Chapter 10: Left Behind

180 13 1
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Ang laki-laki mo na pero ang hilig mo pa rin sa cotton candy."

It's been already a month since my college life began. Naging mabilis ang paglipas ng bawat mga araw. Totoo nga kasabihan ng nakakarami na sa una ka lang gaganahang mag-aral which is totoo naman. Akala ko n'on una basta lang gagawa ng art sa BFA na kurso kong kinuha pero hindi pa pala. Ang daming kailangang pag-aralan at kabisaduhin. Gayunpaman ay masaya naman ako kahit papa'no. Natututo at mas nahahasa pa ang kakayahan ko sa paggawa ng mga sining. Nakakapagod kung minsan pero sigurong kakayanin naman.

Budok do'n ay naging malapit na ako sa bago kong mga kaklase sa mga panahong 'yon. Kagaya ng sa pag-aaral ay gano'n din sila. Sa una lang din sila matino. Especially sa boys, ang haharot nila. May dalawa pa ngang nagkapikunan last week dahil sa pang-aasar kaya kapuwa sila nagpahiran ng mga pintura. 'Yung mga kaklase ko, imbes na awayin eh nagsulsukan pa. Ang ending tuloy, pareho silang dinala sa detention room. Ngayon e okay naman na sila.

Maliban pa sa mga sinabi ko ay sa una'y nalilito pa ako sa mga lugar at pasikot-sikot ng UOL no'ng bago-bago pa lang ako rito pero nang tumagal ay madali ko na lang ito makabisa. May one time kasing muntik na akong maligaw dahil lang ihing-ihi na ako.

Ang huli, naging madalang na rin ang pagkakasama at pagkikita ni Laurene tuwing break time ko. Sumasakto kasi na kung kailan break time ko ay hectic pa ang schedule at gano'n sin siya. Kung kailan niya break ay schedule ko naman 'yon. Maging sa pag-uwi ay hindi na rin kami nagkakasabay kaya sa bahay na lang kami nagkakausap through video call. Same lang din sila ni Foreigner guy. Madalang na lang din. I understand naman because of their own courses. Through chats na lan din kami nag-uusap.

"Ano'ng connect ng edad ko sa pagkain ng candy?" sarkastiko ngunit sa pabirong tano kong tanong. "Sarap-sarap kaya nito. Salamat pala sa paglibre," dagdag ko pa at nginitian siya. Well, 15 pesos lang naman 'to pero thanks to him pa rin.

"Nothing," kaswal niyang sagot. Pagkuwa'y tinapon niya sa tabing basurahan ang stick kung saan nakadikit ang cotton candy na kaniyang kinakain.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang park dito sa Linville. If I'm not mistaken, nandito kami sa norte. Isa itong freeport zone na kung saan ay puwede kang tumambay. This place is covered with green grass and tall trees. Dagdag mong mahangin at nakakagaan pa ito sa pakiramdam kaya maraming tao sa paligid ang nagpi-picnic, tumatambay, at ang iba'y nagdya-jodding. Napag-isipan pang namin ni Lorenz na lumabas muna since wala namang pasok at wala naman akong ginagawa sa bahay kaya ngayon lang din ulit kami nagkita.

The day he asked me if it's okay that he'll fetch me together with him every morning on the way to the university, I just remained his message seen without any response. No'ng una'y nagdadalawang-isip pa ako kung papayag ba ako or hindi pero sa huli ay napagdesisyonan kong 'wag muna. Bali tuwing mag-aaya siyang maggala ay doon lang ako pumapayag na sunduin niya ako sa labas ng dulong kanto namin.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon