Sumunod ako sakaniya pagkapasok niya sa loob ng flower shop nang nakahalukipkip.
Bumungad saakin ang mga babaeng nagsisihagikgikan habang nakatingin kay Leinard na nagtitingin tingin ng iba't ibang bulaklak. Mukhang wala siyang alam na may kinikilig sa kagwapuhan niya base sa seryoso niyang mukha habang pinagmamasdan ang mga tulips na nakahilera sa paningin niya. I hissed and looked away.
Bumaling ako sa counter kung saan sinalubong ako ng ngiti nung sa tingin ko ay nag babantay dito sa flower shop. I smiled back.
"Hi miss what can I do for you?"
"Uhh. Can I see some example of your bouquet. You know para sa wedding, baka dito nalang kami magoorder." I said to him directly.
Napalingon ako kay Leinard na ngayon e kinakausap na ng dalawang babaeng nagsisihagikgikan kanina. Di ko maiwasang mapasimangot.
"Sure thing. Marami kaming magagandang arranged bouquets dito Ma'am I'm sure may magugutuhan kayong design para sa kasal niyo."
Napabaling ulit ako sa lalaking kinakausap ko. Hindi ko masyadong nasundan yung sinabi niya kaya napatango nalang ako.
"Can I see it?"
"Oh. Okay Ma'am mamili nalang po kayo sa loob." Iminuwestra niya saakin ang loob ng isang double doors.
"Uhh." Napatingin ako kay Leinard na ngayon ay papalapit na saakin. So tapos na pala siya huh? Sinimangutan ko siya at tinaas naman niya yung kilay niya na parang nagtatanong.
"May brochure din po doon Ma'am maraming pamimilian." Ngisi nung lalaki na proud na proud.
Tumango lang ako at papasok na sana sa itinuro nung lalaki nang akbayan ako ni Leinard na ngayon ay nasa gilid ko na.
"Sweetypie. Nakamili ka na ba?"
Kumunot ang noo ko sa tinawag niya saakin. Nasasanay na siyang tawagin ako ng ganyan uh? Ano bang trip niya? Tsss.
"Not yet." Kinibit ko ang balikat ko para tanggalin ang kamay niyang nakaakbay pero di parin niya iyon binitawan.
"Sa kasal niyo po ba ma'am and sir?" Ngisi nung lalaki saamin.
Nanlaki ang mata ko at marahas na umiling. "No--"
"Yes." Ngisi ni Leinard.
Napaawang yung bibig ko. Ang kapal naman talagang sabihin yun? Siguro kung nililigawan ko pa siya tanggap ko pa e. Kikiligin pa ako pero ngayon ewan. Naiirita ako kasi alam kong pinagtitripan niya lang ako at inaasar.
"Ay akala ko talaga kapatid niya. Fiancee pala."
Napalingon ako sa dalawang babae kanina. Kailan ba matatapos ang issue na napapagkamalan akong kapatid ni Leinard? Tsss.
"Pumasok na nga lang tayo." Mahinang sabi ko saka naunang pumasok sa double doors na itinuro nung lalaki.
Bumungad saakin ang iba't ibang pumpon ng bulaklak. Marami din ako nakikitang brochures pero feeling ko mas trip ko nalang ang mag arrange ng sariling bouquet.
Hinawakan ko ang arrange tulip and lilies. Maganda ang combination pero gusto ko pang makakita ng mas higit pa kaya nagpatuloy ako sa pagsusuri.
"Hey." Napatalon ako sa gulat nang nasa likod ko na si Leinard at bumulong. Hinawakan niya yung bewang ko at hinapit palapit sakaniya.
"Uy. Bitiwan mo nga ako." Tinampal ko yung kamay niya sa bewang ko. Nakiliti ako sa haplos niya pero nagawa ko paring magtaray.
He chuckled. "But I don't want to." Sinubsob niya nanaman yung mukha niya sa leeg ko. "I love your scent."
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...