Chapter 14: Questions

1.4K 43 1
                                    

*Bzzzzzzzzzzzzt!*

Ilang beses ko na pinindot ang doorbell ngayon. Pero wala paring nagbubukas. Nasa tapat ako ngayon ng condo ni Leinard ko at as usual dinalhan ko ulit siya ng cookies. Mwehehe.

Nasan kaya siya? Tinanong ko kasi sila Leo kung nasaan siya pero sabi nila umuwi na daw ito. Pero bakit mukhang walang tao.

Although pwede ko pa namang buksan ito. Alam ko naman ang passcode ng condo niya e.

I just sighed. Tama bubuksan ko nalang. Pinindot ko yung passcode niya which is.. 120714. And it opened.

Dali-dali akong pumasok sa loob ng condo niya pagkatapos isinara rin iyon.

"Sh!t!"

I startle when I heard someone cursed behind me so I turned my head at my back. And... "L-leinard. Whaaaa. Don't kill me!" Sabi ko habang hinaharang yung kamay ko sakaniya. May hawak kasi siyang kutsilyo.

"Abnormal!" He hissed. "Bakit ka pumasok agad?! Pagbubuksan naman kita e!"

Unti-unti kong binaba yung kamay ko. At tumingin sakaniya. "Ang tagal mo kasi akong pagbuksan eh. Nangalay na ako dun kakatayo." Napatingin ako sa kutsilyong hawak niya. "Hindi mo nga ako papatayin pero muntik mo na akong mapatay sa takot dahil diyan sa dala mo."

"I'm cooking." Simple niyang sabi. Bago tumalikod ulit at nagtungong kusina niya. Saka ko lang napansin na naka-apron siya.

Napangiti ako at sinundan siya sa kusina. "Marunong kang magluto Leinard ko?" Kako sakaniya.

"Why are you here by the way?" Nakakunot noo niyang tanong, ignoring my question. -___- nagsimula na siyang mag-hiwa ng kamatis.

"I brought you cookies!" I said hyperly.

"Nanaman?!" Singhal niya. "Nauumay na ako! Ang dami ng stock diyan sa ref."

Humalakhak ako. "Grabe ka naman. That's how I express my feelings. So you mean nauumay kana sa pagmamahal ko sweetypie?" I joked.

"Yes."

I gasped. "Pwede magsinungaling minsan Leinard. Masyado kang straightforward e." Kako sabay irap sakaniya.

"Sorry, but I just don't want to lie about it." Sabi niya habang minimix na ngayon ang nasa kaldero ng niluluto niya.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. Umupo nalang ako sa stool at nakangiting pinanood siya sa ginagawa niya.

"Stop staring Via. It's rude." Sabi niya. Habang hindi nakatingin saakin.

"I used to it." Nakangiti kong sabi.

"Then atleast stop smiling."

Napakunot yung noo ko. "Why do you hate me smiling."

Di siya sumagot nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Gusto ko siyang tulungan pero wala akong alam tungkol sa pagluluto. Yeah. Pity me. :3 Anyway back to my question.

"Leinard why do you hate my smile? Pangit ba?"

Saglit lang siyang napatingin saakin. Hinead to foot niya ako. "You still haven't change your clothes huh?" He said. Still ignoring my question. -___-

"Hindi pa. And why do you hate it too? I wore this because of you but you didn't appreciate it."

Umiling lang siya. "I told you, you don't need to do that----"

"Tell me, Leinard. How can I make you love me too?"

Napatigil siya. Tumingin siya saakin pero umiwas din ng tingin. "There's no way Via." He blurted.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon