Chapter 20: Ogling

1.5K 35 2
                                    


"Chloe. I told you I'm okay." Natatawang sabi ko kay Chloe mula sa telepono. Kakatapos ko lang maligo kanina nang bulabugin niya ako ng tawag at tanungin kung okay na ba ako mula nung nangyari kagabi.

[I'm just concern okay.] Sabi niya sa kabilang linya. [Baka kasi nag-eemote ka nanaman diyan ngayon and I'm just checking you out. I can't go there you see best? Out of town ako ngayon]

Tumawa ako. "Yeah. Yeah. So don't you worry okay. I. Am. Really. Okay." Humiga ako sa kama ko. "In fact. Leinard and Samantha seems not yet together. Umaasa parin ako." Nakangiti kong sabi.

I heard her groaned. [Whatever! Baliw ka na talaga! Osya bye na! Imbyerna ka! Labyow!] Masungit niyang sabi.

Humalakhak ako. "A'right best. Bye. Heytyow!" Then I ended the call.

Naalala ko tuloy yung mga sinabi saakin kagabi ni Leo, na hindi nagpatulog saakin ng maayos kagabi. Gusto ko talagang umasa sa mga sinabi niya pero pinipilit kong wag bigyan ng kahulugan ang mga iyon.

Flashback.

Dinala niya ako sa courtyard ng bahay. Umupo kami sa isang bench.

"Ano ba yun Leo?" Tanong ko agad sakaniya.

Tumikhim siya at tumingin saakin. "I don't want to give you hope by saying this but.. I think the reason why Leinard is there is because he know that you're there too."

I gulped. "What do you mean?"

He sighed. "Katext ko siya kanina Lyka. I'm forcing him to come over since he told me that he's already okay now. But he refused to come. So I just told him that you're with us." He shrugged. "You know nagbabakasakali. Akala ko pa hindi ko talaga mapipilit dahil hindi na rin siya nagreply pagkatapos nun pero laking gulat ko nang pumunta siya at sinuntok yung tarantadong balak kang manyakan." Natatawa niyang sabi.

Biglang tumibok ng mabilis yung puso ko. No ayokong umasa. Ayokong umasa. Ipinilig ko yung ulo ko at tumingin ulit sakaniya. "But you were the one who said he's there for Samantha. So how could you say that he's there, for me." I said. Unbelievingly.

"I'm just testing him. Lyka. Sinabi niya kasi saakin yun pagkatapos ko siyang tanungin kung bakit niya naisipang pumunta. Inasar ko pa nga siya e. Sabi ko baka pumunta siya dahil sayo. But he said no. He said that he's there for Samantha."

I rolled my eyes. "Eh baka nga hindi talaga."

He just shrugged. "Maybe not. Maybe yes. Who knows." Tiningnan niya ako. "Sinabi niya pa na nagkataon lang daw na nandoon rin si Samantha at lasing na lasing. May nagtext kasi sakaniya na nandoon daw ito kaya pumunta siya."

I hissed. "Naman pala." Irap ko. Yun naman pala ang rason e bakit pa niya kailangang sabihin saakin ito.

Humalakhak siya. "No one knows Lyka. No one knows. Kilala namin yang si Leinard. 10 years na kaming magkakaibigan. God knows kung gaano kalaki ang pride ng lalaking yan. Kaya mahirap makita kung totoo nga yung sinasabi niya o hindi." Tinapik niya ako. "Ayokong umasa ka kay Leinard Lyka. So I think wag mo munang bigyan ng kahulugan iyon. Siya na bahalang magsabi sayo kung may nararamdaman ba talaga siya sayo o wala. Ayokong pangunahan pero sa tingin ko meron na." He winks at me.

Umiling ako. "Psh. Whatever. Di ko naman talaga bibigyan ng kahulugan yang mga sinasabi mo e."

Ngumiti siya ng tipid. "Yeah. Maybe it's better."

Tumikhim ako. Kating-kati talaga akong tanungin ito kaya tatanungin ko na. "Leo.. Nagkabalikan na ba sila?" Alanganin kong tanong.

His lips twitched. Then he shook his head. "I don't think so. Kasi kung oo. Bakit mas uunahin ka pa niyang iuwi kanina kung sila na pala ulit ni Samantha. Diba dapat girlfriend muna bago iba? So I think not. At isa pa you're a sober and she's not. Kaya takang-taka talaga ako na mas gusto ka pa niyang ihatid kesa kay Sam. Samantalang sabi niya si Sam ang sadya niya doon. Ang gulo talaga ng lalaking yun kahit kelan." Natatawang sabi niya. Doon ko napagtantong may point talaga siya. Somehow I felt glad on what he said.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon