At dahil sa sinabi ni Leinard. Dali-dali akong naligo at nagpalit ng short na hindi na masyadong maiksi at pink tshirt sa kwarto ko. Di ko din alam kung bakit sinunod ko yung sinabi niya kahit na ako mismo di ko maintindihan gusto niyang ipahiwatig. Oh well. Brixx suggested it too kaya siguro di na ako nagdalawang isip na gawin. You know, I love them both. Mahal ko si Brixx dahil kapatid ko siya at mahal ko si Leinard in a romantic way. Hihihi. Kaya sinunod ko sila. ^__^VDali-dali akong bumaba at tinungo ang pool area.
Nadatnan ko doon si Shaun na kausap si Luke at Leo. Topless na rin siya tulad nila. Hell the Abs! Meron din pala siya nun? Napansin niya ako kaya ngumiti siya lalo at kinawayan ako. Nginitian ko lang siya at tinanguan.
Si Chloe naman ay nakikipag-asaran sa pinsan niyang si Brent. Samantalang si Brixx ay nasa sulok lang at nakaupo habang nakatulala. May problema nanaman ba ito?
Lalapitan ko sana si Brixx nang may maramdaman akong humila sa braso ko. I gasped when he pinned me on the wall. "Leinard?" Kunot noo kong sambit.
Ipinatong niya yung magkabilang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Napalunok ako nang pinasadahan niya ako ng tingin sa mukha pababa sa paa pabalik sa mukha.
Ngumisi siya. "Good girl." Aniya saka dumiretsiyong pool area.
Napanganga ako. Sinundan ko siya ng tingin sa may pool area at dahan-dahan akong napangiti. Kahit ganon lang, effortless niya akong napapangiti. Ano bang meron sayo Leinard koo. :">
Lumabas na akong pool area na may ngiti sa labi. Dumiretsiyo ako sa kung nasaan si Brixx. Nakatulala parin ito hanggang ngayon. Umupo ako sa harap niya habang nakapatong ang aking kamay sa lamesang katapat namin.
Napasulyap siya saakin. "Di ka maliligo baby girl?"
"Pinagpalit mo ako ng damit kanina diba?" Taas ang isang kilay kong sabi.
Tumawa siya. Pero halata parin ang pagiging malungkot niya. Ayokong maging chismosa pero gusto kong malaman.
"Are you okay Brixx?"
Tumango siya at kinagat ang ibabang labi. I know he's not. Humarap siya saakin habang nakatungo. Hinawakan niya yung kamay kong nakalapag sa lamesa at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Yeah. Don't get us wrong. Ganyan lang talaga ka clingy at ka sweet ang kambal ko ever since. And take note. Lalo na kapag may problema.
"Just tell me Brixx. Babae nanaman ba? Umm yung sinabi mo saakin, si.. Sheye?" Alanganin kong tanong kahit na obvious naman.
Ngumisi siya, yung malungkot. "Kambal talaga tayo. You know me too well huh?"
Ngumiti ako. "Of course!"
Tumawa siya. Napangiti ako atleast napapatawa ko parin siya. Sa ex niya kasi dati kahit ngumiti di niya magawa nung nagkaroon sila ng problema. Ngayon hindi na. Maybe he learned a lot from Tanya. And it's a good thing.
"Ang sweet ng magkambal oh. Nakuu. Iba na yan!"
Napalingon kami kay Luke. Napangiwi ako pagkasabi niya nun. Anong 'iba na yan' ang sinasabi niya? Gross. Kinalibutan tuloy ako. Ganito naman talaga kami ni Brixx noon pa uh? May katok talaga yun.
Matalim na tiningnan ni Brixx si Luke na ngayon ay tatawa-tawa. Binabatukan na rin ito nila Leo at Brent. Habang nagtatawanan.
"Tangna mo! Balak mo pa kaming gawing incest! Gago! Wala kang magawa sa buhay! Tarantado!" Pagmumura ni Brixx kay Luke habang binabato niya ito ng tsinelas.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...