"Ano kayang pwedeng gawin ngayon?"
Kumibit balikat lang ako kay Shaun habang tinutuon sa gitarang hawak ko ang atensiyon. Nabobored daw siya sa kanila kaya nagpunta siya ngayon dito.
"Teach me how, nalang." Ngisi ko sakaniya habang inaangat ang gitarang hawak kong pag mamay-ari niya.
He hissed and looked at me unbelievingly. Humarap siya saakin at kinuha ang mga kamay ko para suriin. Nagtataka lang akong pinagmamasdan siya.
Ngumiwi siya pagkatapos suriin ang mga kamay ko at bitawan. "Your fingers are short. Mahihirapan ka lang."
Sumandal siya sa inuupuan naming sofa at tinuon sa TV ang atensiyon habang pinapapak ang naka bowl na kornik.
Kinurot ko siya sa braso kaya napadaing at napatalon siya sa sakit. Ngumisi lang ako.
"Tinatamad ka nanaman e. Paano kang hindi mabobored niyan?" Irap ko sakaniya.
He hissed and reach the guitar from me. Ngiting tagumpay.
"I told you, wag mo nalang pag aralan. Waste of time e. Kantahan mo nalang ako at tutugtog ako.
Napasimangot ako at napahalukipkip. "Ayoko nga. Gusto ko matuto."
"Trust me, Lykeyy. Magsisisi ka lang." Seryoso niyang sabi habang nilalagay sa tono ang gitara niya.
Di nalang ako umimik at hinayaan siya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Napagalaw ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa ko.
Biglang kumabog nanaman ang puso ko nang makitang galing nanaman iyon kay Leinard.
Leinard:
Wat are u doing? And y are u not replying? Tsss.Napakagat ako ng labi. Dahil sa sobrang di ako makapaniwala sa mga pinagtetext niya saakin kaninang umaga ay nakalimutan ko ng magreply.
Nanginginig pa ang mga kamay kong replyan siya. Geez nakakapanibago dahil di naman siya mahilig magtext sa tuwing tinetext ko siya noon.
Me:
Sorry Leinard, may ginawa kanina e. Eto nagpapaturo mag gitara kay Shaun.Pagkatapos kong isend yun ay bumaling na ulit ako kay Shaun na inaayos parin ang strings hanggang ngayon.
"Matagal pa ba yan?"
Humalakhak siya. "Slight. Inip ka na ba?"
"Slight din."
Napabuga ako ng hangin at sinilip ang phone ko nang wala paring reply si Leinard. Anyway, pwede ko namang maramdaman kung nagreply na siya dahil sa vibration ng phone. So bakit ko pa kailangan silipin?
[Np: I really like you by:Carly Jepsen]
Muntik ko nang mabitawan yung phone ko sa gulat nang mag ring ang ringing tone ko hudyat na may tumatawag. Nanlaki ang mata ko at nanginig ang kamay ko nang makitang siya ang tumatawag. Shit!
"Shaun! Inom lang ako huh?" Paalam ko kay Shaun.
Di ko na siya nahintay pang sumagot dahil dali dali akong dumiretsiyo sa kusina para sagutin yung tawag niya. Good thing ako lang ang nasa kusina ngayon.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya.
"L-Leinard." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa pananabik na marinig ang boses niya mula sa kabilang linya.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago sumagot.
[I don't want any man touching you, Via. Especially when I'm not fvcking around.] Mariin niyang sabi. Shit. Ang sexy ng boses niya sa phone.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...