Epilogue

2.3K 49 18
                                    


Five years later.

"HOY, BRIXX! YOU NEED TO GET UP NOW!" singhal ko sa kambal kong hanggang ngayon ay tulog parin sa kaniyang higaan.

Pinulot ko ang kaniyang mga damit na nasa lapag lang ng sahig at inilagay iyon sa laundry holder. His room is in a mess! Naiintindihan ko naman na hindi na niya naaasikaso ang maglinis dahil sa busy siya sa kaniyang trabaho, pero ang pangit kasing tingnan!

Napaungol siya at nakangiwing sinulyapan ako. Pumameywang ako sa harapan niya.

"You need to take a bath already! Late ka nanaman and for sure dad will be furious again! Paano ka niya maipopromote bilang CEO?! Ano 'to COO ka nalang forevs? Gosh."

He groaned. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at inihilamos ang kaniyang sariling palad sa mukha. "Will you stop being like mom?! I hate her fusses you know that!"

Napahagikhik ako at umupo sa tabi ng kaniyang kama. "Nag-papractice lang. Pero totoo naman kasi! Bumangon ka na. Papasok na ako ng trabaho." tinulak ko siya at tumayo.

Naglakad ako palabas ng kaniyang kwarto at isinara na ang kaniyang kwarto.

It's been five years since Leinard left. We still communicating to each other naman kaya naging maayos parin saakin kahit na nasa malayo siya. Hindi na nga ako makapaghintay sa pagbalik niya eh. Pero alam kong maghihintay pa ako ng one more year dahil iyon ang sabi niya.

Nagdrive ako papunta sa V&V bldg. Which is also known as Villafuerte and Villanueva building na kompanyang pagmamay-ari ng aking ama at ng kanyang kapatid na si Catherine Villafuerte-Villanueva. Dito ako ngayon nagtatrabaho bilang head HR.

Binati ako kaagad ng guard na nasa entrada pagkapasok ko ng lobby at binati ko din siya ng may matamis na ngiti sa labi.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa elevator. Lakad takbo ang ginawa ko nang makitang papasara na ang elevator pero nahuli ako kaya sa harapan nito ang bagsak ko. Napabuntong hininga ako. It's not bad to use the stairs but I'm wearing a heels. Baka paltos ang abutin ko pagkarating sa 12th floor.

"Ma'am! Ma'am!"

Nilingon ko kaagad ang hindi maipintang mukha ng assistant ko habang patakbong papalapit saakin. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Elise, bakit?"

Muntik pa akong nawalan ng balanse nang mapahawak siya sa pulsuhan ko nang mapatigil siyang hingal na hingal.

"May kaganapan po sa labas eh. Hinahanap daw po ang may-ari ng kompanya niyo." hinila niya ako palabas ng building.

"Ano?! May mga protesters? Why? Why?" kunot na kunot ang noo kong nagpapahila sa assistant ko. Hindi ko maintindihan. May nagawa bang mali sina daddy sa pagpapalakad ng kompanya namin?

Pagkalabas namin ay saka lang niya ako binitawan. Napaawang ang bibig ko nang maraming tao ang nagkukumpulan sa harapan ng building namin. Yan na ba ang mga nagpoprotesta? Hinanap ng mata ko ang guwardiya ng building at nakitang pabalik na ito sa gawi namin.

"Manong, bakit daw? Anong problema?" tanong ko sa guard. Pati ang nasa loob ng building ay lumabas para tingnan kung ano ang kaganapan.

"Hindi ko nga po alam Ma'am eh."

Kumunot ang noo ko. "Hindi mo alam? Dapat inalam mo, manong. Baka nagpoprotesta ang mga iyon."

"Ay hindi naman daw po."

"Paanong hindi-"

"Ma'am tingnan nalang natin." wala na akong nagawa nang hilain na ako ni Elise palapit sa mga iyon. Lalo akong nagpanic.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon