Last day of school day namin ngayon bilang freshmen at relax nalang kami ni Chloe dahil natapos na namin lahat ng requirements. Galing kami ngayon sa dean's office dahil nakasali kaming dalawa sa dean lister. At syempre kailangan naming magdiwang dahil diyan kaya nilibre namin ngayon si Shaun.
"Happy Vacation guys." Halakhak ni Shaun habang inaangat ang kanyang Iphone sa aming tatlo para makapagselfie.
Kanya kanya kaming pose habang kiniclick niya ang capture.
"This is enough." Aniya habang kinakalikot ang cellphone niya at sa tingin ko ay para ipost ang mga pictures namin sa FB.
"Anyway." May kinuha sa kanyang bag si Chloe at ipinakita saakin. Invitation iyon sa wedding nila Kuya Harry at ate Lois. "I can't believe partner ko si Luke." Halakhak niya.
Ngumisi ako at tumango lang sakaniya.
"Nakatanggap din ako ng invitation e. At natawa pa ako kay ate Loisa dahil nakalimutan niya daw akong isali bilang groom's men, at ayun hanggang ngayon sorry parin saakin ng sorry. Okay lang naman e, nahihiya din ako." Halakhak niya bago kainin ang inorder namin.
Tumawa din ako at naguilty hindi ko rin siya naalala e. Pft.
"Dibale sasamahan ka parin naman namin Shaun e. Yung ibang bridesmaid kasi ni ate Lois di ko close at kilala." Kako.
Nagpatuloy lang kami sa pagkukuwentuhan at pagtatawanan ng kung ano ano habang kumakain hanggang sa naopen nila ang topic na ayoko sanang pag usapan.
"Di ka parin kinakausap ni Leinard uh? I noticed."
Tumango lang ako habang tinutuon sa pagkain ang atensiyon. Gusto ko nang patayin agad yung topic e.
"Ang babaw niya. Yung girlfriend nga niya na si Sam di nakanood, tapos saakin siya nagtatampo?" Kako nalang.
Shaun hissed. "Are ya dense Lykeyy? Hindi sila kasi kung sila bakit pinagmamalaki ni Samantha na si Charles ang boyfriend niya sa FB?"
Kumunot ang noo ko dahil don. Parang imposible naman nun? Diba si Leinard yung ka in a relationship niya?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko at iniba ang topic. Ayoko talaga pag usapan na siya.
"Anyway Chloe, kilala mo pa si Francis Buenavista?"
Kumunot ang noo niya at halatang nag isip. "Who?"
"Naging classmate natin yun nung 3rd year high school. Kapatid ni kuya Harry at best man niya."
Kinuha ulit niya ang invitation at sinuri ang laman nun. "Oh yeah. Kilala ko siya sa name pero nakalimutan ko na yung hitsura." Kibit balikat niyang sabi.
Tumango lang ako at pasimpleng tiningnan si Shaun na nakatitig lang saakin ng seryoso, alam kong nahalata niya ang pag iiba ko ng topic kanina kaya ganyan siya makatingin saakin ngayon. Kinibit ko nalang ang balikat ko sakaniya at pinagpatuloy ang pag kain.
*****
Pagkatapos naming kumain nila Shaun at Chloe ay dumiretsiyo na kami ni Chloe sa bahay para sukatan daw kami ng magiging gown namin.
Pagpasok namin ay napatingin saamin ang mga tao sa sala, nasilayan ko ang ibang bridesmaid at groom's men. Andito silang lahat actually maging si Sheye na tahimik at awkward sa isang gilid, si Samantha na kasalukuyang sinusukatan, sila Brent, Leo, at Luke na kinakausap ang ibang di ko kilalamg bridesmaids si Leinard na pinanonood si Samantha habang sinusukatan at si Brixx na tahimik lang rin katulad ni Sheye. Napahinga ako ng malalim bago kami tuluyang pumasok ni Chloe at lapitan sila.
Humiwalay saakin si Chloe at nilapitan si Brent na nakikihalubilo sa ibang groom's men at bridesmaid.
Napagpasyahan kong kausapin si Sheye na tahimik lang sa isang gilid pero nagbago ang isip ko nang nahuli ni Leinard ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...