Leinard'ko:
Talk to me, please.Napailing ako at ibinato sa paanan ko ang phone ko. Ilang araw na mula nung malaman kong aalis siya papuntang States. Ayokong makipag-usap sakaniya. Kapag nakikita ko kasi siya sumisikip ang dibdib ko. Naiisip kong aalis parin naman siya kahit anong gawin ko so bakit pa niya kailangang makipag-usap saakin. Yeah I know I'm being childish. You can't blame me for that.
Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa kama ko. Pasimple kong sinilip ang bintana sa kwarto ko. At as usual, nandoon parin si Leinard sa court, nakaupo sa isa sa mga benches doon at nakayuko habang tinitingnan ang kaniyang phone. Bukas na ang alis niya, at naiintindihan kong ayaw niyang umalis ng mabigat ang loob kaya gusto niya akong kausapin pero kasi... ayoko eh. Hindi ko kasi matanggap na aalis siya. Ayoko. Lalo na nang sinabi ni Brent saakin na doon sa states niya tatapusin ang pag-aaral niya. Kaya ko bang mawala siya ng ganoon katagal? I guess not.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang mapaangat ng tingin sa bintana kung nasaan ako ngayon. Agad akong nagtago sa pader na katabi at huminga ng malalim. Alam kong nakita niya ako. Shit.
"Baby girl! Come out already. Kakain na." katok ni Brixx sa pintuan mula sa labas ng kwarto ko.
I snorted. Ayoko rin silang kasabay na kumain dahil alam kong sasabay din si Leinard. Ayoko siyang makita.
Nakita ko nalang ang sarili kong tinetext ang ang number ni Chloe. I need a diversion for this.
"Lyka, wag ng matigas ang ulo. You need to eat!" mariin na sabi niya ulit.
I hissed. "Sa labas na ako kakain! At please, pauwiin mo na si Leinard. Kung hindi, hindi talaga ako lalabas dito."
Nagsimula na akong mamili ng susuotin sa closet ko. Tutal ay nakaligo naman na ako kanina, magpapalit nalang ako ng pang-alis na damit.
"Hah! You can't do that, though. Gusto mong isumbong kita kay Dad? Bumaba ka na o si Leinard ang papaakyatin ko dito!"
I panicked. Sinasabi ko na nga ba at hindi pa naman talaga kakain. Gusto niya lang akong bumaba para makipag-usap kay Leinard. Such an asshole.
"Wag mo na nga kaming pakielaman Brixx! Bakit ba nangingielam ka!" singhal ko sakaniya at tumayo malapit sa pintuan. "You know what, ang alalahanin mo, si Sheye! Ngayon ang alis niya papuntang Korea-ah no. Actually nakaalis na siya kasi 10 am ang flight niya and it's already..." tiningnan ko ang wall clock ko. "...12 pm kaya wag ka na umasa!" sigaw ko.
Para siyang natigilan saglit dahil sa sinabi ko dahil wala ng nagsalita mula sa labas. Napangisi ako at nagtungo na ulit sa closet ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan?" maya-maya'y sabi niya mula sa labas.
Nakaramdam ako ng guilty dahil sa tono ng kaniyang boses. Natigilan din ako mula sa paghahanap ng damit na susuotin ko sana sa pag-alis mamaya.
"Fuck, Lyka! Bakit ngayon mo lang sinabi yan?! Fuck fuck fuck!" pagmumura niya mula sa labas. Kinakalampag pa niya ang pintuan ko at alam kong dahil iyon sa frustration niya.
"Y-You didn't ask! At mukha namang wala ka ng pakielam sakaniya eh." Medyo huminahon na ang boses ko pagkasabi nun.
"Even though! Damn, kahit kanina lang para sana makahabol ako.... fuck! Lyka naman!"
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...