"You know what, bumalik na tayo sa table." Utos ko sakaniya.
Hinila ko siya at nagpahila naman siya sa palabas. Thank god, at hindi pa naman siya ganun kalasing para ipakaladkad kila Brixx. Matino pa naman siya ng konti... konti lang. Ano ba yan? Eto nalang ba trabaho ko? Taga hila ng mga nalalasing? Hays.
"I said, help me lessen my jealousy, first Via... I can't calm."
I hissed and ignored what he said, nagpatuloy lang ako sa pagkaladkad sakaniya.
"Via.." ungol niya.
"Umayos ka Leinard, o ipapasuntok kita kay Brixx para magising ka?" Iritado kong sabi.
"Masusuntok naman talaga ako ng kambal mo eh. Tss."
"Huh? Tumahimik ka na nga lang diyan."
Tumahimik naman siya hanggang sa makalapit na kami sa table namin. Binitawan ko na siya at umupo sa inuupuan ko kanina. Pansin kong wala si Brixx at Sheye sa tabi ko, namataan ko sila sa isang area at nagsasayaw.
Nagulat pa ako nang tumabi saakin si Leinard, na inuupuan kanina ni Brixx. Nakangisi siya saakin habang antok parin ang mga mata. Ohh right.
"Bumalik ka sa upuan mo kanina. Si Brixx at Sheye diyan, babalik na rin yun dito maya-maya." Mariin kong sabi sakaniya.
He hissed and smile playfully. "Tatabi lang eh. Tss." Aniya at tumayo rin para lumapit sa dating upuan niya.
Humalakhak si Leo sa gilid ko. "Lasing ka na talaga dude!"
"Tsss. Taranta...do." Ngisi ni Leinard kay Leo habang umuupo na sa tapat kong, upuan niya. "Kasalanan 'to ni Via e. It's her fault."
Ngumisi lang si Leo saakin. Habang ako naman ay di napagilang mapalunok. Why is it my fault nanaman ba? Urgh.
Humilig palapit saakin si Leo at bumulong. "Wag mo na kasing pagselosin. Bahala ka di na titigil yan sa kakasalita." Ngisi niya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May nalalaman ba tong si Leo?
"Kanina pa kasi niya binabanggit yan saakin e. Nung wala ka." Kibit balikat niya at kinindatan ako.
Nagulat kaming dalawa ni Leo nang hampasin ni Leinard ang table namin, dahilan para lumayos siya ng bahagya saakin.
"Fvck you dude! Wag mo ngang nilalapitan ng ganun! Are you fvcking dense?! Dinadagdagan mo pa yung pagseselos ko eh! You really want me to die? Itatakwil na ba kita bilang kaibigan ko?! Huh?! Tang na nito. Mamamatay na nga ako dito sa selos eh. Tang na mo talaga!"
Napaawang yung bibig ko at yung katabi ko eto at mamamatay na ata sa kakatawa. Tssss.
Napatingin ako kila Brent, Chloe at Shaun na nasa kabilang panig ng mahabang table namin. Mukhang di naman nila napapansin ang mga pinagsasabi ni Leinard dito, (Thanks sa malakas na music) pero napansin kong napasulyap sila nang marinig siguro ang malakas na sinabi ni Leinard kanina. Namaan talaga. Hayst.
"Leinard, calm down, will you?!" Mariin kong sabi sakaniya habang pinandidilatan ko siya.
He smirked. "I told you, I can't calm tsss."
"Pilitin mo! Haays." Iritado kong sabi.
"Fine a'right!!!" Tumayo siya at tiningnan ako ng mataman.
Nakipagtitigan din ako sakaniya. Alam ko kasing lasing lang siya kaya siya nagkakaganyan ngayon kaya natititiganko siya ng ganito katagal.
"I'll calm down, sweetypie. Just don't.... make me jealous again. Di ko kaya." Nahihirapan niyang sabi at umalis.
Natulala ako at napalunok. Did he just call me sweetypie? Ohh fudge! Sheteng malagket, what is happening to the world people?! Urrrgh!
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...