Chapter 10: Annoying Smile

1.5K 39 2
                                    


"Ayos na po yan manang. Thanks for helping me arranged it." Nakangiting sabi ko kay manang Lucille. Ang paborito kong maid namin. Nagbake kasi ako ng cookies although I don't know how to arrange the cookies properly inside the box nagpatulong nalang ako kay yaya. Don't ask why. I just don't know how. ^__^ Yeah I'm really weird.

"Para kanino yan hija." Tanong saakin ni manang Lucille.

"Sa nililigawan ko po manang." I smiled sweetly.

Nanlaki yung mata niyang napatingin saakin. "Nililigawan? May nililigawan ka hija? Tama ba rinig ko?"

I chuckled. "Meron po. At opo tama ang rinig niyo." Nilagyan ko na ng ribbon yung box ng cookies at binitbit. "I have to go ya. Thanks again for helping me." I kissed her in her cheeks. Before I headed outside our house.

"Mga bata talaga ngayon." Naiiling na sabi niya, na narinig ko bago ako makalabas. Napangiti nalang ako.

Naglalakad na ako papuntang gate namin nang mahagip ng tingin ko yung mga nagbabasketball sa sariling court ni Brixx na nakalocate rin sa bahay namin. As expected nakita ko si Leo at Brent na kumaway saakin. I waved back and just smiled at them.

Nahagip ko rin yung pag-iwas ng tingin ni Brent. Oh geez.Di ko nga pala dapat siyang nginitian dahil sa sinabi saakin ni Brixx. I shooked my head lightly. Wala naman masamang mag-kacrush pero sana hanggang doon lang siya. May Leinard na ko eh pero di pa siya saakin.

Nagpatuloy na ako sa gate at lumabas. Dumiretsiyo ako sa mini cooper ko. Pasakay na ako nang tawagin ako ni Brixx.

"Baby girl. Where to?" Sabi niya. Bumaba yung tingin ko sa dala niyang mga beer.

Kumunot yung noo ko. "What the hell is that?" Turo ko sa mga dala niya. "You guys are not going to get drunk are you?"

Napakamot siya sa ulo niya. "Konti lang naman 'to baby girl. Hindi kami malalasing ng ganito lang."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Siguraduhin mo lang. Isusumbong talaga kita kila Mommy at Daddy."

Iwinagayway niya yung kamay niya. "Yeah. Don't worry. So saan ka pupunta niyan."

I ignored his question I just smiled at him instead bago sumakay sa mini cooper ko. Binuksan ko yung wind shield ko. "Manliligaw ako." Simple kong sagot sa tanong niya kanina bago pinaharurot nang tuluyan ang kotse ko.

--------------

I fixed my composure as I waited the elevator to opened.

*Ting!*

SPEAKING OF. I smiled and went inside the elevator. Ipinindot ko ang 11th floor since doon nakalocate ang condo ni Leinard.

"Fuck... Babe.. stop it."

Nanlalaki yung mata kong napatingin sa couple na katabi ko. Lumayo ako ng konti nang makitang nagmemake out sila sa harap ko. Geez. To think na aware sila na nandito ako huh?. Gross. I'm just here guys. I'm just here. Gusto ko sana isatinig pero di ako nagkalakas ng loob.

Dahil hindi ako mapakali sa sitwasyon ko napatalikod nalang ako sakanila.

"Babe! May kasama tayo stop it!" Narinig kong sabi nung babae.

I flinched a little when I felt them move. Mukhang umayos na sila ng tayo. Ibinaba ko na rin yung kamay kong nakatakip sa noo ko. Geez. Nastressed ako bigla. Pinaypayan ko pa yung sarili ko gamit ang sarili kong kamay dahil sa init. Napatingin ako sa taas kung nasaang floor na kami. At.. 7th.. 8th.. okay malapit na.

Nakita ko sa peripheral vision ko yung lalaki na katabi ko na ngayon. At gusto ko siyang sampalin sa pagpapasada ng mata niya sa mukha ko papunta sa paa ko. Tumigil siya sa mukha. I saw him smirked too. Ano bang problema ng manyak na 'to?! Tiningnan ko yung suot ko. Highwaist short at pink blouse. Di naman kabastos-bastos yung pananamit ko uh?

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon