Chapter 15: Free Hug

1.3K 33 2
                                    



Why is love so unfair.

You love him, but he doesn't love you. And if you doesn't love him. He loves you. Tss. Bakit kailangang ganon?

Palakad-lakad lang ako ng campus namin ngayon. Naghahanap ng mapaglilibangan. At dahil sa February na ngayon at malapit na ang valentine's day marami akong nakikitang couples ngayon. Marami ding booth. Tulad nalang ng wedding booth. Jail booth. Freedom wall. Hugot wall? Grabe lang. Try ko kayang magpaka-bitter. Haha. Joke lang.

Napatigil ako nang may makitang akong isang booth. Medyo kakaiba siya kasi siya lang talaga nagpahinto saakin. Lumapit ako doon para tingnan.

Maraming heart pillows ang nakahilera. Pati mga naglalakihang teddybears. Napangiti tuloy ako dahil ang kukyut nila. Ano kaya 'tong booth na 'to.

"What can I do for you miss?"

Napabaling yung tingin ko sa lalaking nagsalita. Napangiti ako kasi nakakahawa yung ngiti niya. Ang cute niya kasi mag-smile. Ang jolly. Plus. Gwapo rin siya. Hihi. Siya siguro yung naka assign sa booth na ito. Napatingin ako sa shirt niya. May nakalagay doon. 'Free hugs for Valentines'. Doon ko napagtantong Free Hugs booth ito.

"Ah. Free hugs booth ito?" Patanong kong sabi sakaniya.

"Yeah." Nakangiti parin niyang sabi. "But ---" I cut him off. Tuluyan ko na kasi siyang niyakap. Kailangan ko 'to. Brokenhearted ako e. Kailangan kong ilabas yung sama ng loob ko. Kapag kasi kay Chloe ko 'to ibinuhos baka pagalitan lang ako nun kaya mas mabuting sa di ko nalang kilala ito ibuhos.

"Payakap po kuya huh? Tutal free hugs naman." Kako sakaniya habang nakayakap parin sakaniya. "Kuya tanong ko lang po. Mahirap ba akong mahalin? Bakit hindi niya ako kayang mahalin?" Suminghot ako. Tuluyan na kasing tumulo yung luha ko.

"Uhh.. Kasi Miss---"

"Sabi nila, maganda naman daw ako! Pero bakit hindi niya ako kayang mahalin! Okay lang naman akong maging rebound e." Umiiyak na sabi ko. "Ganon na ba ako kahirap mahalin? Pakisagot naman kuya oh?"

Di sumagot si Kuya. Kaya lalo ako napahikbi. Naramdaman ko pang tinapik niya ako para itahan.

Nang medyo gumaan na yung pakiramdam ko. Bumitaw na ako sa pagkakayakap mula sa lalaki. Pinunasan ko na rin yung luha ko.

"Are you okay now?" Medyo naiilang na tanong nung lalaki.

Ngumiti ako ng matamis at tumango. "Thank you."

"Mabuti naman." Nakangiting inabot niya saakin yung panyo niya. "Kailangan mo yan."

Awkward kong inabot yung panyo niya. "Okay lang po?"

He chuckled. "Wag mo na akong po-in. First year palang ako." Tumingin siya sa paligid bago tumingin ulit saakin. Hinila niya ko palayo. "I have to tell you something."

My brows went up. "Huh?" Taka kong tanong nang hilain niya ko. "Bakit saan mo ko dadalhin?"

"Basta."

Napakunot-noong nagpatianod nalang ako sakaniya. Di naman siguro niya ako kikidnapin? Nasa school grounds kami e. Pero di kami close.

Tumigil kami sa field. Medyo malapit lang rin sa mga booth kung nasaan kami kanina. Parang hinila niya lang ako sa mga walang tao. Di kaya secret admirer ko 'to? Magtatapat siya saakin? May sasabihin daw siya e. Omygod.

Umupo siya sa damuhan. Kaya napaupo na rin ako sa tabi niya.

"Secret admirer ba kita?" Wala sa sariling tanong ko.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon