"L-leinard." Mahinang sambit ko. Bakit andito siya? Anong ginagawa niya dito? Diba may sakit siya? Magaling na ba siya?Yumuko siya at tiningnan akong may galit sa mata. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa di malamang kadahilanan. Para akong batang nahuli sa akto sa mga oras na ito.
"What's your problem dude?!" Narinig kong sabi nung lalaking sinuntok niya.
Nakita ko ang pag-igting ng panga niya habang nakatingin ng masama sa lalaki. Hinigpitan niya yung pagkakayakap saakin.
"You.. don't have the rights to touch my girl. You fvcking manwhore!" Mariing sabi niya. Nakita ko yung pagkuyom ng kamao niya at ambang pagsuntok niya kaya hinawakan ko na agad yung kamay niya. Napatingin siya saakin.
Nakita kong nag-aalalang nagsilapit saamin sina Chloe, Luke at Leo kasama ang dalawang bouncer. Kaya napabitaw na sa pagkakayakap saakin si Leinard. Kinausap nito yung dalawang bouncer na inilabas naman yung lalaking muntik akong manyakan.
"Best." Nag-aalalang bungad saakin ni Chloe. Tipid na ngiti lang yung isinagot ko sakaniya. Marahan niya akong tinapik sa likod ko.
"Ayos ka lang ba Lyka?" May pag-aalala ring tanong ni Luke saakin. Tumango lang ako sakaniya bilang sagot. Nahihilo parin ako hanggang ngayon.
"Bro. Pumunta ka." Narinig kong sabi ni Leo kay Leinard.
Napasulyap ako sakanila. I blinked twice when I caught him glaring at me. Napalunok ako. Parang tuloy may ginawa akong kasalanan sakaniya.
Gusto ko siyang tanungin pero wala ako nagawa nang hilain na ako ni Chloe papuntang table namin.
"Best. Sorry! Hinila kasi ako nung kasayaw ko kanina hanggang sa nawala ka na sa paningin ko. Akala ko pa naman kung ano nang nangyari sayo--"
"Ayos lang best." Ngiti ko sakaniya.
"Hmm. Narinig ko yung sinabi ni Leinard doon sa lalaking balak ka atang manyakan." Nakangisi niyang sabi saakin.
Napatingin ulit ako sa gawi ni Leinard habang nakikipag-usap kay Leo. Nasa gilid na sila ng dancefloor. Tumingin din siya saakin kaya nagkasalubong yung mga mata namin. Napayuko lang ako nang makitang papalapit na sila saamin.
Naalala ko tuloy yung mga katagang sinabi niya sa lalaki kanina.
"You.. don't have the rights to touch my girl..." My Girl? I'm his girl. Did he mean it? Ipinilig ko yung ulo ko. No.. he's just concern 'cause I'm like a sister to him.
Pero kahit ganon. Kinilig parin ako. Hays. And I missed him. Ilang araw ko siyang di nakita.
Napaangat ulit ako ng tingin ng sikuhin ako ni Chloe. "Uhh. Best wag kang mabibigla. But I think you must to see this."
Sinundan ko ng tingin yung ininguso niya. At laking gulat ko nang makitang nilapitan ni Leo at Leinard ang isang pamilyar na babaeng tulog at halatang dahil sa kalasingan sa isang table. Akala ko saamin sila lalapit kanina pero doon pala. Tiningnan kong maigi kung sino yung babae at gumuho yung mundo ko nang makilala kung sino yun. Si Samantha.
Napalunok ako nang may bumara sa lalamunan ko. Ngayon ay nagkaroon na ng conclusion sa utak ko kung bakit siya nandito ngayon.
"Best." Tinapik ako ni Chloe.
I manage myself just to say this. "Nagkabalikan na sila?"
Hindi sumagot si Chloe at tumingin din sa direksiyon nila. Ewan pero gusto ko nang umuwi ngayon pero iba yung kinikilos ng sarili ko.
BINABASA MO ANG
Courting The Short-Tempered Guy
Teen FictionLyka Via Villafuerte has had a crush on Leinard Alexander Silastre from the moment they met. She's tried to confess her feelings a few times, but he keeps rejecting her. Bakit nga ba nag-aaksaya pa siya ng oras sa lalaking ito? The guy has a short t...