"Pwedeng sumama Leinard ko?" Nakangiting tanong ko kay Leinard na nakaupo na ngayon sa pang-isahang sofa. Bahala siya kung ayaw niya sa ngiti ko. Basta ngingiti ako. :3"No!" Mariin niyang sabi. "Go home Via."
I pouted. "Sige na~ wala ring ginagawa sa bahay eh. Nag-iinuman sila Brixx doon."
"I said no."
Napa-crossed arms ako. "Sasama lang naman eh!" Napangisi ako nang may maisip ako. "Wincel!! Sasama ako sa inyo huh?!" Sigaw ko. Nagbibihis kasi ito sa kwarto ni Leinard.
"Yes ate! Masaya kung sasama ka!" Narinig kong sabi ni Wincel mula sa kwarto kaya lalo akong napangiti.
Bumaling ako kay Leinard. I shrug my shoulder na parang nagsasabing. 'Paano ba yan? Gusto niya akong kasama.'
He hissed. "No. Di siya pwedeng sumama saatin!" Sigaw naman ni Leinard.
Bumukas yung kwarto at iniluwa niyon si Wincel na naka simpleng white and pink dress na ngayon. She's so pretty. ^__^
"Kuya. Gusto kong sumama si ate Lyka!" She pouted while combing her hair.
"No!" Mariin niyang sabi.
"Tayong dalawa lang yung mamamasyal? Ang boring mo kayang kasama kuya!" Nakasimangot na sabi niya.
Tumawa ako ng malakas. Pero sinamaan ako ng tingin ni Leinard kaya umakto akong izinip ko yung bibig ko.
He hissed. "Fine!" Sigaw niya. Nagkatinginan kaming dalawa ni Wincel for triumph. "Pwede ka ng sumama Via. Pero wag kayong lalayo saakin okay? Baka mawala ka." Sermon niya saakin na parang isa akong bata.
Napakunot noo ako. "Ano ako bata?! I can manage myself okay."
"Concern lang ako. Para na rin kitang kapatid diba?" He smirked. Tumayo siya at nagtungong pinto. "I'll wait outside." Nakasmirk parin na sabi niya saakin bago tuluyang lumabas.
I closed my fist firmly. Nakakainis. Sige Leinard ipamukha pa! Effortless ang pang-aasar niya saakin, swear! and I hate it!
"Ate tara na rin tapos na akong mag-ayos." Nakangiting sabi ni Wincel saakin.
I just smiled and nodded.
Lumabas na kami ni Wincel at nakita namin si Leinard na cool na nakasandal sa pader na naghihintay saamin. Napangiti ako bigla. Ang gwapo-gwapo niya.
"Let's go." Mariin niyang sabi bago nagpatiunang maglakad habang kami ni Wincel ay nakasunod naman sakaniya.
Nasa tapat na kami ng elevator at hininhintay nalang itong bumukas. Naalala ko nanaman tuloy yung dalawang couple na nakasabay ko kanina. I frowned.
*Ting!*
Bumukas na yung elevator. Naunang pumasok doon si Leinard at Wincel. Papasok na rin ako nang mapatigil ako sa lalaking nasa loob. Nanlaki yung mata ko. Yung.. yung lalaking babaero na nakasabay ko kanina! Pero wala na yung babaeng kasama niya. Nakangisi itong nakatingin saakin.
"Via!" Nakakunot noong tawag saakin ni Leinard kaya napatingin ako sakaniya.
He tsked then reach my hand as he pulled me near to him. Saka naman ang pagsarado ng elevator. "What the fvck Via?!" Galit niyang sigaw saakin. Muntik na kasi akong maipit ng pinto ng elevator dahil sa pagtigil ko.
"Sorry Leinard." I whispered.
Di na siya nagsalita. Kaya napabaling ulit ako sa nakangising asong lalaking katabi namin/ko. Or should I say. Yung babaero kanina. Umiwas lang ako ng tingin at inirapan siya.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...