinaas ko ang isang kilay ko nang tanungin ko iyon sakaniya.

"Creepy talaga?" Humalakhak siya. "I just came here to check you if you're done changing your clothes. Utos ng Ate mo at ni Chloe."

Umiling nalang ako na natatawa at humarap ulit sa salamin ko.

Nakikita ko siya mula sa salamin na humiga sa kama ko na parang pagod. Tsss.

"Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto mo Lykeeyy. Nice huh? Pink na pink, nakakarelax." Aniya habang nakatingin lang sa ceiling.

I hissed and smiled. "Thanks. Though, it's not pink.. It's Fuschia." Kako at pinagpatuloy ang pagsuklay sa buhok ko.

"Whatever it is, for me it's still pink! Wag ka na magbasag ng trip diyan."

Humalakhak ako. "Tapos na ako. Ayoko muna talagang lumabas."

Bumangon siya mula sa pagkakahiga at nagpalumbabang tumitig saakin.

"Anyway, nakangisi ako kanina dahil ang ganda mo." Aniya at kumindat saakin mula sa salamin.

Uminit ang pisngi ko at binato siya ng suklay na hawak ko. Ayun sapul sa tiyan niya.

"Ouch. That hurts Baby. Maawa ka naman sa abs ko!" Ngiwi niya habang hinihimas ang Abs niya kuno.

"Wala ka namang abs eh!" Kako at humarap na ngayon sakaniya.

He hissed. "Gusto mo lang atang makita eh." Ngisi niya.

"Ewan ko sayo Shaun." Irap ko sakaniya pero nangingiti din. Okay, di po ako kinikilig sa sinabi niya. Natatawa lang ako.

"Yiee." Sinundot niya ako gamit ang isang hanger kaya napaigtad ako.

"Stop it!" Pinandilatan ko siya ng mata.

Humalakhak siya ng malakas kaya napailing nalang ako na natatawa. Hilig talaga mang asar neto.

"Labas na nga tayo Shaunyy."

Hinila ko ang kamay niya pero nagpapabigat siya. Ugh!

"Dito muna tayo, ang gulo sa labas eh." Naka pout niyang sabi.

I rolled my eyes unintently. "Shaun Lennon. You know my twin, mag iisip nanaman yun ng kung ano ano kung nakita ka niyang pumasok sa kwarto ko!"

He hissed exaggerately, walang ganang nagpapahila lang siya saakin habang ako naman ay nahihirapan sa paghihila sakaniya dahil sa bigat niya. Para siyang bata.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon