Umikot ako sa salaming nasa harap ko habang pinagmamasdan ang sarili kong repleksiyon doon. The maid of honor's gown I am wearing is body hugging and I am not comfortable.
Ngayon na ang kasal ni ate Loisa at kuya Harry kaya kasalukuyan nang inaayusan ang mga bridesmaids para sa ceremony mamaya. Ngayon ay namomorblema ako sa suot ko kahit pa sabihing wala naman mali dito. In fact, the gown is perfect.
"Best wag ka ng maconscious okay? It's looks great on you. You look sexy." tamad na sabi ni Chloe habang pinagmamasdan ako.
Ngumiwi parin ako. Kanina pa iyan sinasabi saakin ni Chloe pero di talaga ako makuntento. I don't like it, at naiinggit ako sa gown nila na hindi body hugging. Iba saakin dahil maid of honor ako. Sakanila ay tube din pero flowing ang mahabang skirt nito di katulad ng akin. Yung saakin kasi ay parang mermaid gown.
"Ano bang ikina-coconscious mo Lyka?" sabi ni Sheye na ngayon ay umupo sa tabi ni Chloe.
Humarap ako sakanilang dalawa. "It's tight." ngumuso ako.
Tumawa siya. "I guess not. You're just paranoid. Ka-katawanan mo kaya si Lily Collins."
"Yeah you're so petite." ngiwi ni Chloe. Mukhang pagod na siyang iplease ako.
Napabuntong hininga ako na tumingin ulit sa salamin. Ayoko kasi na kakaiba ang suot ko. Kaya siguro hindi talaga ako mapakali. Hays. Ang weird ko talaga.
Pagkatapos ayusan ng mga bridesmaid ay pinauna na kami sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ate. Pati ang mga groom's men ay naroroon na. Sabagay, madali lang silang ayusan kesa sa mga bridesmaid.
Pagkapasok namin sa simbahan ay napahanga ako dahil nagawa nilang gawing elegante at class ang buong loob nito. Napangiti ako nang sinunod talaga nila ang motif ng kulay na sinabi ko. Maroon and white. Ang gandang combination.
"Lyka!"
Hinanap ng tingin ko ang tumawag saakin at napatigil ang tingin ko sa kay Luke na naka amerikana katulad ng ibang groom's men.
Lumapit kami ni Chloe sakaniya. Si Sheye ay nagpaalam na mag-CCR pero alam kong dahil lang iyon sa ayaw niyang lapitan si Brixx, na kasalukuyang kasama ngayon si Luke.
"Damn, you're beautiful." napabaling siya kay Chloe. "Wow amazing transformation huh---ouch!" di na niya naipagtuloy dahil sa pagkurot sakaniya ni Chloe. Napatawa nalang ako.
"Brixx," baling ko sa kapatid ko. "Did you see Leinard?" inilibot ko sa buong groom's men si Leinard pero wala siya doon.
Umirap siya saakin at nag hissed. May ininguso siya banda sa likod ko kaya napalingon ako doon.
Napamura ako sa isip ko nang makita siyang naka amerikana habang papalapit saakin, hindi iyon maayos pero hindi parin maipagkakaila ang lakas ng dating niya. Mariin ang titig niya at ang kaniyang kamay ay tamad na nakapaloob sa kaniyang bulsa. He's damn hot. What do I expect? He has this effect to me that I can't do anything about it.
Iniwan ko si Brixx at lumapit sa gawi niya nang may ngiti sa labi. He smiled sympathetically. Lahat ng tampo ko sakaniya Nung nakaraang araw ay nawala dahil sa ngiti niyang iyon. Damn, is this even a good thing?
"Hey." hinead to foot niya ako at napailing siya.
Kumunot tuloy ang noo ko. Sabi na nga ba may problema sa suot ko eh. Urgh.
"Damn it, you look good...." he whispered huskily. "....and hot that I want to kiss you infront of this people."
Napalunok ako at awtomatikong kinurot siya sa kaniyang tagiliran. Napaigtad siya at ngumisi dahil doon. Damn, ayokong pinapakilig niya ako ng ganyan. Nakakainis.
"Lei!"
Napasimangot agad ako sa loob loob ko nang marinig ang nakakainis na boses na iyon ni Samantha. I still don't like her.
Leinard turned to her with the smile he just gave to me and my eyes rolled automatically. Bumalik nanaman sa isip ko ang pinag usapan namin ni Leinard nung nakaraang araw. I'm already cool about it but whenever I saw them together, it seems like it's not cool for me anymore.
"Hi Lyka." ngiti saakin ni Samantha at ngumiti lang ako sakaniya ng pilit. She's wearing the gown same as the other bridesmaid. But she looks gorgeous, effortlessly. Sa tingin ko ay siya lang ang nagmake up sa sarili niya. But wow... she looks stunning and insecurity covered my confidence again... urhg.
Bumaling ulit siya kay Leinard. "Hey, Lei. Akala ko ba sasamahan mo akong laruin si Baby Louie?" nakanguso pa nitong sabi.
Kumunot ang noo ko na tumingin kay Leinard. Ngumingisi ito at umiling-iling. Baby Louie? Who the hell is that?
"Oh yeah I forgot. Maybe later?"
"Sure. Namimiss ka na pa naman nun."
Humalukipkip ako at doon ko lang nakuha ang atensiyon niya. Mula sa pagkakangisi ay sumeryoso ang kaniyang mukha. I smiled sarcastically, mabuti at nakaramdam din siya.
"Oh. You might want to meet baby Louie, Via. He's Samantha's nephew."
Nanatiling hilaw ang ngiti ko sakanila habang nakatingin silang dalawa saakin at nakangiti. Sumikip ang dibdib ko nang maisip na sobrang bagay nilang dalawa. They love kids while I am not. At hindi alam iyon ni Leinard. Wala pa siyang kaalam alam saakin. And I hate myself for admitting that.
Pumalakpak ang baklang organizer ng kasal at naghudyat na kailangan nang pumunta sa kaniya kaniyang partners ang mga bridesmaids at groomsmen. Nagpasalamat ako ng palihim dahil doon. Ayoko kasing tumagal sa harap nilang dalawa.
"That's sound interesting..." pilit akong ngumiti sakanila at alam kong madali lang mahalata iyon. "Sige... Leinard. Pupuntahan ko lang yung partner ko."
Napatingin ako sa kwelyo ng coat niya may konting hindi ayos. Gusto kong ayusin iyon pero hindi ko na matagalan pa na humarap sakanila.
Inangat ko ang tingin sakaniya at naabutan kong kunot noong nakatingin siya sa mga mata ko pagkatapos ay hinawakan niya ang kwelyo ng kaniyang coat. Iniling ko nalang iyon at tinalikuran sila para hanapin si Francis. Naisara ko ang fist ko dahil nagngingitngit parin ako sa selos.
"Lyka!" hindi na ako naiharapan na hanapin si Francis dahil siguro katulad ko ay hinahanap niya rin ako.
Pinilit kong ngumiti at lumapit sakaniya.
"You look beautiful as expected." puri niya saakin.
Napatawa nalang ako at nagthank you. Feeling ko tuloy ay ako ang ikakasal dahil sa mga papuri nila saakin.
Inalok niya ang kaniyang braso at kumapit ako doon. Pero bumitaw din ako kaagad ng makitang hindi maayos ang kaniyang coat.
Nagtataka siyang tumingin saakin.
"Nagmadali ka ba sa pagpunta rito?" natatawa kong sabi.
Napakamot siya sa kaniyang batok at ngumisi. "Paano mo nalaman?"
"Hindi kasi maayos ang coat mo."
"Oh." tiningnan niya ang kaniyang coat at inayos ang butones nito. Pati ang butones sa kaniyang manggas ay gulo rin kaya napailing ako.
Balak ko na siyang tulungan doon pero napatigil ako nang may humapit sa bewang ko at humalik sa gilid ng mukha ko. Nilingon ko ang gumawa nun and it's no other than, Leinard Silastre. Napasinghap ako nang sobrang lapit ng mukha namin. Nilayo niya ako kay Francis.
"Fix my coat." bulong niya sa tenga ko at nakiliti ako doon.
Napasulyap ako kay Francis na ngayon ay hindi parin napapansin ang paglayo ko dahil nakatuon ang kaniyang pansin habang nakayuko sa pag-aayos ng sariling coat.
Humarap ako kay Leinard. "Where's Samantha? Siya nalang sana ang pinaayos mo."
Kumunot ang noo niya sabay ang pag igting ng kaniyang panga. "You still jealous."
"I am not." irap ko sakaniya.
"But I want you to fix it." hinawakan niya ang kamay ko para igaya sa kaniyang kwelyo. "Gusto mong gawin yun kanina diba? Pero bakit di mo ginawa?"
I bit my lower lip. Because yeah.... I already get jealous. But I am not telling it to you.
"Tinawag na tayo kanina eh. At ilang minuto nalang magsisimula na ang kasal, so it's better if Samantha will do it for me." umiwas ako ng tingin sakaniya.
"Then, you rather fix that man's coat, than mine?" gamit ang kaniyang hintuturo ay iniangat niya ang mukha ko para ipantay sa kaniyang mata. Umigting ang kaniyang panga.
Humalukipkip ako. "You're making it a big deal."
Hinila ko ang kwelyo niya para simulang ayusin. Alam kong matatagalan lang ang argyumento namin tungkol doon kung hindi ko gawin ang gusto niya kaya mabuting sundin ko nalang para matapos na.
Tinitigan niya ako habang patuloy ko namang inaayos ngayon ang kaniyang butones. Naamoy ko nanaman ang mabangong pabango niya. Nakakaadik talaga.
"Bridesmaids and groom's men! Position!" palakpak nung organizers.
Nilingon ko ang organizer at napatingin sa may altar. Naghihintay na doon si kuya Harry with his white tuxedo kasama ang kaniyang ama. Baka dumating na ang bride na si ate Loisa.
Kinapa ko ang coat ni Leinard para sa huling pag-aayos nito at ngumiti ako. "There done-chup." napasinghap ako habang nanlalaking matang napatigil. Oh my gosh!
Ngumisi siya at kinindatan ako. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Geez he freakin kissed me. Mabuti at smack lang iyon.
"Leinard!" saway ko.
"What? You want me to do it again?" tinaas niya ang kaniyang kilay.
Napailing nalang ako. Ewan ko kung mapapangiti ba ako o maiinis sa ginawa niya. To think na baka may makakita saaming ginawa niya iyon. Geeez. Lagot ako! Ano nalang ang sasabihin nila Brixx?
"What the..."
Napalingon ako kay Francis na kunot na kunot ang noo habang palipat lipat ng tingin saamin ni Leinard. Nag igting pa ang kaniyang panga. Napalunok ako. Did he saw it?
Nakita ko ang pagngisi ni Leinard kaya kumunot ang noo ko. Sinadya niyang ipakita iyon? Bakit?
"Pre. Take care of my girl a'right? Ngayon ko lang siya ipapahiram sayo kaya sulitin mo na dahil di na mauulit iyon." tinapik niya si Francis na ngayon ay gulat at di parin makapaniwala sa nakita.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang tinitingnan si Leinard na ngayon ay tumalikod na at nagtungo sa pwesto niyang kasama si Samantha. What can I say? He already called me his girl not once, but twice. Nung unang beses ay nung sa bar at sinabi niya sa lalaking balak akong manyakan noon at pangalawang beses ay ngayon. Girlfriend na ba niya ako? Ano ba talaga kami?
"Kayong.... d-dalawa na?" Disappointment written on Francis's face.
Di ako sumagot at lumapit lang sakaniya para sa paglalakad namin mamaya sa aisle. Paano ko naman masasagot ang tanong na hindi ko rin naman alam ang sagot? Mabuti nalang at hindi naman niya ako pinilit pang sagutin siya dahil tumahimik lang siya pagkatapos nun.
Inayos ko ang maliit kong bouquet na hawak at inignora nalang ang nangyari. Di ko alam ang trip ni Leinard, at bahala siya.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...