Chapter 32: Hurts like hell

1.7K 35 0
                                    

"Bye Sam."

Tumango si Samantha. "Bye Lei." Alanganin siyang tumingin saakin at ngumiti. "B-Bye Lyka. You both take care." Aniya at lumabas na ng kotse.

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa loob ng kanilang gate. Samantha is nice actually but has a bitchy side. No wonder Leinard love her that much. Ngayon ay nalilito na ako kung bakit ko siya ganun kinamuhian. Siguro ay dahil ayokong nasasaktan si Leinard.

"Lipat ka na dito."

Napabaling ako kay Leinard na tinitingnan akong nakakunot noo sa rearview mirror.

Suminghap ako at lumabas sa back seat para lumipat sa front seat. Nakakainis lang na kung kelan gusto ko ng lumayo sakaniya ay tsaka naman kami pinaglalapit ng ganito.

Pinagmamasdan niya ako base sa nakikita ko sa gilid ng mata ko. Pero di ako nag aksayang salubungin ang tingin niya.

"Stop staring y'know." I said without looking at him.

Ngumisi siya. Umiling iling na nag alis ng tingin saakin at ibinaling iyon sa daan bago niya buhayin ulit ang makina para makaalis kami doon.

I gaze at him this time. Nakapaskil parin ang ngisi sa kaniyang labi habang nagmamaneho. Umiwas ako ng tingin dahil sa may kung anong kumiliti sa tiyan ko. Hays. Ngiti palang niya kinikilig na ako.

How can I move on Leinard? Tell me how please.

*****

"Wag mo kong kausapin! Naiinis ako sayo." Mariin kong bulong kay Brixx nang tinanong niya ako kung anong nangyari sa buong biyahe namin ni Leinard.

Kasalukuyan na kaming nag aabang ngayon para sa pagdating ni Ate Loisa. At hindi ko parin talaga kayang iwala ang pag kainis ko sa kambal ko.

"Oh come on Baby Girl." Halakhak niya. "I'm just asking---ow! Sweet that hurts!"

Napailing nalang ako sakaniya at lihim na nagpasalamat sa paghampas sakaniya ni Sheye na katabi niya ngayon. Si Leinard ay nakupo sa hood ng kanyang kotse at walang pakielam sa mga babaeng naaagaw niya ng atensiyon. Bakit ba kasi ang lakas ng dating niya ngayon! Kabanas.

"Stop teasing your twin. Kita mong problemado dahil sayo e."

"Sorry a'right." Humalakhak nanaman siya at inakbayan si Sheye.

Umirap nalang ako sa kawalan.

Napatingin ako sa hawak kong phone nang mag vibrate iyon. Napataas ako ng kilay nang makitang nagtext saakin ng sabay si Shaun at Chloe.

Best'Chloe:
Best andito ako sa bahay ni Shaun punta ka dito.

Shaunyy:
Lykeeyy! Foodtrip tayo ngayon dito sa house. Andito si Chloe.

I sighed and tried to compose a message for the two. Gusto ko silang maka bonding ngayon pero hindi pwede. Sayang talaga.

Me to Chloe and Shaun:
Can't :( Andito kami ngayon sa airport para sunduin si ate Loisa. Maybe after I'll try to go there.

Maya maya pa'y nagtext ulit sila ng sabay. Oo sabay talaga. Haha.

Best'Chloe:
Oh really?! No best kami nalang pupunta sa inyo mamaya! I like to see ate Loisa eh. Isasama ko rin si Brent.

Shaunyy:
Sabi ni Chloe kami nalang ang pupunta sa inyo.

Napangiti ako at nireplyan sila.

Me to them:
A'right see you later. :))

Pagkatapos kong isend yun ay itinago ko na yung phone ko sa bulsa ng pants ko.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko at napawi ang ngiti ko nang magkasalubong ang tingin naming dalawa ni Leinard nang sinulyapan ko siya.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon