"Why I hate your smile?"
Mula sa pagkain ay natuon ang atensiyon ko sakaniya. Kasalukuyan na siyang nagsusuot ng white na tshirt habang umuupo sa kaharap kong upuan.
Humilig siya sa lamesa at tinitigan ako nang may ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. Oo nga pala, tinanong ko pala sakaniya kanina kung bakit ayaw niya sa ngiti ko at hanggang ngayon di pa niya ako sinasagot tungkol doon.
"Bakit?"
"Because... that's the reason why I fell for you..." diretsiyong sabi niya. "...so hard."
Napalunok ako at naramdaman ko kaagad ang pag-init ng pisngi ko. So ibig sabihin... parehas lang pala sila ng rason ni Brent? Kaya lang si Brent gusto ang ngiti ko habang siya ayaw niya.
"Then, you hated my smile because of that? Ayaw mo bang mainlove saakin?" ngumuso ako.
"I still hate it till now." Kibit balikat niya. "And yes, I don't want to fall inlove with you."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?!"
"Because..." Tiningnan niya ako ng mataman. "I feel like.. potioned. I feel cheated. Parang ginayuma ako ng ngiti mo at dahil doon minahal ko na pati buong ikaw. Parang ang daya... kasi minahal kita ng ganun kadali. Parang ayokong maniwala."
"Kung ginayuma ka ng ngiti ko, then I should be thankful. Di na pala kita kailangan pang gayumahin." nakangisi kong sabi. "So... you don't love her anymore?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilang wag mapangiti.
Kumuha siya ng isang cookies na nasa bowl at kinain yun habang tinitingnan ako.
Kumunot ang noo ko. Bakit hindi niya sagutin yung tanong ko?
"Leinard?"
Tinaas niya ang kaniyang dalawang kilay. "What?"
I hissed. "What? You don't love Samantha, anymore?"
Ngumisi lang siya at umiling-iling na tumayo. Kumulo dugo ko. Bakit ba hindi niya masagot sagot?
"Leinard!" malakas na tawag ko sakaniya nang magtungo siya sa harapan ng fridge para uminom ng tubig.
Tumayo ako at sinundan siya. "Why can't you answer me? You still love her?"
Seryoso niya akong tiningnan at nakita ko ang kaniyang paglunok. Shit. Bigla akong nakaramdam ng pagtusok sa dibdib ko.
"Why can't you answer my question?" I asked calmly.
Bumuntong hininga siya at lumapit saakin. "What important now is I love you, Via. Bakit kailangan mo pa yun tanungin?"
Napamura ako dahil sa sinabi niya at nakita ko ang gulat niyang mata dahil doon.
"Via..." kunot-noo niyang sabi.
"You just have to answer me, simply yes or no. Pero bakit parang ang hirap sayo?" kunot noo ko ring sabi.
"Then... No!" he hissed and looked away.
"No? Really?" I smiled sarcastically. "Leinard, just let it go. You still love her right? Pero ayaw mo na kasi may iba na siyang mahal. So I'm the second option here?"
"Via, No!" napahilot siya sakaniyang sentido. "Fvck! Don't make it big deal."
"I am not making it big deal!" Huminga ako ng malalim dahil sa namumuong galit saakin. "Leinard, I'm just asking you, but you hesitated. And that means there's still space for Samantha." Tinuro ko ang dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...