Chapter 26: Confusing

1.5K 31 0
                                    


"Okay, don't forget your homework , see you next time, class dismiss, Bye! Advance Happy Valentine's day." Paalam ng nagmamadaling prof namin bago lumabas.

Nag-ayos na ako ng gamit ko. Valentine's day na pala bukas. Napangiti tuloy ako habang iniisip kung paano yayain si Leinard ko ng date. Syempre gusto ko siya ang Valentine's date ko nu.

Napasulyap ako sa likod kung nasaan nakaupo si Leinard. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang may malalim na iniisip. I wonder what's on his mind.

Tumayo ako para sana puntahan siya pero napatigil ako nang kalbitin ako ni Chloe.

"Best. Starbucks tayo ngayon. Shaun is waiting there right now, tayo nalang ang hinihintay. He texted me."

Napatango nalang ako sakaniya. "Mauna ka nalang muna siguro best." Ininguso ko si Leinard.

"Oh." Aniya habang nakatingin kay Leinard na parang gets na ang gusto kong sabihin. "Ge. Text mo kami huh? Sunod ka!" Aniya saka tuluyang lumabas ng room.

I sighed. Kinuha ko yung shoulder bag ko at lumapit kay Leinard. Napaangat siya ng tingin saakin nang nasa gilid ko na siya at bumuntong hininga, napakunot ako ng noo dahil doon.

Walang imik na kinuha niya yung bag niya saka tumayo at naglakad palabas.

"Leinard!" Tawag ko sakaniya.

Two more steps saka lang siya tumigil at humarap saakin. "What?" Kunot-noo niyang tanong.

"G-galit ka ba? B-bakit di mo ko pinapansin?" I said hesitately. "Sasabayan kasi kita dapat sa pag-alis mo dito sa room pero nilagpasan mo lang ako nang nakita mo ako." Di ko napigilan ang pag-nguso.

"What for?" He asked coldly. Bakit ang cold niya ngayon?

"Sweetypie. I'm courting you. Akala ko ba makukuha ko na ang cooperation mo para doon?" Hinigpitan ko yung hawak sa strap ng shoulder bag ko.

He bit his lower lip. Lumapit siya saakin kaya medyo napaatras ako. Kahit wala ng tao sa room at kami nalang dalawa ang nandito nahihiya parin ako na baka may makakita saaming dalawa sa ganon kalapit na posisyon.

Nakita ko ang paglunok niya. "B-Bakit hindi ka nalang pumunta sa Shaun mo?" He said and looked away.

"What?" Hinuhuli ko yung tingin niya pero pilit niya paring inilalayo ito saakin. "Why can't you look at me Leinard? Look at me please." Hinawakan ko yung pisngi niya para pumirmi saakin yung tingin niya pero hinawi niya ang kamay ko.

"Stop this Via. Itigil mo na 'to! Stop chasing me! I... I don't deserve you. Wala kang mapapala... saakin." He, then looked away. He can't even look a bit at my face.

"Ano bang pinag-sasabi mo Leinard? Kaya nga kita nililigawan e. I love you! And I mean it. I love you Leinard! Can't you understand?! Please. Hinintay kong maging ganito ako kalapit sayo! So can't you just let me?!" Inis kong sabi.

Napahilot siya sa sentido niya. "Look Via. Kay Shaun ka nalang. Di ba may pupuntahan kayo ngayon? Then go after him. Kaya ko naman umuwing mag-isa." Mabilis na naglakad siya palabas ng room kaya hinabol ko siya.

"Ano bang meron kay Shaun? Bakit lagi siyang nasasali sa usàpan? He's just my friend!" Habol kong sabi habang sinusundan siya.

"I don't care Via."

Hinila ko yung braso niya at pinaharap siya saakin. "Tell me Leinard. Are you jealous?"

Tinitigan niya ako, yung matagal. Bumukas sara yung bibig niya na parang may gusto siyang sabihin pero sa huli tumawa lang siya. "Oh no Via. I'm not. Sinasabi ko lang na kay Shaun ka nalang dahil sigurado akong.... mamahalin ka niya. He likes you and.... h-he wants to court you. You deserve to be court Via. Not to court a guy." Napaos yung boses niya pagkasabi niyang huling sentence.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon