Walang ganang umupo ako sa pwedeng maupuan. Naghihintay nalang ako ngayon ng next subject. Meanwhile hinihintay ko rin si Chloe nang magpaalam siya saaking bibili ng snacks namin.Nagbuklat nalang ako ng libro ko at nag review. Namimiss ko talaga si Leinard. Tsk. Tatlong araw na siyang di pumapasok at gusto ko na ulit siyang dalawin ngayon pero kasi... nakapag-promise na ako sakaniya. At hindi ko siya magawang hindian.
Flashback.
"Sa susunod ayoko na ulit umabsent ka para dito." Mariin niyang sabi. "I can take care of myself, you see."
Umismid ako. "Sinong magluluto para sayo?"
"I can cook for myself." Sinamaan niya ako ng tingin. "And I'd rather cook for myself than to let you cook for me again."
Pinilit ko wag matawa sa sinabi niya. "Eh may sakit ka baka mabinat ka."
"As I have said. May cup noodles diyan. Pwede na saakin yun."
I rolled my eyes. "Mabubusog ka ba diyan?" Tanong kong sarkastiko.
He hissed. "Fine. I will hire a nurse for me. Are you happy now?" Kunot noo niyang sabi.
Napaisip naman ako. Nurse? "Babae?" Alanganin kong tanong.
Umiwas siya ng tingin at ngumisi. "Malamang." Mahina niyang sabi.
Nanlaki yung mata ko pagkatapos ay sumimangot ako. "Ayoko Leinard! Ako nalang mag-aalaga sayo kesa sa iba." Paano kung magkagusto sakaniya yung nurse na iha-hire niya? Tapos akitin siya. Omygod! No way!
He groaned. "Fvck. Fine. Si Wincel nalang ipapadala ko dito para alagaan ako! Ano ayos na sayo?!" Sigaw niya saakin.
Napangiti ako. "Better."
He hissed. "You're acting and you sounds like a possessive girlfriend Via." He looked away.
"You can't blame me, I'm jealous." I said prankly.
Tumikhim siya. "Whatever. Basta wag na wag ka na ulit mag-absent para lang dito Via. Lagot ka talaga---"
"Oo na! Oo na po tay!" Tigil ko sa sasabihin niya. Sinamaan pa niya ako ng tingin nang tawagin ko siya ng tay. Pft. "Pero pwedeng dalaw lang kahit saglit?" Pagbabakasakali ko.
"Via.." Banta niya. Tinitigan niya ako while narrowing his eyes. "Okay. But I'll never cooperate with you for that damn court thing."
Nanlaki yung mata ko. Makikicooperate na siya? "Ma.. Makikicooperate ka na?" Mangha kong sabi.
Ngumisi siya.
Mahinang tumili ako. Shit! This is it! "Sige sige di na kita dadalawin.. aalis na ako Leinard. Bye!" Kako sabay nagtungo sa labas at nilisan ang condo niya. I am so damn happy! ^__^
End of flashback.
Napangiti nalang ako nang maalala ko yun. Oh diba? Sinong hindi makakahindi sa option na yun? He will finally cooperate with me so I gladly grabbed the chance. Kahit ang kapalit pa nun ay yung hindi ko siya makita ng ilang araw. Atleast worth it. Hihi.
Ano na kayang lagay niya ngayon? Sure akong inaalagaan na siya ni Wincel ngayon. Magaling na rin siguro siya medyo at kailangan nalang niya na magpahinga para di bumalik yung lagnat niya.
"Beeeeest!"
Napalingon ako kay Chloe na tumatakbo palapit saakin. Isinara ko yung libro kong binabasa at inilagay sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...