DESTINY
Sa totoo lang, sa lahat ng mga first day experiences ko, ito ang pinakanakakapagod. Kahit wala naman kaming masyadong ginawa, nakakapagod pa rin. Ugh, sa uno nga lang nakakasipag mag-aral.
Habang inaayos ko ang aking mga gamit para ibalik sa loob ng aking bag, may isang message na lang nag-pop sa screen ng aking phone. Mula pala 'yon kay Lauren.
Lauren Belle Delos Rios
Lauren
Sissy, I'm sorry kung hindi rin tayo nagkasabay maglunch. Ang dami kasing chuchu nung prof namin. Pero now naman na free ako. Sabay tayong umuwiBilisan mo magreply
Isa pa nga pala 'yun. Hindi rin kami nagkasabay ni Lauren sa lunch kaya ang ending, si Foreigner guy na naman ang kasama ko sa cafeteria.
Naiinis nga ako sa totoo lang. Kasi naman 'yung amoy ng panyo ni Foreigner guy e hanggang ngayon e naaamoy ko pa rin. Siyempre mabango, pero nakakainis pa rin gayong 'di man niya d-in-elete mga litrato ko.
Umiling na lang ako at binasa ang aking labi nang nagtipa.
Destiny
Saan ka na ba?Laurene
Nandito na me sa babaDestiny
Sige pababa na koHindi na nag-reply si Lauren kaya nagmadali na akong bumaba mula 3rd floor. Nang makaapak sa quadrangle ay agad akong dumiretso sa bandang gitna. Nando'n si Lauren na nakaupo sa wooden benches nang maabutan ko. Mabigat man nang bahagya ang bag ko at nanlalata ay patakbo ko siyang pinuntahan.
"Lauren," nakangiwi kong tawag habang naghahabol ng hininga.
"Kamusta first day?" kaswal niyang tanong.
"Ayos lang naman," sagot ko. "Though nakakapagod, nag-enjoy naman ako. Ngayon nanlalata ako."
"Ha?"
"Nanlalata kako ako," pag-uulit ko.
"E bakit?"
Umupo ako sa tabi niya at humugot ng hininga. "Basta," sambit ko na lang. Tumagal nang ilang segundo ngunit hindi siya nagsasalita. Simple ko siyang nilingon at ako naman ay nangunot ang noo. "Hoy, ano'ng nangyari sa 'yo?"
Pinagkrus niya ang kanyang mga braso mataray akong tinapunan ng tingin, "You know, Cuz―" hindi na niya natapos pa ang dapat niyang sabihin nang pangunahan ko siya.
"Hindi," natatawa ko namang sabi.
"Ang gaga mo mo talaga," sarkatiko nitong wika ngunit sa pabirong paraan.
"Ano na naman?"
"Cuz, tinatanong kita nang matino ta's isasagot mo, 'Basta?'"
Napabuntonghininga lamang ako. "Geez, gusto ko nang umuwi." Humikab ako.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...