Napalibot yung tingin ko sa buong gym. Napangiti ako nang makitang nagsisimula na ang basketball game ng mga generalists versus ng mga third year.
I fixed my composure. Napatingin din ako sa suot ko. Naka-highwaist blue pants with a white spaghetti strap blouse for my top. (Mahilig ako sa mga high-waist pants/shorts haha) Hindi nga lang ako nag sleeveless. Pero dahil sa ayaw ko nang pagkamalan na kapatid lang ni Leinard ko. Nagsuot ako ng ganito. Suggest din ni Chloe saakin para daw mas dumalaga yung dating ko.
Naglakad na ako patungong side ng court at dumiretsiyong bench ng mga generalist. Naiilang pa ako nang napapatingin saakin yung mga taong nadadaanan ko. Geez. I felt uncomfortable now.
"Lyka!"
Lumuwang yung pagkakangiti ko nang tawagin ako ni Chloe. Nasa bench na rin pala ito. Nginitian ko lang siya at binilisan ko ang paglalakad palapit sakaniya.
"Ano nang scores?" Tanong ko sakaniya pagkalapit.
"Lamang ng isa ang kalaban." Sabi niya na nagpatango lang saakin. Di ko na rin ineexpect na mananalo ang mga generalists. Third year ang kalaban nila eh. Pero who knows. Magagaling din naman ang team nila Brixx. At andun si Leinard ko. ^__^
Napaigtad ako nang kilitiin ako ni Chloe sa tagiliran. "Ang ganda mo ngayon best."
I smiled widely. "Sinunod ko lang suggestion mo best."
"Good. And you won't regret it obviously. Nag-mature ang aura mo eh. And look at those guys. Tinuturo ka nila." Kinikilig niya sabi.
Napatingin ako sa ininguso niya sa kabilang side ng Gym. Nakita ko doon si Kuya Mico at iba pang basketball players na nakatingin saakin habang nakangiti. I smiled when he waved his hand to me. I waved back.
Chloe nudged me. "Hoy. Akala ko ba hindi ka nag-eentertain ng ibang lalaki dahil may Leinard ka na. Ano yun huh? Bakit kinawayan mo pa? Malandi kang babaita ka."
I laughed as I pulled her hair. "Shunga. Kilala ko yun. Si Kuya Mico. Naalala mo nung kinantahan ko si Leinard? Siya yung drummer doon. Don't tell me di mo siya kilala? Kabanda siya ni ate Chanel."
Napaawang yung bibig niya at tumango-tumango. Tumingin ulit ito sa kabilang side. "Siya pala yung Mico na ikinukwento ni ate. Goodness. He's.... cute." Kinikilig niyang sabi.
Tumawa ako. "Oo nalang. Pero mas gwapo parin si Leinard ko."
Napabaling yung tingin ko sa court. Kasalukuyang hawak ni Leinard yung bola ngayon habang dinidribble ito. Mahigpit yung nakaharang sakaniyang kalaban kaya hindi siya agad maka-score.
"Go Leinard ko! I-three points shot mo na yan!" Nakangiting sigaw ko. But I just realized. Nakatuon na yung pansin saakin ng ibang nanonood dahil ako lang ang sumigaw. Geez. EPIC!
"Sige lang Best. Ipahiya pa ang sarili more." Natatawang sabi ni Chloe saakin. Nag-make face lang ako sakaniya. Nakakahiya talaga yung pagsigaw ko kanina.
"Three points! Silastre!"
Nanlaki yung mata kong napatingin sa court. Tinripoints nga niya! Napangiti ako ng malapad dahil dun!
Siniko ako ni Chloe. "Effective ka pala best. Lamang na sila ng 2 points." Natatawang sabi niya.
"Sabi sayo eh." Nakangiti kong sabi bago humarap ulit sa court.
Nasa kalaban na ulit yung bola pero naagaw din yun agad ni Brent kaya napasigaw ako. Marami ring mga naghiyawan dahil dun at siguro mga first year din yun tulad namin na sinusuportahan ang mga generalists. Okay pwede na akong makipagsabayan ng sigaw dito. Napangiti ako.
Ipinasa ni Brent yung bola kay Leo pagkatapos ay ipinasa naman ni Leo sa isa pang kasama nila. And then kay Brixx hanggang sa ipinasa kay Leinard. Napangiti nanaman ako.
"Leinard ko~ kapag na-shoot mo yan ikikiss talaga kita!!" Nakangiting sigaw ko. Narinig ko pang tumawa yung ibang mga team mates nila na nasa bench
Napatingin ako kay Leinard na nakakunot-noong nakatingin saakin. Nginitian ko lang siya ng matamis. "I love you Leinard ko! I shoot mo na yan at nang maikiss na kita sweetypie!" Sigaw ko pa.
Napailing siya sa sinabi ko and he even glared at me. Pft. Maging sila Brixx, Leo, Luke na nakaguard sa mga kalaban ay natatawang napailing.
Tumalon si Leinard at hinagis na yung bola sa ring. But to my dismay.. sablay yun. Nagpout ako. Sayang akala ko maikikiss ko na siya.
"Ayaw ni Silastre ng kiss! Ako nalang ikiss mo Lyka." Napatingin ako sa sumigaw nun. Isa sa mga kateammates nila na nasa bench. (I don't know his name -___-) Inirapan ko lang siya.
"Ayaw sa kiss mo best." Asar saakin ni Chloe.
I just pouted. Oo nalang Leinard. Ipamukha pang ayaw talaga. -__-
Itinuon ko ulit yung mata ko sa court. Nakalamang ulit yung ibang kalaban. At nasa generalists na ulit ang bola. Hawak iyon ni Brixx. At ipinasa niya kay Brent.
Napatingin ako sa oras. 10 seconds nalang. For goodness sake. Pero mukhang hindi makatiyempo si Brent sa kalaban niya. 5 seconds left. Oh geez.
"Brent ishoot mo na yan!" Di ko napigilang sigaw. Napatingin pa siya saakin bago iyon tuluyang ishoot. And.....
*Prrrrrrrrrtttt*
"Generalist!" Sabi ng announcer.
Naghiyawan sa buong Gym. Pati kami ni Chloe ay nagtatalon-talon sa tuwa.
Napatingin ako sa court. Natawa pa ako ng binubuhat na nila ngayon si Brent palapit dito sa bench.
"Lykaa!"
Napatingin ako sa tumawag saakin. Si Luke iyon.
"Gimme a hug!" Sabi pa nito. Habang naka-spread yung dalawang kamay niya. Pero ipinagkrus ko yung kamay ko sa tapat niya.
"Ayaw. Pawis ka. Yucks." Kako.
Nagpout siya. "Ang damot naman para hug lang eh."
"Wag na. Kay Chloe nalang." Natatawang sabi ko.
"Subukan mo Luke at nang majombag kita." React naman ni Chloe habang naka taas ang close fist nito. Natawa nalang ako.
"Choosy niyo." Parang nagtatampong sabi niya saka dumiretsiyong bench. Choosy daw kami? Eh siya itong choosy sa babae. Haha kaya hindi nagkakagirlfriend eh.
Inakbayan ako ng twin brother ko. "Ayos yung cheer mo baby girl nanalo kami." Natatawang sabi niya sabay inom ng bottled water.
"Congrats brother." Nakipag fist bump ako sakaniya.
Napatigil siya at napatitig saakin. "Ang dalaga mong tingnan ngayon baby girl. Gumanda ka lalo?"
I just smiled. "Wushoo! Bolera ka diyan." Natatawang sabi ko.
"Promise baby girl." Inalis niya yung pagkakaakbay saakin. "Hands-off muna baka mapagkamalan kang babae ko. Hahaha."
Binatukan ko lang siya.
"Yeah. You're very pretty Lyka."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Brent. Akmang ngingiti na sana ako nang iniharang niya yung kamay niya sa mukha ko.
"Oh. Wag kang ngingiti." Natatawang sabi niya.
Oo nga pala. Di ko pala siya dapat nginitian. Ang hirap naman kasing di ngumiti sakaniya. "Thanks Brent. Ha-ha." Emotionless kong sabi. "Okay na?"
Humalakhak siya. "Better." He said then messed my hair. Nawala na rin siya sa paningin ko at nagtungong bench para uminom.
Naramdamang kong sinundot ako sa tagiliran ni Chloe. Kinikilig na nginitian niya ako. "Puro gwapo nagkaka-crush sayo Best." Bulong niya saakin.
Natawang napailing nalang ako. "Gwapo din si Kuya Jules best." Asar ko naman sakaniya. Nanliligaw kasi si Kuya Jules sakaniya eh. Naikwento saakin ni Ate Chanel. Haha.
"Wag mo ngang banggitin yun!" Irap niya saakin. Kaya napatawa ako lalo.
Luminga-linga ako para hanapin si Leinard ko. Nahanap siya ng mata ko sa pinaka-dulo ng bench habang nakaupo. "Best. Lalapitan ko lang si Leinard ko uh?" Paalam ko kay Chloe.
"Gorabels."
Tumakbo na ako papuntang gawi ni Leinard ko. Nakatulala lang ito. Ano kayang iniisip niya?
"Hi sweetypie ^__^" nakangiting bati ko sakaniya nang makalapit ako. Tiningnan niya lang ako ng (as usual) nakakunot parin ang noo. "Congrats nga pala. Siguro sinadya mong isablay yung kanina nu?" I said as I sat beside him.
"You really have to shout and tell people you're fvcking into me?" He gritted his teeth.
I just shrugged. "They already know Leinard. Kinantahan na kita at brinodcast ko na sa maraming tao yun noon, ngayon ka palang naging aware diyan."
"Yun na nga e. At kailangan mo pang ipakita ulit sakanila?!"
"I don't care. Kahit na ipagsigawan ko pa sa buong mundong mahal kita Leinard gagawin ko." Nagboompanes move ako. "Oh yeah. That's banat."
Napailing nalang siya sabay lagok ng iniinom niyang bottled water.
Napansin kong sobrang pawis siya kaya kinuha ko yung face towel ko sa loob ng bag ko. Di ko pa naman nagagamit 'to eh.
Akmang pupunasan ko na yung noo niya nang pigilan niya yung kamay ko. "What are you doing?"
"Pupunasan ko yang pawis mo. Baka matuyuan ka niyan eh. Kapag natuyuan ka magkakasakit ka. Kapag nagkasakit ka maoospital ka. Kapag maoospital ka baka lumala. Kapag lumala baka mamatay ka. Gusto mo bang mangyari yun.." Mahaba kong sabi. "So.. Can I?" Paalam ko. Sus. Kahit ayaw niya gagawin ko parin eh.
"No. You don't have to." Akmang kukunin niya yung face towel ko pero inilayo ko yun sakaniya. "Via.. ako na." Mariing sabi niya.
"I insist. Sareeh sweetypie." Sinimulan ko na yung pagpunas ng pawis niya sa noo niya kaya wala na siyang nagawa pa kung hindi ang kumunot noo. Pft.
"Stubborn." Mahina niyang sabi.
"Yes I am." Sabi ko habang patuloy na pinupunasan yung mukha niya. Hinawakan ko yung chin niya. Pinunasan ko ulit yung noo niya pataas sa buhok niya. Kaya nawala yung bangs niya. Oh geez. He's so hot. "You're sexy push back sweetypie." Natatawa kong sabi.
Di ko narinig na nagreact siya. Nakatitig lang siya saakin kaya ipinagpatuloy ko lang ang pagpunas sakaniya hanggang sa leeg niya. Pasimple ko pa siyang inamoy pero bakit ganon? Ang bango ng pawis niya. Hihi
Napatigil ako nang hawakan ni Leinard yung kamay ko. Napatingin ako sa kaniya. Titig na titig lang siya saakin kaya wala akong nagawa kung hindi ang titigan din siya sa mata. Yung mata niya geez. Nakaka... nakakamesmerize.
Napansin ko ding bumaba yung tingin niya sa labi ko. Lumapit din yung mukha niya sa mukha ko. I gulped hard many times.. What is he trying to do? Napatingin ulit siya sa mata ko at... may kung ano akong nakikita sa mga mata niya? Di ko lang maexplain.
"L-leinard?" I manage to say.
Di siya nagsalita nakatitig lang siya saakin. I even saw him gulped too. Tumaas-baba kasi yung adam's apple niya. Geez. Ano bang nasa isip niya? Gusto kong malaman.
"Lyka! Punasan mo rin ako!"
We both startled when we heard Luke's shout. Napaiwas siya ng tingin saakin at binitawan yung hawak niyang kamay ko. Pambasag momentum talaga si Luke. Ugh.
Nilingon ko si Luke. With my oh-so-not-good glare. "Bakit? Nililigawan ba kita?!" Singhal ko sakaniya.
Nagsitawanan silang lahat nang dahil doon.
"Yan kasee!" Sigaw yun ni Leo.
Bumaling at humarap ulit ako kay Leinard ko. Akmang pupunasan ko ulit siya nang pigilan niya ulit yung kamay ko. Akala ko mauulit yung titigan namin kanina pero kinuha niya lang pala yung hawak kong face towel at siya na nagpunas sa sarili niya.
I pouted. "Sweetypie ako na kasi. That's my job. I'm courting you e."
"Don't bother." Tipid niyang sabi sabay tumayo. "I don't like your dress. Change it." Mariin niyang sabi bago naglakad palayo.
Napakunot noong napatingin ako sa damit ko. "Anong problema sa suot ko? Ang ganda ko nga daw e. Tapos ikaw di mo maappreciate. Psh." I said to myself irritably.
I will not change it. Bahala ka sa buhay mo Leinard. Araw-araw akong magsusuot ng ganito.
-----------
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...