Mabuti nalang at nakahiwalay na si Leinard saakin nang dumating si ate Loisa at nagyaya na umalis at magtungo sa boutique kung saan siya mamimili ng kanyang susuoting gown.
Walang umimik saaming dalawa habang si ate Loisa ay dinadaldal ang iba't ibang bagay tungkol sa ibang detalye ng kanilang kasal ni kuya Harry. Nakikita ko ang pagsulyap at pag ngisi saakin ni Leinard at umiiling nalang ako.
"Just park the car there Lei. Thanks." Ani ate Loisa nang nasa tapat na kami ng isang boutique na itinuro niya.
Tumalima si Leinard sa sinabi ni ate Loisa at ipinark sa isang bakanteng space. Been there done that, lumabas na kami at nagtungo sa loob ng isang boutique.
"Loisa!" Bati ng isang bading sakaniya at nakipagbeso sakaniya.
"Seph!"
Napalibot ang paningin ko sa buong shop, maraming damit na nasa mga manequin at mga gowns na rin na sobrang eleganteng tingnan. Excited na tuloy akong makita si ate Loisa na nakasuot ang mga iyon.
"Sino naman 'tong gwapong 'to?!"
Napalingon ako doon sa bading na si Seph daw, na manghang nakatitig kay Leinard. Kumunot ang noo ko. Nagkakagusto pa ata sa sweetypie ko. Tssss.
Tumawa si ate Loisa at kinindatan ako bago bumaling sa kay Seph. "Off limits yan mare! Para sa kapatid ko yan."
"Oh?" Ngumisi yung bading at tumingin saakin. Pilit lang akong ngumiti sakaniya saka inirapan siya ng pasikreto. "Lil sis ka pala netong si Loisa? Infairness..." hinead to foot niya ako. "Pretty ka!"
Inakbayan siya ni ate Lois. "Magaganda talaga ang lahi namin!" Aniya at humalakhak.
"Oo nga e, pati yung kambal niyang si Brixx, napakapapalicious!"
"Halika na nga samahan mo na ako sa mga gowns ko." Ani ate Loisa habang hinila yung bading palayo.
I just hissed and looked at Leinard. Nangingisi siyang nakatingin saakin habang pinanliitan ko lang siya ng mata. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ng lalaking 'to?!
Lumapit siya saakin at inakbayan ako. "Stop accusing me with your eyes, Via." Bulong niya saakin.
"Bakit ba kasi ang gwapo mo?! Nakakainis na uh!" Pinisil ko ang magkabilang pisngi niya at napangiwi siya dahil doon. "Sagutin mo na nga kasi ako! Matagal na rin naman kitang nililigawan e. Tssss. Masyado kang pakipot."
Napatingin siya sa ibang taong napapatingin na rin saamin dahil sa sinabi ko. Napapailing siya habang napapangisi habang ako ay walang pakielam kung marinig man nila yung sinabi ko o hindi. Ilang beses ko na bang na broadcast na nililigawan ko 'tong lalaking 'to? Tapos mahihiya pa ba ako?
"Not yet." Bulong niya habang nangingisi.
Kumunot ang noo ko at sinimangutan siya. "Kelan ba yang not yet na yan? Nakakainip na sweety pie!" Nakahalukipkip kong sabi. Nakaka beastmode eto!
Humalakhak siya. "You love making scene, Via. Halika na nga." Bulong niya ulit at hinila ako palayo sa pwesto namin kanina.
I hissed. Ayaw talaga niyang nakakaagaw ng pansin sa mga tao. Eh paano niya maiiwasan yun kung ganyan siya kagwapo?! Di maiiwasan yun no! Tsss.
Bumungad saamin ang bading na si Seph, ngumisi ito nang makita kami at halos maglaway nang mapatingin kay Leinard.
"Si ate Loisa?" Agaw pansin ko sakaniya, dahil kulang nalang halayin na niya sa isip ang sweetypie ko.
"Uhh andun na sa fitting room!" Iminuwestra niya saamin ang isang sofa. "Upo muna kayo." Nakangisi niyang alok.
Umirap lang ako sa kawalan at umupo doon, sumunod naman si Leinard kaya umusod ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko. Naamoy ko kaagad ang nakakaaddict niyang pabango.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...