Chapter 46: Need to Talk

1.3K 27 0
                                    



"Why did you say that?"


Mula sa harapan kung saan kasalukuyang nang nag-i-slice ng cake si Kuya Harry at Ate Loisa ay nilingon ko si Leinard na siyang katabi ko. Next to him is Samantha and baby Louie, habang nasa gilid ko naman si Sheye na tahimik lang na nanonood sa harapan.


"Sinakyan ko lang yung bata Leinard." I said plainly.


He hissed and glared at me. Nilapit pa niya lalo ang upuan niya saakin para lalo kaming magkarinigan. "You don't need to do that, you know?" mariing sabi niya.

I sighed deeply. "Hayaan mo na nga, Leinard. He's thinking that Sam and you are still together and I know he likes you for her, gusto mong malungkot yung bata kapag nalaman niyang... wait we're not even together, anyway. How silly of me." natatawang sabi ko habang napapailing. Tiningnan ko siya at kunot noo parin ang noo niyang nakatitig saakin. Tumikhim ako bago magsalita ulit. "I mean, hayaan mo nalang. Akala kasi nung bata girlfriend mo ako kaya masama ang tingin saakin kanina." mahina kong sabi.


Marahas siya napabuntong hininga. "You're not the Via I know." aniya at lumayo na saakin para makinig na ulit sa ginagawa nila ate at kuya Harry sa harapan.


Napailing nalang ako at napatulala sa harapan. Tama siya, kasi kung sa normal na sitwasyon lang ay baka awayin ko pa yung bata dahil lang sa pinagkamalan niya akong kapatid ni Leinard. Ganoon ko kaayaw dahil hindi ko matanggap. Pero ngayon, kahit pa sobrang labag sa kalooban ko sinakyan ko pa ang sinabi nito at sinabing sobrang bagay nilang dalawa. Okay na yun, totoo naman kasi.


"Single and available men, please cooperate here in front to do the groom's garter toss..."


Nagsitayuan sina Brent, Luke at Leo sa table namin habang hinihila si Brixx sa kabilang table namin na umiiling lang sa mga ito na parang tumatanggi. Si Shaun naman ay itinutulak ni Chloe na sumali. Ang ibang lalaki naman ay nagsipuntahan na sa harapan.


Nilingon ko si Leinard na ngayon ay nakatitig lang saakin. "Hindi ka sasali?"


Umiling siya gamit ang seryoso niyang mukha. I just looked away.


"KJ mo Lei Xander! Sumali ka na! Di ka magkakaasawa niyan!" narinig kong sabi ni Samantha sakaniya Napatingin lang ako sa mga daliri ko.


Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang pagtayo. "Fine." aniya at walang lingon likod na nagtungo sa harapan. Sinundan ko lang siya ng tingin. Isang sabi lang ni Samantha papayag na siya kaagad, and I think that's something.


Nang makapwesto na ang mga kalalakihan sa harap ng nakatalikod na si Kuya Harry ay hinagis na nito ang garter at hinintay na pag-agawan iyon. Konting kaguluhan bago malaman kung sino ang nakakuha at laking gulat ko nang makitang hawak iyon ni Leinard. Napatawa ako. Seriously, siya ang nakakuha?


Bumalik na sila sa table namin na tatawa-tawa habang pinag-uusapan ang pagkakakuha ng garter ni Leinard. Hinagis daw pala niya ulit iyon pero bumalik din sakaniya nang magkagulo. Pati ako ay napatawa.


"And now, for the bride's bouquet toss. Ladies who are single, please come here in front, now."


"Please, catch the bouquet for me." bulong saakin ni Leinard kaya hindi ako kaagad nakahuma.


Hindi na ako nakasagot pa ng hilain ako ni Chloe kasama ni Sheye na pumunta sa harapan. They are all excited and I'm not.


"Give way for Lyka guys! Siya dapat ang makakuha ng bouquet!" announced ni Chloe nang makapwesto na kami at nag-init ang pisngi ko dahil doon. Nagsitawanan ang mga nasa paligid namin lalo na si Sheye na alam kong wala rin namang balak mang-agaw ng bouquet.


Tinampal ko si Chloe sa braso at binelatan niya lang ako. This is not nice.


Kaya naman ng makita kong sumali rin si Samantha ay hinatak ko kaagad siya malapit saakin. Gulat at nagtataka ang mga mata niya sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinansin.


"Ready, guys?" tanong saamin ni ate Loisa sa harapan. Nang mamataan niya ako ay kinindatan niya ako. Alam kong balak nilang ibigay saakin ang bouquet at ayokong mangyari iyon.


Nang sumagot sila ng 'yes' ay nagbilang muna si Ate Loisa ng tatlo bago tuluyang ihagis ito saakin. At tulad nga ng inaasahan ko, walang nagtangkang mag-abot ng bouquet at hinayaan iyong mag-landing sa kamay ko. But before it lands on my hand, I grabbed Samantha's hand and control it to catch the bouquet.


"Oh my god, Lyka!" di makapaniwalang sambit niya nang makuha ito. I just tapped her shoulder and smiled.


"Sayo nababagay yan." I said before walks away.


Naramdaman ko ang paghabol saakin ni Sheye at Chloe at alam kong tulad ng iba ay gulat sila sa ginawa ko kanina.


"Why did you let Samantha grabbed that bouquet? Seriously best?" yun ang unang tanong niya saakin ni Chloe.


Naglakad pa ako palayo roon at nakitang malapit na ako sa mismong mansyon ng mga Buenavista. Malayo kasi ang mismong reception sa bahay ng mga ito dahil ginanap ang reception sa malawak na field na nagsisilbing backyard lot ng mansyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na.


"Lyka, seryoso ka na talaga sa balak mo?" tanong ni Sheye na ikinatango ko. They are still following me.


"Anong balak, best?"


"I'll let him go." tipid kong sabi. Tinaas ko ang suot kong gown para makapaglakad ng maayos.


"Seriously?!" bulalas niya. "Bakit nanaman? Anong nangyari?" tanong niya na hindi ko sinagot. Ayoko kasing magpakasenti ngayong kasal ng ate ko.


"Lyka, di mo naman kailangang gawin iyon. Sinabi naman ni Leinard na ikaw ang mahal niya."


Umiling ako sa sinabi ni Sheye. "Mas mahal niya si Samantha, at mas bagay sila." I said plainly.


Chloe groaned in frustration. "Where the hell is the real Lyka Villafuerte that we've known. It's so not you! Ang kilala kong Lyka hindi sumusuko kapag si Leinard ang pinag-uusapan. Where is she?"


"Wala na, nagtago." ngisi ko. Napatingin ako sa paligid at puro green grass lang ang nakikita ko maliban sa malaking mansyon ng Buenavista at sa reception na medyo kalayuan na saamin. I wonder what is happening now there at the reception. Malamang ay isinusuot na ni Leinard ang garter sa hita ni Sam. Hindi naman ako masokista para panoorin yun kaya nga umalis na ako eh.


Nang makakita ako ng disenyunadong wood chair and table malapit sa mansyon ay doon ako nagtungo. Parang masarap ang hangin doon at masarap umupo.


"Balik na kaya kayo doon? I'm okay here." kako at tuluyan ng umupo sa wood chair.


"I better stay here, ayoko rin ng view doon." ani Sheye na nagpangisi saakin. Of course andoon kasi ang kambal ko at ang ex nito.


"Sige, dito nalang din ako. Tetext ko nalang si Shaun na puntahan tayo dito. Walang makakausap yun doon." ani Chloe na nagpatango naman saakin.


Malalim na bumuntong hininga ako. Sobrang sikip ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano pa iyon pagaanin ngayon.


***


His POV


"Higher!"


Napailing nalang ako habang isinusuot sa isang binti ni Sam ang garter na nasalo ko nang mag-garter toss ang groom na si kuya Harry kanina. Bwisit lang dahil wala naman talaga akong balak saluhin ang garter pero napunta iyon saakin at nang ihagis ko ulit ay pinagkaguluhan naman ng ugok na sina Luke at Brent kaya nang mabitawan nila iyon ay tumalbog pabalik saakin.


"I'm so sorry Lei, wala akong nagawa." inspite of the noises came from the people around us, I still heard Samantha say that. I looked up to her with my blank expression. "I'm shocked, hindi ko ineexpect na gagawin ni Lyka yun." she added.


I just sighed and continue placing the garter above her knee. Pagkatapos umabot doon ay tumayo na ako. Narinig ko pa ang mga dismayadong boses at mga pag-angal ng mga nanonood saamin dahil sa hinihiling nilang taasan ko pa pero hindi ko sila pinansin. I need to talk to Via, I want her explanation and what the fuck is wrong with her? Kanina ko pa napapansin na may kakaiba sakaniya. Pakiramdam ko ay ipinagtutulakan niya ako kay Samantha. Fuck, I'm damn frustrated. I really need to talk to her.


Inalalayan ko si Samantha pagkatapos ng kahibangang iyon pabalik sa mesa namin at lalong kumunot ang noo ko nang makitang wala si Via sa upuan nito.


"Where the hell is she?" tanong ko.


Tiningnan ako ni Brent at sinulyapan rin ang kaninang upuan ni Via. Ngumuso siya at napatingin ulit saakin. "She walked away. What do you think of her, a fucking masochist to watch the both of you?" ininguso niya kami ni Samantha.


Gusto ko siyang murahin at suntukin sa mukha, but thank god I still have a little patience to not make a scene here. I don't want to ruin ate Loisa's wedding but this fucking man is trying my temper.


"You shut up." I said to him suppressing my temper. Huminga ako ng malalim at ibinukas ang mahigpit na nakasara kong mga kamay.


Nilibot ko ang tingin sa buong reception pero hindi ko mahanap ang hinahanap ko. Damn it. Pati sila Chloe at Sheye ay wala rito sa table namin. Malakas ang kutob kong magkakasama sila. But where the hell are they?!


"Kuya Lei." napayuko ako para tingnan si Louie-ang pamangkin ni Samantha na hinihila ngayon ang laylayan ng suot ko. "Are you looking for your sister?"


Huminga pa ako ng malalim para tuluyang kumalma at lumuhod para pumantay sa mukha niya. Of course he's talking about Via.


"Yeah, but she's not my sister, Louie." I tapped his head. "She's my girlfriend."


Nakita ko ang pagkagulat niya pero hindi ko na iyon pinansin at tumayo na ulit. I looked at Samantha and saw her grinning like an idiot. Inaasar niya ako at wala akong pakielam. Bata man o hindi, alam dapat na saakin si Via.


"What do you think is her problem?" tanong niya.


Marahas akong napabuntong hininga at hindi ko alam kung ilang beses ko nang ginawa iyon sa mga oras na 'to. Umupo ako sa upuan ko at humilig sa lamesa. "Hindi ko alam." I said, almost a whisper. Ayokong marinig ako ng gagong si Brent at nang iba pang nasa table namin. Ayoko silang makielam saakin.


"She's jealous, Lei, but I still don't get why? Alam naman niyang may iba na ako, at si Charles yun. And you said, you already told her you love her, ano pang problema niyong dalawa doon? We're great friends for god's sake, why should she be jealous?" she said with an obvious confusion on her face.


My jaw clenched when I suddenly remember, muntik na nga palang magtampo si Via dahil sa tinanong niya kung mahal ko pa ba si Samantha pero hindi agad ako nakasagot. Okay, I admit. Hindi talaga ako sigurado nang mga time na iyon dahil akala ko, meron pa akong nararamdaman para kay Samantha, and you can't blame me for that. Years na nakasama ko si Sam ay hindi ako sigurado kung agad na mawawala ang feelings ko sakaniya but believe me or not, si Via na ang talagang mahal ko. It's all that matters now right? God knows how I love her. I could even imagine myself waiting for her in front of the altar while she's walking down the aisle, flashing her sweetest smile while staring at me, naiimagine ko palagi iyon lalo na kaninang nasa loob kami ng simbahan at pinapanood sina kuya Harry at ate Loisa na ikakasal-thing that I didn't even imagine to Sam when we were still together.


"I really need to talk to her, you know?" I said out of the blue. Napatingin naman siya saakin.


Sinulyapan ko si Shaun Lennon na nasa table rin namin na ngayon ay tumatayo habang may katawagan sa telepono. Agad na umigting ang panga ko nang marinig ang pangalan ni Via habang kinakausap ang nasa kabilang linya, but then when our eyes met. He turned around, still placed the phone on his ear.


I close my hands into fist as I staring at his back walking away from the reception. I need to follow that fucking man. I know he knows where my girl is.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon