Chapter 45: Perfect Together

1.3K 28 0
                                    

Unang naglakad ng aisle sina Mr. and Mrs. Buenaventura, pagkatapos ay sumunod ang best man na si Francis. Lahat sila ay nagsipwestuhan sa dulo ng altar at inabangan ang paglalakad ng groom na si kuya Harry. Ako naman ay nanonood lang at naghihintay kay ate Loisa. Siya kasi ang kasabay ko at dahil doon isa ako sa mga mahuhuling maglalakad sa aisle as her maid of honor.


Napatulala lang ako nang pagkatapos ng mga flower girls at ring bearers ay sumunod ang mga bridesmaids at groom's men. Di tulad saamin ni Francis ay magkakasabay silang naglalakad sa aisle, by partners. Una ay sina Sheye at Brixx, na hanggang ngayon ay awkward parin sa posisyon nilang dalawa na magkatabi kahit na ilang beses nang napractice ang ganitong paglalakad. Di na dapat ako magtaka. May problema nga kasi sila eh. Pangalawang naglakad sina Samantha at Leinard, na mukhang may masayang napapagkwentuhan habang naglalakad dahil sa mga ngiti nila sa labi habang nakatingin sa isa't isa, dahilan para mapaiwas ako ng tingin sa harapan. Ayoko talaga silang nakikitang nagngingitian ng ganoon. Namamatay yung pag-asa sa puso ko.


"Maid of honor, pumunta ka na sa likod at samahan ang bride. Magsasabay kayo sa paglalakad di'ba."


Natauhan ako bigla sa pagkausap saakin ng wedding coordinator. Nilingon ko siya at napatango. Tumalima ako at nagtungo kay ate na siyang nasa likod ng simbahan. Pagkakita niya saakin ay napangiti siya ng matamis and I was just.. mesmerized at her. My ate Loisa is so beautiful!


"Oh my god ate Lois! Ikakasal ka na talaga!" teary eyed kong sabi. Nakakaemotional pala talaga ang ganitong feeling. Yung makikita mo ang ate mong ikakasal na.


She hugged me tight as I hugged her tighter. "I'm still your ate and will always be, Lil sis. Nothing will change after this alright? Tandaan niyo yan ni Brixx." malumanay niyang sabi at napatango lang ako. Alam ko naman iyon eh. Si Brixx lang naman ang namomorblema.


Nang mag hudyat na ang wedding coordinator na kami na ang maglalakad sa aisle ay initaob na ang veil ni ate Loisa sa kaniyang mukha. Lumapit saamin sina daddy at mommy na pumwesto sa magkabilang gilid ni ate at nagsimula na kaming maglakad kasabay ng pagtugtog ng wedding march. Nasa likod nila ako habang inaayos ang gown tail niya sa tuwing nasasabit iyon, hanggang sa umabot na kami sa dulo kung saan hinihintay siya ng naiiyak na si kuya Harry. Sinulyapan ko si ate Loisa at nakitang teary eyed na din siya habang nakangiti ng maluwang. They are both so happy that I can even feel it. Masaya ako para sakanila.


Pagkatapos kong maihatid si ate ay dumiretsiyo na ako sa pwesto ko kung saan ay kasama ko ang ibang mga bridesmaids. Hindi ko maiwasang hindi sulyapan si Leinard na kasama ang ibang groom's men sa kabilang panig ng simbahan, and I spotted him kaagad katabi ni Brixx. Our eyes met, he smiled and I smiled back, faintly. Hindi ko naitago yun kaya umiwas nalang ako ng tingin.


After the ceremony, lahat ng bridesmaids at groomsmen ay pinaakyat para magpalitrato kila kuya Harry at ate. Hilaw parin ang ngiti ko sa bawat click ng camera hanggang sa matapos iyon at kailangan nang pumunta ng reception which is- in Kuya Harry's Residence. Nilingon ko ang buong simbahan at nakita si Chloe na kasama si Shaun at Brent na nagpapapicture parin kay ate Loisa, Chloe saw me and signalled me na lumapit ako sakanila pero tumanggi ako at sinignalan silang mauuna na ako sa reception, gusto kong sumama sakanila papunta sa reception but I'm worried they'll notice my sad face.


Namataan ko rin si Leinard na ngayon ay kasama si Samantha. Nakaabrisete ang kamay ni Samantha sa braso nito habang sabay nilang nilalaro ang isang batang di ko kilala. They look so perfect that it hurts. Tumalikod ako at napagpasyahang mauna na nga talaga sa reception. Dala ko naman ang kotse ko.


"Lyka!"


Napatigil ako sa paglalakad at nilingon si Sheye na medyo nakataas ang gown na lumalapit saakin. Natawa ako ng nakangiwi siya habang hawak-hawak ang kaniyang heels at doon ko napagtantong nakapaa siyang naglalakad patungo saakin.


"This heels is freaking high. Sayo nalang sana ako humiram at hindi sa Samantha na iyon! Papatayin ba niya ako sa sakit sa paa? Walangya!" reklamo niya na nagpatawa saakin ng malakas. "Sayo na ako sasabay ha?"


Napatango ako kaagad at ngumiti. "Sure thing."


Sabay kaming naglakad palabas ng simbahan at nagtungo sa mini cooper kong naghihintay saakin. Wala pa rin ako sa wisyo hanggang sa makasakay kaming dalawa roon at hindi na ako magtataka kung mahahalata niya iyon ngayon.


"Are you okay?" nilingon ko siya at nginitian niya ako. I just smiled faintly.


I nodded. "Yeah, just tired." I sighed and starts the engine. I am lying, at hindi ko naman iyon dinenay base sa tinig ko kahit pa taliwas ang sinabi ko. "How about you? Are you okay, now?" makahulugan kong tanong.


She pouted and nodded while looking away. Napangisi lang ako at nagsimula ng idrive ang sasakyan ko. I know she's still not. Bakit pa ako naging Psychology major kung hindi ko mahahalata iyon.


"Pupunta na akong Korea next week." aniya bigla.


Saglit ko siyang tiningnan and from the car window's reflection I can see her eyes glistening in sorrow. Oh geez, naiiyak rin ako. Kung aalis siya ibig sabihin iiwan niya si Brixx. "Bakit? I mean, you'll leaving my twin?"


She smiled bitterly. "Siya ang nang-iwan as far as I remember, Lyka." tiningnan niya ako. "I'm just putting myself back. Nakita ko na ang tunay kong ama and he's here to take me there. I took the chance to forget."


I just sighed and pout. "But he loves you."


I felt her stiffen after what I said. Nilingon ko siya at nakitang umiling-iling siya. "Hindi Lyka, hindi niya ako mahal. Si Tanya parin ang mahal niya, I can see it in his eyes, the way he stared at Tanya, it's full of... longing and love. Hindi man niya aminin alam ko iyon dahil ganoon ko siya tingnan."


Kumunot ang noo ko. "But-"


"Lyka, ayoko ng pag-usapan ang kambal mo. I'm moving on." malumanay niyang sabi and I just sighed.


That jerk! Hindi ko 'to sasabihin sa kambal ko! Magdudusa siya at magiging masaya ako kapag nagsisi siya. Such a jerk, really! Magkaibigan talaga sila ni Leinard, palaging may issue sa mga exes! Ganoon ba talaga? Nakakarelate tuloy ako kay Sheye dahil ganoon din ang nararamdaman ko kay Leinard at Samantha. Hays. Nakakabaliw!


Nakarating kami sa reception, mga ilang minuto ang makalipas at bumaba ng mini cooper ko pagkatapos kong maipark iyon. Sabay kami ni Sheye na pumasok sa Buenavista Residence at nakahinga ng maliwag nang hindi pa masyadong dumadating lahat ng bisita. Actually, kami lang ata ni Sheye ang bridesmaid na nauna ngayon sa reception, most of them are still in the church. Pulos bisita palang ang nandito at lahat sila ay nakacasual clothes.


Umupo kami ni Sheye sa reserved tables namin at naghintay nalang ng mga kasama. Maya-maya pa'y nakita ko ang kambal ko kasama ang isang babae na nakakapit sa kaniyang braso sa entrada. Kumunot ang noo ko habang tinitingnan ng mabuti ang pamilyar na babaeng iyon, nanlaki ang mata ko nang makilala siya. it's Tanya! Mas napansin ko dito ang medyo matumbok na tiyan.


"Gosh!" di ko napigilang sambit habang tinitingnan ng matalim ang kambal ko. Kasalukuyan na itong kumakausap sa isang bisita kasama ang babaeng iyon-which is his ex girlfriend at the same time. Talagang ang kapal ng mukha!


Akmang tatayo ako at lalapitan sila nang hawakan ako ni Sheye para pigilan. Nilingon ko siya at nginitian niya lang ako, a sad smile, though. Lalo lang akong nainis sa kambal ko.


"Let them, Lyka."


"Sheye di tamang imbitahan niya ang babaeng iyon, lalo pa't alam niyang andito ka!" I hissed. "And also, she's a gatecrasher! Wala akong naaalalang kasali siya sa guest list."


"Maybe he invited her."


Pinagmasdan ko siya at napanguso ako. Nakatulala siya sa mga ito habang umiinom ng tubig at nang mapatingin saakin ay nag-iwas ng tingin. Napailing nalang ako.


"Hmm." she nudged me. "Ang lovelife mo nalang ang asikasuhin mo, look. Bahala ka maaagawan ka na."


Nilingon ko ang iningunguso niya at nagkaroon ng bara sa lalamunan ko nang masilayan ko si Leinard at Samantha na kararating lang habang may hawak-hawak na bata sa kamay sa gitna nila at kasabay na naglalakad. Just by seeing the view of them, they like a family, a perfect family. Hindi ko maiwasang mainsecure dahil doon.


Umiling ako at bumaling kay Sheye. Ngumiti ako ng tipid. "They're so perfect together."


Nagtatakang tiningnan niya ako. "What?" kumunot ang noo niya. "Lyka." she said in a concern tone and tapped my shoulder.


"Tanggap ko na, Sheye." mahinang sabi ko habang nakatingin sa dalawa. Sobrang saya nila base sa mga mukha nila at ang saya sa mga mata ni Leinard habang nakatingin kay Sam. Ito ba ang sinasabi ni Sheye na klase ng tingin na nakikita niya kay Brixx? Kung ito na yun ay naniniwala na akong tama siya. At sa tingin ko hindi ko mapapasaya ng ganyan si Leinard.


Napahinga ako ng malalim nang tumingin sa gawi ko si Leinard. Napawi ang tawa niya at napalitan ng ngiti, at doon ko narealize na hindi ko talaga siya kayang pasayahin ng katulad ng palaging ginagawa sakaniya ni Samantha. Bagay na bagay talaga sila at hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon hindi parin niya maaalis si Samantha sa puso niya. I'm the one who push myself to him and that's why even though he really loves me now, it's still not enough. We're still not enough because I know the fact that I just forced him to love me, I just forced his love. Maybe we're really not meant to be. I should marked that on my mind now.


Ngumiti ako sakaniya pabalik, and I felt pain inside my chest. Kailangan ko na siyang palayain.


"I think we're in the same situation, Sheye." malungkot akong bumaling sakaniya. "Unfortunately, he's still in love with her ex, too."


Napatingin siya sa gawi nila Leinard at kumunot ang noo. "Para lang silang best friends sa paningin ko."


Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil namataan ko si Leinard na papalapit na saamin. I closed my hand into fist to stopped my urge of walking away but then, what's the point of doing that, anyway? Alam kong susundan niya ako at ipagpipilitang ako ang mahal niya. Nanatili lang ako sa upuan ko at hinintay siyang lumapit. He's still smiling from ear to ear.


"Come." aniya pagkalapit at hinila ako patayo. "May ipapakilala ako sayo."


Wala na akong nagawa nang hilain niya ako patungo sa pwesto nila ni Samantha kanina at bumungad saakin ang nakakunot na noong batang kasama nila. The kid is cute and chubby but I don't think he likes me.


Ngumiti saakin si Samantha at napansin ko kaagad ang magandang cheekbone niya. Bumaling siya sa bata at pinisil ang matabang pisngi nito. "Hey, that is ate Lyka over there. Say hi!" anito sa bata.


Nag-otso otso position ako para bahagyang pumantay sa mukha ng bata at saka tinap ang ulo niya. I smiled sweetly. "Hello cutie, what's your name?"


Hindi ito sumagot at nagtago lang sa kamay ni Samantha kaya napawi ang ngiti ko. Umupo si Leinard sa tabi nito. "Hey Louie, don't be snob. Say hi to her. Come on."


Ngumiti ulit ako nang napilitan siyang tumingin saakin. "Hi po." tipid na sabi ng batang si louie at napatikhim lang ako. He really doesn't like me.


Bumaling ako kay Samantha. "Kapatid mo?" I asked.


She smiled sweetly and shook his head. "Pamangkin."


Napatango-tango ako, so ito ang pinag-uusapan nila ni Leinard kanina sa simbahan na si baby Louie. Pinagmasdan ko si Louie na ngayon ay kandong-kandong na ni Leinard habang naglalaro. They're so close.


"Kuya Lei, is she your sister?" narinig kong tanong ng bata kay Leinard. Napabuntong hininga nalang ako. Pati bata napagkakamalang magkapatid kami.


Napatingin saakin si Leinard na parang nag-aalala sa reaction ko pero ngumiti lang ako, akmang magsasalita sila ni Samantha nang unahan ko sila.


"Yes, baby. I'm his sister." I smiled sweetly. "Sam and Lei are so perfect together, right? They're so bagay." I tried to be jolly and I'm glad I succeeded.


Nagtatakang tiningnan nila akong dalawa pero hindi ko sila pinansin, kay baby Louie lang ang atensiyon ko at kitang kita ko ang pagbabago ng reaction nito sa sinabi ko. Naging friendly ang aura niya at ngumingiti na saakin. Siguro ay dahil gusto talaga nitong ang Tita niya at si Leinard ang magkatuluyan at hindi naman na ako tututol doon ngayon.


Hindi na talaga.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon