"Kayo na?"
Yan ang bungad na tanong saamin ni Chloe pagkalabas namin ng guest room ni Leinard. Silang tatlo ay nagtatakang nakatingin sa magkahawak naming kamay kaya nag-init ang pisngi ko.
Tiningnan ako ni Leinard at sinalubong ko din ng titig ang nga mata niya. Tumaas ang sulok ng labi niya kasabay ng paghigpit ng kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
"Don't you doubt ever again." he whispered and kissed the tip of my nose. Napapikit ako dahil doon. It's so gentle and heart-whelming. Kinikilig ang buong kalamnan ko.
Pagkamulat ko ng mata ay naglalakad na siya palayo saamin habang nakapamulsa. Natulala lang ako sa likod niyang papalayo hanggang sa lumiko na siya sa pababa sa hagdanan. Doon lang siya nawala sa paningin ko. Hindi parin talaga ako makapaniwala. He said his side without even me, saying mine. Siguro naiintindihan na niyang insecure lang ako. Yun naman kasi talaga ang dahilan. I'm insecure about his feelings for me compare his feelings for Samantha. Pero ngayon, hindi na ako talaga ako mag-da-doubt.
"Whoa. We'll take that as a yes."
Napabaling ako kay Shaun, at kung hindi pa siguro siya nagsalita malamang tulala parin ako hanggang ngayon.
"Oh my god! I'm so happy for you best! Finally!" Chloe hugged me tightly. Napaawang lang ang bibig ko. Hindi pa naman kami ni Leinard eh.
Kinagabihan ay nagpasya kaming pumunta ulit sa reception dahil may mga sayawan pang gaganapin. Hindi naman pwedeng hindi kami pumunta doon dahil prinepare iyon as part of ate Loisa's wedding.
Pagkadating namin doon ay bumungad saamin ang ilang bisitang nagkakasiyahan lalo na nang ginawang dancefloor ang kaninang stage.
Dumiretsiyo kami sa grupo nila Luke kung saan naroroon rin sina Brent, kambal ko, Leo, Tracy, Leinard at Samantha. Hindi na nila kasama si Louie. Which is good thing kasi baka masungitan ko yung bata ngayon kapag ipinagpilitan niyang kapatid ko si Leinard.
Nakangiting tumabi ako kay Leinard at nginitian ako ni Samantha dahil doon nang makita niya ako. Napangiti din ako sakaniya. An apologetic one, though. Sana naintindihan niya iyon.
"Sweetypie." nakangisi kong tawag sakaniya.
Gulat na nilingon niya ako at napangiti ng tuluyan. Saakin na siya humarap ngayon mula sa pakikipag-usap sa katapat niyang si Luke. He held my hand immediately and kissed me on my cheeks. Nag-init ang pisngi ko.
"You're blushing. That's better kaysa sa iba ang nagpapamula ng pisngi mo." bulong niya. "How I much wanted to do PDA with you, I fucking can't. Your twin brother is watching." aniya habang hindi nakatingin sa kahit kanino. Kumbaga parang sinabi niya lang iyon ng pasimple.
Pasimple ko ring tiningnan ang kambal ko at nakitang nakataas ang kilay niyang nakatingin saamin ni Leinard. Ibinaba niya ang tingin niya at napunta iyon sa magkahawak na kamay namin ni Leinard. Sinimangutan ko lang siya.
"Ano yan, kayo na?" he asked finally.
Napatingin ako kay Leinard. Nakatingin na siya ngayon kay Brixx at nag-igting ang panga niya. Napatingin ulit ako kay Brixx at ganoon din ang reaksiyon ng mukha niya. Napalunok ako. Wala ni isa ang nagsalita sakanila. Nakatitig lang sila sa isa't isa pareho at kung hindi lang madilim ang anyo nilang dalawa malamang mapagkakamalan ko ng may bromance sa pagitan nila.
"Huy, Brixx." tawag ko sa kambal ko. Lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Leinard. Nakakainis naman.
Hindi niya man lang ako pinansin. Maya-maya pa'y tumayo siya at mabilis na lumapit saamin ni Leinard. I panicked.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...