"You what?" Tanong ni Chloe habang naglalakad kami kasalukuyan sa corridor. Mamaya pa ang klase namin pero gagawa pa kami ng assign. kaya maaga kami ngayon."I said I met a guy." Balewalang sabi ko. "You should meet him he's nice." Kinwento ko kasi sakaniya yung tungkol kay Shaun.
"Wait. So.. hindi ka na loyal ngayon kay Leinard?"
I rolled my eyes. "Syempre si Leinard parin. I just told you about Shaun--I mean the guy I met."
She nodded. "Is he hot?" Kumislap yung mata niya.
Natatawang napailing nalang ako. Ibig sabihin ng hot sakaniya ay gwapo. "Yep. But more like. Let me say he's cute. He always smiles at magaan loob ko sakaniya." I said smilingly.
Tumili siya at niyugyog ako ng marahan. "Okay introduce me to him. A'right?" Nakangiting sabi niya.
"Yeah. Kapag nagkita kami ulit."
She nudge me. "But are you sure wala kang gusto doon?"
I smiled. "Syempre I like him. As a friend. Yun lang best okay? Don't be so malicious." I said surely.
"I'm not malicious." She shrugged. "Fine. Whatever you say best."
Wala nang nagsalita pa saamin pagkatapos. Nagpatuloy na kaming pumasok sa room namin. Mabuti at medyo wala pang tao makakagawa pa ako ng assign. Medyo madali lang naman kasi ang assignment kaya di ko na ginawa sa bahay.
Umupo na kami sa medyo harap na bahagi ng room. Napangiti ako nang maalala si Leinard. Makikita ko nanaman siya mamaya.
"OH. EM. GEE." Di makapaniwalang sambit ni Chloe habang nakatingin sa cellphone niya kaya napabaling ako sakaniya.
Humilig ako sakaniya para silipin yung cellphone niya. "What is it?"
"Break na si.."
My eyes rounded in surprise. Oh noes. Hinawakan ko pa ng mabuti yung cellphone niya para tingnan kung totoo nga 'tong nakikita ko sa news feed ng FB niya.
Samantha Yuzon turned from in a relationship to single.
"Teka. Mag-t-3 weeks palang sila ni Charles uh?" Kunot noong sabi ni Chloe sa tabi ko. "Ang bilis naman ata."
Napatulala ako. "Chloe. Kailangan ko na bang matakot?" Wala sa sariling sabi ko.
She gasped. ""Oo nga pala. Baka... magkabalikan na sila ni Leinard."
Umiling iling ako. "It can't be. Ayoko."
Chloe tsked. Naramdaman ko nalang yung mahinang pagtapik niya sa likod ko. "Hindi naman siguro yan. Who knows. Baka hindi na talaga mahal ni Samantha si Leinard so wag kang mag-alala best."
I just nodded and smiled weakly. Aish. I hope so.
******
Class dismissal at hanggang ngayon hindi parin pumapasok si Leinard. Nagkabalikan na kaya ulit sila ni Samantha? Ipinilig ko ng mariin yung ulo ko. Sumikip bigla yung dibdib ko.
"Best." Chloe poked me. "What's with that frown." Itinuro niya yung mukha ko.
"Wala parin si Leinard." Malungkot kong sabi.
Nilibot niya yung mata niya sa buong classroom pagkatapos ay saakin. "Oo nga. Halika na?" Tango niya saakin.
I just nodded absentmindedly.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...