Chapter 39: Can't Sleep

1.4K 23 0
                                    

"What's their problem! GEEZ." Napainom ako ng wala sa oras dahil sa stress sa mga nangyari kanina.

"Oh easy Best!" Halakhak ni Chloe.

Napailing nalang ako at napasulyap kay Leo na may dalang tatlong alak sa kamay nito. Mag iinuman daw sila at eto kami ni Chloe makikisali.

"Sigurado ka bang iinum ka? Baka malasing ka Lyka." Pag papaala ni Leo at umupo sa harapan ko.

Tumango lang ako. "Andiyan naman kayo e. Di niyo naman siguro ako papabayaan right?"

Natatawang tumango naman si Leo. "But Brixx might kill us if we let you drunk."

I hissed. "Problemado yun. Di ako papansinin nun ngayon, kaya nga sinusulit ko na e." Nakangisi kong sabi. "Don't worry di ko hahayaang malasing ako, na-stress lang talaga ako."

Humalakhak si Luke na katabi naman si Brent na naiiling. "That's right! Whooo! Bottom's up!" Binangga niya ang baso niya sa baso ko at nilagok ang laman nun pagkatapos.

Ngumisi lang ako.

"Di lang naman din kasi si Brixx ang papatay saamin e Lyka." Natatawang bulong saakin ni Brent.

I hissed again and ignored him. Alam ko kung sinong tinutukoy niya. Tsssss. Bakit di nalang si Samantha ang pagbawalan niya! Basta iinom ako.

"Dito ba kayo matutulog best?" Lingon ko kay Chloe na lumagok din ng alak. Napangiwi siya pagkatapos niya iyong lagukin kaya natawa ako.

"Yes." Ngisi niya. "Slumber party daw sabi ni ate Loisa e!"

Napatango ako. "How about Sheye?"

Umiling siya. "Don't expect best. Alam mo naman yung issue nila ng kambal mo e." Halakhak niya.

"Sayang naman." Nag pout nalang ako at unti unting inubos ang laman ng baso ko.

"Inutusan din kami na pasayahin daw si Brixx. Pabebe yung lalaking yun talaga. amp-ta." Halakhak ni Luke.

"Anong klaseng pagpapasaya dude?" Sabi ni Brent at humalakhak rin. Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Shut your dirty mouths, assholes." Irap ni Chloe sakanila, na ikinatawa lang ng tatlong lalaki.

Napawi yung ngiti ko nang bumukas ang gate namin at iniluwa niyon si Leinard at Samantha. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. Inalalayan pa niya si Samantha palapit saaamin.

"Nag-iinuman kayo?" Malamig na sabi ni Leinard sa tatlo.

Tumango si Brent at napatingin kay Samantha. "Upo kayo! Kayo na ba ulit?" Ngisi niya at napasulyap saakin.

Inirapan ko lang siya at napailing.

"Oo nga bro, kanina pa kayo magkasama e." Sabi naman ni Luke at tumawa.

Tinuon ko lang yung atensiyon ko sa basong nasa harapan ko kaya hindi ko nalaman ang sagot niya na pag-iling o pag tango at kung minsan ay sa cellphone kong nasa lapag ng lamesa ang sinusulyapan ko.

Naramdaman ko silang umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Brent at ni Leo. At dahil sa katapat ko si Leo nasa harapan ko rin siya.

Parang ayoko na tuloy tumingin sa harap ko.

"Kami ni Charles guys. Ano bang pinagsasabi niyo." Natatawang sabi ni Samantha.

Nakita ko pang napatingin siya saakin at nagtaas ng kilay, hindi ko alam ang ibig sabihin ng gesture niya na yun. Kaya napakunot ako ng noo.

"Okay sabi niyo e." Kibit balikat ni Brent.

Nakaka-awkward naman 'to.

Napalingon kami kay Luke nang humalakhak siya ng malakas dahil sa pinapanood niya sa phone niya. Kanina ko pa siya napapansin na ganyan kaya natanong ko siya kanina kung anong pinapanood niya at mga vines daw yun. Funny vines, more likely.

Courting The Short-Tempered GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon