Pagkatapos naming hintayin na matapos ang dismissal ni Shaun ay sabay sabay na kaming dumiretsiyong Gym para manuod. Pero nahuli na yata kami dahil paalis na ang mga tao.
"Mukhang tapos na yung game."
"Sino kayang panalo?" Tanong ko sa nagsalitang si Shaun.
Tinuro niya saakin yung mini board na nasa gilid ng court na malapit saamin. Nakalagay doon ang nanalo sa 1st quarter, 2nd, 3rd at 4th at sa tingin ko talo ang mga generalists.
"Omy. Lagot ka ata best."
Napasulyap ako kay Chloe. "Huh? Bakit?"
"Remember what Leinard said?"
Tumitig ako sakaniya ng ilang segundo at nang marealize ko ang ibig niyang sabihin, napakagat ako ng labi dahil sa pag kaguilty. Oo nga pala. Pero di ko naman sigurado na dahil lang doon kaya sila natalo. Dahil lang sa di ako nakapanood? Ang babaw naman?
Umakbay saakin si Shaun kaya napasulyap ako sakaniya.
"Di naman siguro. Di lang naman si Leinard ang nagdadala sa game e."
Napatango kaming dalawa ni Chloe. I hope soo..
Napagdesisyunan naming lapitan ang mga generalists at nahagip na agad namin sila ng tingin sa isang sulok ng court at problemado. Malamang, sino ba namang sasaya kapag natalo? Pero, friendly game lang iyon diba?
Napansin ko rin ang masamang tingin saakin ni Leinard na nakaupo sa bench. Kinakausap siya ng isa sa kasama nilang player, pero tanging tango lang ang sinasagot niya dito dahil nasaakin ang atensiyon niya. Napayuko ako dahil nakaramdam ako ng guilty.
Agad kong nilapitan si Luke na siyang malapit banda saamin. Nakatalikod siya saamin habang umiinom ng bottled water, at napatigil lang nang kalbitin ko siya.
Ngumisi siya saakin.
"What happened?" Alanganin kong tanong.
Umawang yung bibig niya para sana magsalita pero may sumagot mula sa likod niya.
"Isn't it obvious? We lose." Malamig na sabi ni Leinard.
Hindi siya tumitingin saakin nang sabihin niya iyon, pero alam kong sakin niya iyon sinabi. Di naman dahil saakin diba? Hays.
Napalunok ako at wala sa sariling napakuskos ako sa sarili kong kuko.
"Stop acting as if you're guilty, because you're not. Tsss." Aniya.
Umangat ang tingin ko sakaniya at tanging likod nalang niya ang nakita ko habang papalayo saamin. Urgh. Bakit feeling ko kailangan kong magsorry sakaniya?
Inakbayan ako ni Luke na nakangisi parin hanggang ngayon. Bakit naman kaya nakangisi ito kahit na talo sila?
"Wag mo na pansinin yun. Baka may dalaw nanaman." Aniya at humalakhak.
Bumungad sa harap ko si Brent, with his suspicious look and crossed arms. Kumunot ang noo ko dahil doon.
"Tell me, Lyka." Napasulyap siya kay Brixx na ngayon ay naglalakad na rin palayo para pumunta sigurong boys locker room kasama si Leo, bago bumaling ulit saakin. "Kayo na ba ni Leinard?"
Nanlaki ang mata ko at umiling iling. "Paano naman magiging kami?"
"Oh?" Tumango tango siya. "Akala ko kasi ikaw ang rason kung bakit di maasahan si Leinard kanina sa paglalaro."
Humalakhak si Luke na nakaakbay parin saakin. "Si Lyka nga ang dahilan, dude. Nag expect kasi siya na dadating etong si Lyka, kaso hindi naman dumating." Napasulyap siya saakin at napanguso ako dahil doon. Ang babaw naman ni Leinard. Tsss.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...