Chapter 29: Go with you

1.9K 38 0
                                    


Napagdesisyunan kong kakain nalang ako sa labas kaya tumalikod ako para umalis nang biglang...

"Baby girl?"

Napangiwi ako. Pilit akong ngumiti nang humarap ako sakanila at kumaway. Namataan ko kaagad ang malamig na tingin saakin ni Leinard.

"Kain. Lyka!" Maluwang na ngiting alok saakin ni Luke. Tinapik pa nito ang katabing bakanteng upuan, na katapat ni Leinard. Tss. Inosente lang ba itong si Luke o sadyang dense lang?

Napansin ko ang pagtikhim ni Leinard kaya napasulyap ako sakaniya, umiwas siya ng tingin at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Er. K-kakain nalang ako sa labas."  Baling ko kay Luke.

"Huh? Bakit kakain ka pa sa labas? Dito ka na baby girl, maraming pagkain dito. Leinard cooked it, by the way." Parang walang kamuwang-muwang na sabi ni Luke, kaya pinandilatan ko siya.

Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ko lang siya. Langya, di ba niya naaalala na brokenhearted ako sa nagluto ng pagkain nila Tss. I know, it's not that reasonable but it's still awkward.

Napahilot ako sa sentido ko. Kailangan ko ng umalis dito sa harapan nila, bago pa di nanaman makisama ang hang-over na ito at di na sila matanggihan na kumain nalang dito.

"Hang-over?" Ngisi ni Brent kaya napatingin ako sakaniya.

I bit my lower lip as I nodded hesitatedly.

"Brixx dude. Bigyan mo ng gamot kapatid mo." Narinig kong sabi ni Leo kay Brixx na katabi niya at siniko niya ito.

"Uh. Wag na. I need to go--"

"Dito ka nalang kumain baby girl. May gamot ako pampawala ng hang-over, saglit at kukunin ko." Di ko na napigilan pa si Brixx nang tumayo na siya at may hinanap sa taas ng ref. Lalo akong napangiwi.

Napasulyap ulit ako kay Leinard. Nakangiti ito habang nakikinig sa kung ano man ang ikinikwento sakaniya ni Luke, di ko tuloy mapigilang ma-curious sa pinag-uusapan nila, but I need to note to myself that I should get a life!

"Oh eto na baby girl." Abot saakin ni Brixx ng isang tabletas, inabot ko naman yun. Okay, maybe I really need this.

"Thanks for this brother. I'll go now." Paalam ko sakaniya at naglakad paalis.

"Lyka. Kain ka na dito! Ang daming pagkain oh!" Sigaw iyon ni Luke, kaya napalingon ulit ako.

"Hindi na. Sa labas nalang talaga ako." Kako habang umaatras, at pinilit ngumiti.

"Pero sayang naman—"

"Fvck! Just let her dude. Wag pilitin ang ayaw."

Napaawang ang bibig ni Luke nang sabihin iyon ni Leinard. Napabaling ako sakaniya, hindi siya nakatingin saakin o kahit na kanino, nakatuon siya sa kinakain niya habang naka-igting ang kanyang panga. Napalunok ako. Galit ba siya? Parang galit siya base sa pagkakasabi niya nun.

Ipinilig ko yung ulo ko, ganyan naman talaga siya noon pa man.

Tinalikuran ko na sila at umakyat patungong kwarto ko para kunin ang shoulder bag ko at susi. Di na ako nag-bihis, nag-ayos nalang ako ng konti sa mukha ko and I'm ready. Nakasimpleng blouse with maong shorts at doll shoes lang ako nang lumabas ako ng bahay. Di na ako nag-aksayang lumingon pa sa may kusina kung saan nagtatawanan ang mga nandoon.

Di ko tuloy maiwasang mag-isip kung bakit parang galit pa ata si Leinard. Diba dapat ako? Ipinilig ko agad yung ulo ko ng maisip ko yun. Anong karapatan kong magalit? Malamang galit talaga siya dahil pinagpilitan ko ang sarili ko sakaniya, ayan tuloy nasaktan ako. Tss.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon