"Seriously Lyka? Ginamit mo talaga ko." Ani Shaun bago paandarin ang kotse niya.Pumikit lang ako at sumandal sa backrest ng upuan. "Nagbabakasali lang naman na magselos siya." Walang ganang sabi ko.
"And it worked. Di mo ba alam na gusto na niya akong patayin ng tingin kanina. He's freakin' jealous Lyka." Aniya habang nakatingin sa daan.
Umiling-iling ako. "Di siya nagseselos Shaun. Di niya ako gusto. Si Samantha ang mahal niya."
He shrugged. "Pero yun ang nakikita ko kanina."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko ba susuportahan mo ako?"
"Yeah but--" Tumawa siya. "Okay. Ikaw ang masusunod dahil brokenhearted ka. Let your heart heal first. Di muna ako magsasalita."
Hindi na ako umimik pagkatapos nun. Iniiyak ko na kay Shaun kanina lahat at sa tingin ko wala ng mahihita pang luha sa mata ko dahil ubos na ito. Naalala ko pa yung unang sinabi niya saakin pagkatapos ng incident na yun.
"You're not okay. Lyka. Iiyak mo lang yan." And so I did.
Napatingin ako sa medyong basang damit ni Shaun dahil sa mga iyak ko sakaniya kanina. I'm very lucky to have him. Ilang beses na ba akong umiyak sakaniya? Tama, he's my guy who always gave free hugs.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Inaalala yung mukha ni Leinard kanina at kung paano niya halikan si Samantha. Yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw niya akong halikan, kasi mahal lang niya ang hinahalikan niya. Napapikit ako ng mariin.
***
Days passed at nilublob ko lang ang sarili ko sa loob ng kwarto ko. Kung hindi pag-aaral ay nag-oopen lang ako ng FB ko tulad nalang ng ginagawa ko ngayon.
Nasa 'in a relationship' status na ulit si Samantha pero hindi nakatag doon si Leinard. Siguro ay hindi pa nakaka-FB si Leinard kaya hindi pa nito nacoconfirm yung status na iyon. Anyway what do I care? Nakalimutan kong wala na pala akong pake. I will get a life.
Nag-type ako ng status ko bago mag-log out.
One day you'll gonna miss me, and how much I love you and you'll gonna hate yourself for letting me go. --feeling broken.
And I clicked post.
"Best. Can you open your door please. Tara pasyal naman tayo.""Baby girl labas ka diyan."
Napangiwi ako sa mga katok nila sa pinto ko. Alam ko namang nag-aalala sila saakin pero sana bigyan muna nila ako ng time maging okay.
Ilang araw na rin nang nagsimula akong mag-move on. Naging mailap ako lalo pa't kaklase ko sa lahat ng klase si Leinard. Kapag naramdaman ko siya sa likod ko o kapag naman nakakasalubong ko siya kunwari di ko siya napansin o di kaya'y busy ako sa pagtetext. Mukhang naiintindihan naman niya yun dahil wala naman siyang balak pansinin din ako kaya okay na rin.
Napabuntong hininga ako at napagdesisyunan kong lumabas nalang dahil naririndi na rin ako sa mga katok nila. Binuksan ko ang pintuan at bumungad saakin ang mukha ni Brixx, Chloe at Brent.
"Guys I was sleeping. Istorbo kayo!" Pagsisinungaling ko saka sila nilagpasan.
Sinundan lang nila ako, hanggang sa dumiretsiyo akong kusina para uminom.
"Ayos ka na ba baby girl?" Tanong ni Brixx.
Nagsalok muna ako ng tubik sa baso bago ko sagutin ang tanong niya. "Yes I am. Pwera noong nakaraang araw. Kasalanan ko rin 'to."
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...