"Ano ba kasi yun Chloe. Please tell me!" Ipinadyak-padyak ko pa yung paa ko habang nakaupo. Ilang araw ko nang pinipilit si Chloe about sa sinasabi nilang plano nilang dalawa ni Shaun. Yeah. They became close that easy. Palagi na rin naming nakakasama si Shaun. And I think I'm starting to regret it. Though it's a good thing you know? Shaun is nice at isa pa may iba na kaming kasama ni Chloe pero kasi feeling ko pinag-kakaisahan nila ako pagdating sa plan thingy na yan!
Ngumisi lang siya habang pinapakielaman ang hose at dinidiligan ang mga halaman sa garden namin. Ako kanina ang gumagawa niyan pero nagpumilit siyang siya na daw dahil gusto niya daw itry kaya pinagbigyan ko.
"Asan na si Shaun? Itext mo na dali, papuntahin mo na dito para malaman mo kung anong plano ko---umm namin." Tikhim niya.
Napakunot ako ng noo. "Hey Chloe. I know you only planned it, whatever it is. Sinama mo lang si Shaun!"
Painosente siyang nagkibit balikat. "So what? He liked and agreed my idea so apparently 'we' planned it." Nag-quotation mark pa siya gamit ang dalawang daliri. Napasapo nalang ako sa saaking noo.
"Papuntahin mo nalang nga kasi dito."
I just sighed and took my phone beside me. Tinext ko si Shaun at sinabing pumunta na dito sa bahay. Alam naman na niya yung bahay namin e. Hinatid na niya ako noon. At isa pa we're just in the same subdivision so walking distance lang ang sakanila from here.
"Damn. Dude that girl were soo hot tapos ginanon mo lang?!"
Napalingon kaming dalawa nang marinig namin yung boses ni Luke. Kasama nitong dumating si Brixx, Brent, Leo at... Leinard habang tinatawanan si Luke. Di ko napigilang napangiti nang makita siya. Dumiretsiyo sila sa loob ng bahay.
Mukhang kakagaling lang nila sa pagbabasketball. Tss. Lagi nalang. Kung hindi mag bar, basketball nalang palagi umiikot ang mundo ng mga 'to. Happy go lucky eh?
"Hoy babae!"
Napasinghap ako nang mabasa ang paa ko. At ang salarin, sino pa nga ba? Edi ang babaitang may hawak ng hose. Binasa niya yung paa ko. "Chloe! What the hell?!" Natatawang sabi ko.
Humalakhak siya. "Your mind was preoccupied again when you saw Leinard. So I needed to do that sorry." Nagpeace sign pa siya.
Tumawa ako at napailing. Umawang labi ko para sana barahin siya pero naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa kamay ko kaya di yun natuloy.
Tiningnan ko kung sino yung nagtext at si Shaun iyon.
From: Shaun
Aryt. Nasa tapat na ako ng bahay niyo. Where are you? Come out please. :)Napangiti ako sa text niya. Pwede namang magdoorbell uh? Pero nagkibit balikat nalang ako. Baka nahihiya.
Tumayo ako at nagpaalam kay Chloe na susunduin saglit si Shaun sa labas. Tumango lang siya at excited na ngumiti.
Binuksan ko ang gate namin at sumilip sa labas. Sumalubong ang ngiti ni Shaun saakin nang makita ko siya kaya napangiti rin ako. Kumaway siya saakin at naglakad palapit.
"Tara na sa loob. Chloe's in garden. Nagdidilig."
"Grool." Nakapamulsa niyang inililibot ang kanyang paningin sa buong bahay namin. Damn. Why so cool? "Nice house."
"Thanks." Ngiti ko.
Inakay ko siyang papuntang garden. Biglang lumiwanag yung mukha ni Chloe pagkakita kay Shaun at ngumisi silang dalawa. Okay. The plan. I need to know about it.
"Hi Shaun!" Masayang bati ni Chloe kay Shaun.
"Heya." Ngisi ni Shaun. Tinitingnan nito yung nakalapag na hose na di nagagamit.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...