Chapter 31: I loathed you

1.7K 31 0
                                    


"Brixx! Look!" Nakapout kong sabi sa kambal ko habang pinapakita ang tiyan ko. Feeling ko tumataba ako. Kelan na nga ba ako huling nag gym? Ang sarap kasi kumain.

"What?" Tanong niyang nakakunot noo habang pinagmamasdan ang bewang ko.

I groaned. "Tumataba na ata ako?!"

He chuckled habang shinoot ang hawak na bola sa ring. "Mataba na sayo yan? You're too petite for me. How come?" Hinihingal niyang sabi habang pinupunasan ang tagaktak niyang pawis.

Nagpout lang ako at binaba na ang damit kong hinawi ko para ipakita kay Brixx ang sa tingin ko'y tumatabang bilbil ko.

"Eto tingnan mo 'to." Ipinakita ko sakaniya yung braso kong feeling ko ay malapad.

Tiningnan naman niya iyon at umiling. Lumapit siya saakin. "You're just paranoid. Feeling mo lang yun dahil hindi ka na nakapag-gym ng matagal na araw kaya akala mo napabayaan mo na yang katawan mo. You're so thin, baby girl!"

Tumango-tango lang ako at nagpout. Baka nga. Ayokong tumaba.

"Heart!"

Napalingon kaming dalawa ni Brixx sa babaeng may malaking ngisi habang may dala-dalang paperbag. Pinagmasdan ko siya dahil pamilyar yung mukha niya. She's pretty, fair skin and has a round eyes. Ang kanyang bangs ay nasa gilid ng kaniyang mukha. Mas matangkad ako sakaniya ng konti at ang buhok niyang hanggang sa balikat ay naka-ipit ng dalawa sa gilid niya. Kilala ko 'to. Ito yung babaeng kasama ni Brixx nung Valentine's day. She must be Sheye. Pero sa tingin ko na meet ko na siya. Di ko lang matandaan. Effect of short term memory .

"S-sweet."

Napataas ako ng kilay at napatingin kay Brixx na nilapitan yung babae, na sa tingin ko ay si Sheye. Muntik na akong matawa sa endearment nila. Seriously? Brixx Ian Villafuerte? 'Sweet' ang tawag sa girlfriend niya? That's odd. Lol.

Pumameywang ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Hinawakan ni Brixx yung pisngi nung babae at nakita kong hinalikan niya ito sa labi. I gasped and looked away. Natatawang napailing nalang ako. Mga damoves ng mokong.

"Brixx. Tumigil ka nga! Yung kapatid mo. Landi-landi talaga nito."

Napabaling ulit ang tingin ko sakanila at namataan kong pinandilatan nung babae si Brixx. Humalakhak nalang ako. Nagkaroon na pala ng katapat ang kambal kong babaero. Ayy di na pala siya babaero.

Lumapit silang dalawa saakin.

"Sweet. Kambal ko nga pala. Si Lyka. A.K.A baby girl ko." Nakangising pakilalaa saakin ni Brixx.

Ngumiti siya ng malapad saakin. "Hi. I'm Sheye! You're pretty and you look... familiar." Napakunot noo siya habang tinagilid ang ulo na parang sinusuri ako. I knew it. Nagkita na kami pero di ko matandaan.

Ngumiti ako ng matamis. "Ikaw pala si Sheye. Palagi kang kinukwento saakin ni Brixx." I giggled. "Oo nga e. Feeling ko nagkita na tayo."

Ipinilig niya ang ulo niya at ngumiti ulit. Bumaling ulit siya kay Brixx. "Siya pala yung baby girl mo? Akala ko talaga.. tss."

Ngumuso ako at tiningnan si Brixx na nakahawak sa batok niya. "I told you. Wala kang tiwala e." He hissed.

Humalakhak si Sheye. "Di na kasi katiwa-tiwala yang mukhang yan." Dinuro niya yung mukha ni Brixx at bumaling siya saakin. "Sorry kung inaaway ko kambal mo huh? Babaero kasi e." Ngiti niya.

Tinapik ko siya at tumawa. "Naku, ayos lang. Asar din ako diyan sa pagiging babaero niya dati e. Pakisuntok na rin." Natatawa kong sabi.

Ngumisi siya. "Sige mamaya."

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon