Chapter 17: Porridge

1.3K 31 0
                                    


I did the best I can. Makaluto lang ng pesteng lugaw na yan. Eh diba, kanin lang naman yun then lalagyan mo ng tubig tapos spices or whatsoever. Edi yun ang ginawa ko. Ngayon ay inilalagay ko nalang ito sa bowl. I wonder what's its taste. Err. Ayoko namang tikman.

Sumalampak ako sa stool and I swear how exhaust my face is, right now. Porridge lang yun uh? Sobrang umeffort pa ako. Grabe. Pinunasan ko ng face towel ko ang mga butil ng pawis sa gilid ng mukha ko sabay ang pagtanggal ko ng apron ko. Sobrang init kahit deaircon ang buong condo niya.

Sinuot ko yung kitchen gloves na nakita ko at napangiti nang maisip na ito rin siguro yung ginagamit niya sa tuwing nagluluto siya. Feeling ko tuloy makakaholding hands ko siya ngayon. Pft. Okay I'm weird.

Kinuha ko na yung bowl na may lamang lugaw na niluto ko at dumiretsiyong living room. Dahan-dahan ang paglakad ko dahil mainit ito at baka magkalat sa sahig. This is exactly the reason why I wore this gloves. Mainit kasi ang bowl. Lol.

Inilagay ko na sa lamesa ang lugaw at tiningnan ang natutulog na ngayong si Leinard. I bit my lip. Sobrang tagal ko ata masyado kaya nakatulog na siya ngayon. I smiled sweetly and watch him sleeping. Umupo ako sa sahig malapit sa tinutulugan niya ngayong sofa at pinagmasdan siya. Hindi talaga siya nakakasawang tingnan. Hihi.

Nanlaki yung mata ko ng makitang nanginginig siya. "L-leinard." Sambit ko sabay ang paghawak ko ng marahan sa pisngi niya. Sobrang init niya!

Tanging ungol at pagpikit ng mariin nalang ang ginawa niya nang ginawa ko iyon dahil sa sobrang panginginig niya.

Nagpanic ako. Ano bang pwedeng gawin? Hot compress diba? err. Should I hug him too? Wait. Mukhang bet ko yung huli kong sinabi. Pero sige kukuha nalang ako ng bimpo at mainit na tubig sa thermos niya. Mas magiging okay siya doon.

"Teka. Leinard. Huh. May kukunin lang ako." Natatarantang sabi ko sakaniya before I immediately ran inside his kitchen.

Wala akong makitang bimpo kaya yung bimpo ko nalang ang ginamit ko tsaka kumuha ng mainit na tubig sa thermos niya at inilagay ito sa isa ring medyo malaking bowl. But of course hinugasan ko naman yung bimpo ko agad bago ko isinawsaw sa mainit na tubig.

Bumalik na ako sa living room dala ang bowl ng mainit na tubig at bimpo. Dahan-dahan ko itong inilapag sa lamesa at umupo sa sahig na inupuan ko rin kanina. Sinimulan ko nang ibabad ang bimpo sa mainit na tubig. Napatalon pa ako sa sobrang init nito nang hawakan ko. Hinintay ko munang medyo lumamig na ito (yung kaya na ng balat ang init) before I squeeze it to dry the water at itinupi ito pa-parihaba at inilagay sa noo niya.

"Shhh. It's okay Leinard." Hinawakan ko yung kamay niyang nakapagsalikop sa hawak niyang kumot habang nanginginig. Maya-maya pa'y medyo humupa yung panginginig niya dahil sa ginawa ko and maybe because of the hot face towel on his forehead too. Okay yun para mabawasan ang panlalamig ng may sakit. Turo saakin ni mommy nung nagkasakit ako. Mabuti at nagawa ko na ngayon. Hihi.

"I-I love y-you..."

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Is he talking about me? Tumalon sa saya yung puso ko even if I didn't know exactly why he said that.

Hinawakan ko yung pisngi niya. "Leinard what?" Nakangiti kong sabi.

Umungol lang siya habang nakapikit parin. "I..." Hinawakan niya yung kamay ko. Sobrang init ng kamay niya. "S-samantha."

Samantha? Gumuho yung pag-asang nanunuot sa dibdib ko kanina lang. Napalitan iyon ng sobrang pagkabigo at sakit. Wow. Just wow.

"I'm not Samantha!" Medyo mahina kong sabi kahit na alam kong di naman niya ako naririnig. Inalis ko yung kamay ko na nakahawak sakaniya. Kinuha ko yung face towel sa ulo niya at ibinabad ulit yun sa mainit na tubig tulad ng ginawa ko kanina bago ko ilagay ulit yun sa noo niya.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon