Chapter 47: His side

1.4K 24 0
                                    

Pagkatapos magpakasenti ng konti sa kinaroroonan namin kanina ay napagpasyahan naming magpahinga nalang sa guest room na inilaan saamin sa loob ng mansiyon ng mga Buenavista.

Agad akong nagpalit ng dress para guminhawa ng konti ang katawan ko mula sa gown na suot ko kanina. Pagkatapos ay umupo ako sa kama at tumabi kay Chloe na kasalukuyang pinapakielaman na ngayon ang kaniyang laptop na dala. Si Sheye naman ngayon ang kasalukuyang nagpapalit ng damit. Wala ni isa saaming tatlo ang umiimik at alam kong dahil iyon sa pinakiraramdaman nila ako.

Ngumiti ako. "Ang tahimik niyo, guys." pamumuna ko.

Mula sa banyo ay lumabas si Sheye at tiningnan ako, suspiciously. Ganoon din si Chloe. Ngumisi lang ako sakanila.

"Are you really okay?" Tanong ni Chloe.

Napanguso ako at nag-iwas ng tingin. "Of course."

Napatingin kaming tatlo sa pintuan ng kwarto nang bumukas iyon at iniluwa si Shaun na seryoso ang mukha habang maingat na isinara ito pagkatapos makapasok. Napansin kong ako ang unang hinanap ng mata niya dahil nang mamataan niya ako ay nag-iba ang reaksiyon ng mga mata niya. Lumapit siya saakin at bigla nalang gusto kong tumakbo para magtago. But then, bakit ko naman gagawin iyon? Kailangan kong ipakita sakanilang, okay talaga ako.

"Hey, Shaunyy!" I said hyperly and smiled.

Humalukipkip siya nang tumigil siya sa harap ko at tiningnan ako ng mataman. "Stop smiling like that. Especially when you're pretending that you are okay while it's really not."

My smiled froze as it vanished slowly. Yumuko ako at pinisil ang mga daliri ko. "I guess, I'm not good at pretending, huh?" mahina at malumanay kong sabi.

Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa gilid ko dahil sa pag-upo niya sa tabi ko. Tinapik niya ang likod ko at nanghihinang napahilig lang ako sa dibdib niya. I can pretend that I'm okay in front of Chloe and Sheye but I don't understand why when I'm in front of Shaun, all of my feelings that I'm trying to hide, are showing. Meron siyang ganoong kapangyarihan saakin. I don't know if it's because he's really my guy who always gave free hugs and I'm comfortable with him, or he's my soul brother. Sakaniya lang ako ganito maliban kay Chloe.

Maya-maya pa'y naramdaman ko ang tuluyang pagbaling saakin ni Chloe at ni Sheye na lumapit na rin saakin. They're all comforting me and I just smiled weakly.

"You're really giving up, this time Lykeyy?" tanong ni Shaun.

Ngumiti ako ng tipid at matagal bago umimik sa sinabi niya. Nararamdaman ko pa ang paglalaro ni Chloe sa buhok ko. "They deserve each other."

"What?"

Naramdaman ko sa ulo ko ang pagbuntong hininga niya at isiniksik ko lang lalo ang ulo ko sa dibdib niya, saka pumikit.

"Sam and Leinard. They're meant for each other. They deserve each other. They're so perfect to each other." naramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko sa mga sinasabi ko. Mahirap talaga aminin.

Maya-maya pa'y nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan pero nanatili lang ako sa posisyon ko. Baka si Sheye lang iyon na naisipang lumabas muna. I felt comfortable with Shaun's arm kaya hindi ko naisipang imulat ang mga mata ko.

"And you're telling we're not?"

Iminulat ko ang mata ko at inangat ang tingin sa taong nakatayo sa harapan namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumungad saakin ang galit niyang mga mata habang mataman na tinitingnan ako. Lumayo ako kay Shaun at gulat paring nakipagtitigan sakaniya. He's mad.

"You all, get out for a while please. My girl and I, need to talk." kalmado niyang sabi habang hindi parin iniiwas ang tingin saakin.

Napalunok ako at ako na mismo ang nagbawi ng tingin dahil parang nagkaroon ng bara sa lalamunan ko.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon