Chapter 30: Brixx the Second?

1.8K 38 1
                                    


Tahimik lang kaming nag babiyahe at patungong mall. Kating-kati na akong kausapin siya pero feeling ko ayaw niya akong kausapin, kapag kasi napapalingon ako sakaniya isasalungat naman niya ang tingin at ibabaling sa bintana o di kaya'y sa daan, kaya itinikom ko nalang ang bibig ko. Bakit ba kasi sumama pa siya?

Ibinaling ko nalang ang atensiyon ko sa kotse niya. First time kong makasakay dito, pero feeling ko... nakasakay na ako dahil pamilyar ang amoy ng air freshener niya. Masarap sa pang-amoy.

Nagpapark na siya sa parking lot ng mall, na sinabi ko sakaniya, nang mapagpasyahan kong kausapin siya.

"Uhh. Leinard--"

He groaned and sighed deeply. Nagulat pa ako dahil doon. "Finally Via! Why are you not talking?!" Kunot-noo niyang sabi at napaawang ang bibig ko. "I fvcking waited you to talk to me. Ayaw mo bang sumama ako sayo?" Nagsusumamo yung mukha niya.

And I felt guilty because of that. Half true, ayaw ko kasi talagang sumama siya pero di yun ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang kausapin. Malay ko bang hinihintay niya pala akong kausapin siya?

"I waited you to talk, too. I thought you don't want to talk to me, kaya hinayaan nalang kita." I sighed. "Leinard, bakit ka ba kasi sumama? Pinabantay ba ako ni Brixx sayo? Kung oo, you don't need to. Safe ako kay Shaun." Iritado kong sabi.

Marahas siyang huminga ng malalim, nakita ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela at tumitig saakin. Nakatigil na kami ngayon at naka-park.

"Di ka pinabantay saakin ni Brixx." Mariin niyang sabi.

"Then why are you here?"

Di siya sumagot. Lumapit siya saakin at napaatras ako.

Napatigil siya dahil doon at napailing. "I'll just unfasten your seatbelt." Huminga siya ng malalim.

"I can do it, by myself." Pagsusungit ko at ako na ang nagbaklas ng seatbelt ko. Okay, nagulat din ako sa sarili ko dahil ngayon lang ako nagsungit ng ganon sakaniya.

Bumuntong hininga siya at lumabas sa sasakyan niya. Napakunot noo ako nang umikot pa siya sa pinto ko para pagbuksan ako.

Napailing na lamang ako na lumabas sa sasakyan niya. I don't know he's that gentleman.

Pinatunog niya ang sasakyan niya at nagtungo na kami papasok ng mall. Geez, Shaun might be shock if he saw that I'm with Leinard. Urgh.

****

"Hey Lykeyy." Nakahalukipkip na pambungad saakin ni Shaun sa tapat ng Cyberzone. Nakangiting mukha nanaman niya ang tumambad saakin.

"Err. I'm with someone." Mahinang sabi ko sakaniya.

Ngumuso siya at napatingin sa likuran ko. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. "Yeah. I can see that, but.... why?" Kumunot ang noo niya sa pagtataka.

Nagkibit balikat ako at napalingon sa lalaking nakapamulsa ngayon at pa-cool na nagtitingin-tingin sa paligid. Nakikita ko rin ang mga babaeng nasa paligid niya na halos mabali ang leeg habang sumusulyap sakaniya. I can't blame him. Napaka-gwapo parin kasi niyang tingnan kahit sa simpleng v-neck tshirt at maong pants. Umirap ako sa kawalan. Bad, bad idea.

"What are you planning now Lykeyy?" Sabi ni Shaun sa gilid ko.

Napangiwi ako. I don't know! Urgh.

Nagkasalubong ang tingin namin ni Leinard, umangat yung gilid ng labi niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Hayaan nalang natin siya sa gusto niyang gawin. Kahit ma-OP pa siya saatin. Wala akong pake." Hinila ko yung braso niya paalis doon at napatianod lang siya saakin.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon