Hindi ko alam kung kelan nagsimula. Basta ang alam ko gusto ko na siya una palang. Pinakilala siya saamin ng kabarkada kong si Brixx, na kapatid niya at kambal pa. Nangingiti talaga ako sa tuwing naaalala ko yung araw na yun.
"Pakilala mo naman siya saamin Brixx!" Sigaw iyon ng isa sa kabarkada kong si Luke.
Napatigil ako sa pag-inom ng iniinom kong coke at napatingin sa gawi ni Brixx na kasama ang isang babaeng kasing tangkad niya, maputi at may pagka-chinita lalo na kapag ngumiti. Napangiti ako ng palihim nang makita ang pag-pula ng pisngi nito sa sinabi ni Luke. Maputi siya kaya mabilis mahalata iyon.
Sinamaan kami ng tingin ni Brixx dahilan ng paghalakhak ni Luke at Brent, napailing naman ako. Brixx is very overprotective to his twin sister.
Napilitan siyang lumapit saaming apat nang nakakunot ang noo kasama yung kambal niya. Pinagmasdan ko naman ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ito ng short shorts at simpleng blouse na may hello kitty design. Yeah. She's cute and pretty. Mapapansin mo ding magkamata sila ni Brixx kapag natitigan ng mabuti. Though her eyes are gray while Brixx's eyes are darker.
"Fvck!" Daing ko nang maramdaman ko ang pagbatok saakin ni Brixx. Kanina pa pala ako nakatitig sa kambal niya.
"Grabe mangkilatis sa kambal ko uh?! You're ogling her!" Anito na nagpahalakhak kila Luke, Leo at Brent.
I hissed. "No! I'm just checking her out! Bintangerong ugok!"
"Checking her out, yeah. That's the same!"
Nagkibit-balikat lang ako. Anong alam ko dun basta ang alam ko I'm just checking her out.
Narinig kong tumawa din yung kambal niya dahilan kaya ako napatingin ulit sakaniya. Nakangiti na ito ngayon habang nakatingin din saakin. She's much prettier when she smiles like that. Kumunot ang noo ko sa naiisip ko. Ilang beses ko na ba siyang napuri?
"Pakilala mo na uh dude!" Sigaw iyon ni Leo.
Kunot na kunot ang noong tumingin dito si Brixx. He hissed. "She's obviously my twin sister! Tangna niyo talaga.”
Ngumiwi yung kambal niya at sinapak siya sa braso. Pinandilatan nito siya bago bumaling saamin ng may matamis na na ngiti. “Hi, guys. I'm Lyka Via Villafuerte.” pakilala niya sa sarili niya.
"Via huh? Nice name." Sambit ko bigla kaya napatingin ulit siya saakin. Napayuko siya at pumula ulit ang pisngi. Napangiti nanaman ako dahil doon. I like the thought that I'm the one who makes her blush like that.
"Lyka nalang para mas madali!" Tapik sakin ni Brent. Nagkibit balikat lang ako. Basta ako tatawagin ko siyang Via. I want to be unique. And it's weird. Why am I even want that? Fucking shit.
Inisa-isa kaming pinakilala ni Brixx sakaniya. At nang ako na ang makikipagshakehands sakaniya, nakita ko nanaman ang pag-blush niya bago ko tuluyang tanggapin iyon. Medyo napaigtad pa ako sa konting kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Tangna. May electric current ba siyang taglay?
Agad kong binitawan yung kamay niya dahil doon, na pinagsisihan ko rin nang marealize kong malambot ang kamay niya. Damn it. What is happening to me?! May girlfriend ako!
Pasimple akong napatingin ulit sakaniya na ngayon ay na kay Luke ang atensiyon dahil si Luke na ang ipinakikilala sakaniya ni Brixx.
Nakangiti ito habang nakikipagshakehands kay Luke. Napakunot pa ako ng noo nang hindi agad iyon binitawan ni Luke dahil hinalikan pa nito ang kamay niya. Nakita ko ang pag-blush niya dahil doon at bigla nalang akong nakaramdam ng inis kay Luke.
"What the fvck dude?!" Hinila ni Brixx yung kamay ng kambal niya palayo kay Luke and I kinda felt relief with that.
That time I know, I already attracted to her, but I know it's a bad thing because I have Samantha, and I really love my girlfriend. Isa lang siyang temptation na kailangan kong iwasan. Yun ang itinatak ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...