Patuloy lang ako sa paglalakad kahit na hinihila niya na ako. Ni hindi ko siya nililingon. Wala rin akong pakielam kung nakukuha na namin ang atensiyon ng mga tao dito sa loob ng mall. Yun din naman ang dahilan kung bakit palabas na ako ngayon eh. Makakalabas din naman kami pagkatapos ko siyang mahila palabas. Ayokong gumawa ng eksena."Via, talk to me!" pilit niya akong pinapaharap sakaniya pero tinitigasan ko ang katawan ko.
Nagtagumpay ako sa paghila sakaniya hanggang sa makarating kami sa parking lot ng mall. Doon ko lang siya hinarap pero mukhang nagsisi ako nang makita kong para siyang hirap na hirap. Hindi na ako magtataka kung ang kaninang ekspresyon ko ay lumambot na ngayon. Leinard's effect conquers all of me.
"L-Leinard." nagkaroon ng bara sa lalamunan ko. Naiiyak nanaman ako.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang harapin. Hindi pa ako handa! Naiisip ko nanaman kasing aalis na siya bukas at ayoko talagang isipin na matagal pa bago ko siya maharap ng ganito kalapit ulit. Di ko tanggap. Ayoko siyang umalis.
"Via, please. Give me this day." hinawakan niya ang kamay ko. "I love you."
Tuluyan ng pumatak ang kanina pang nagbabadyang mga luha ko. I love you niya palang retreat na lahat ng inis sa puso ko. Why is it so unfair?!
"Ang daya mo rin eh! Alam mo ang weakness ko kaya mo sinasabi yan!" hinampas ko ang braso niya. "Alam mong mahal na mahal kita kaya ka ganyan!"
"No, sweetypie. I said it because I really am. I really am in love with you. Madly and deeply." kinuha niya ang kamay ko papunta sa puso niya. "You're just the girl I know who can makes my heart beats that fast. It's so effortlessly.
Napasinghot ako. "Kung ganoon, wag ka na umalis." napanguso ako. "A-ayokong umalis ka Leinard! Childish I know but I'm not prepared! Only if you told me earlier-" hindi ko na naituloy dahil tuluyan na niya akong niyakap ng mahigpit. Patuloy lang ako sa pag-iyak sa dibdib niya. Pati ang hawak kong biniling mga libro kanina ay nabitawan ko at hinayaang bumagsak sa semento.
"Shhh. Via, ayoko rin naman eh if only I have a choice to stay here and make you officially mine but I haven't. I'm very sorry. Kailangan kong doon mag-aral." napabuntong hininga siya. "My father is sick and he needs me, too." mahina niyang sabi.
Napatigil ako at di nakaimik ng matagal nang marinig iyon mula sakaniya. Napatulala ako. His father is sick. Seriously, Via? Ni hindi ka man lang nag-iisip! Pinairal mo ang emosyon mo!
"Via, please. Try to understand."
"Bakit ngayon mo lang sinabi yan?"
"You didn't even let me explain that night." tumawa siya. "Dalawang beses na 'to, Via. Sa susunod hayaan mo na akong mag-explain, alright?"
Napapikit ako ng mariin at napatango. Parang nabunutan ako ng tinik. Feeling ko ay ang tanga-tanga ko. No. Ang tanga ko talaga. Sana pala at nagtanong ako kaagad.
Humiwalay ako sakaniya at tiningnan siya habang nakanguso. "I think I have no choice but just wait for you till you come back." suminghot ako.
Ngumiti siya at inilapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. He cupped my face with his both hands as the tip of our noses brushed with each other. Napangiti ako dahil doon.
"Sorry for being a childish, Leinard. Ayoko lang talagang umalis ka. Matagal kitang pinangarap, you know that! I even court you at nakakainis dahil ngayon basted nanaman ako."
Tumawa siya. He gently kissed me on my lips. Napangiti ako sa maliit na tunog na ginawa ng halik niya.
"Ask me the magic question, then."
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...