Chapter 35: I don't know

1.5K 27 0
                                    

Bahala na. Ngayon lang naman ulit to.

Nanginginig pa ang kamay ko nang itype ko ang pangalan niya sa search at niclick ang kanyang profile. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang tuluyan nang nag loloading ang timeline niya sa harapan ko.

Una ay napansin ko agad ang profile picture niya. Once in a blue moon siya magpalit ng picture dahil di naman siya mahilig magselfie o mag fb, ang last profile picture niya na alam ko ay yung silang dalawa ni Samantha at 1 year na yung profile pic niya na yun. Ngayon ay pinalitan na niya ito nang picture na nakatalikod na babae.

Pinaliit ko ang mata ko habang sinusuri ang picture na yun na alam kong kinuha sa room namin sa isang subject. Nakakainis lang dahil sinadyang blinurred ang picture para di makilala ang babaeng nakatalikod na yun! Urgggh. Nacucurious akoo! May crush ba siyang kaklase namin?

Binasa ko ang caption niya sa profile pic niya na yun at ang nakalagay doon ay..

"Kapag lumingon ka, you're mine ;)"

Napa-tsss ako habang kunot na kunot ang noo ko. Kakainis lang uh? Sino naman kaya to? At diba, Sila pa ni Samantha? Si samantha kaya tong babae? O baka hindi sa room namin to kinuha kundi sa room ni Samantha? Who knows? Pareho naman kadalasan ang mga room e. Pero hindi rin... paano naman napicturan ni Leinard kung sa room to nila Samantha? Di namin siya kaklase dahil iba ang course niya.

Tiningnan at binasa ko isa isa ang mga comments ng mga tao patungkol sa picture baka sakaling andun ang sagot.

'Is that Samantha?' Sabi ng isa sa mga comments at ang tanging reply niya doon ay 'Nope :)'

Nagpalumbaba ako habang tinitingnan iyon. Kung hindi si Samantha eh sino 'to?

'Hey Lei? Bago?' Sabi sa isang comment pero walang reply doon si Leinard.

'Eh lumingon naman kaya? Haha.' Sabi ni Lizel na kablockmate namin. Nagreply siya doon ng 'Hindi nga e. Tsss.'

Itinaas ko ang kilay ko. Curious na talaga ko uh?

Marami pang nagcomment doon especially kaklase namin at sila Luke at Leo.

Lucio Jamil: Tag ko na? Hahaha.
Leinard Alexander: Ulol. Wag ka panira ng diskarte diyan!

Hana: Kilala ko 'to. Hoho.
Leinard Alexander: Oh yeah? Nahuli mo ako that time, so obviously. Tssss.
Hana: Sungit! Don't worry di ko naman sasabihin!

Leo Tuazon: Grabe ka rin mabaliw ano? Pakipot ka pa kasi nung una! Hahahaha.
Leinard Alexander: Tarantado.

Napabuntong hininga nalang ako at niclose yung profile picture niya. Siguro wala na talaga akong pag-asa. Urggh. Kung hindi naman kasi ako masokista, at ang hilig kong buksan yung timeline niya.

Inis na isinara ko ang laptop ko at tumayo para magtungo sa tapat ng study table ko. Mag aaral nalang ako! Tsss.

******

"Lyka! Hi!"

Napatingin ako kay Hana, kaklase namin na isa sa mga nagcomment sa profile picture ni Leinard, alam niya kung sino yun diba? Eh kung tanungin ko kaya sakaniya kung sino yun?

Ngumiti lang ako sakaniya at nag 'hello'. Ngumisi lang siya at dumiretsiyo na sa kanyang upuan sa likod.

"Close ba kayo nun?" Tanong saakin ni Chloe na katabi ko, nakangiwi pa siya habang sinasabi yun.

Tumawa ako. "Bumati lang, wag ka na magselos best." Halakhak ko.

She hissed and continue on what her doing. Ngayon kasi siya magrereport, nagkasundo kami na siya muna ang mauna bago ako, kaya pumayag ako, ayan at naghahanda na siya.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon