Makalipas ang ilan pang mga araw, sa wakas ay papasok na ako. Gaya ng nakagawian, maaga akong nagising para kumain, maligo, at magbihis ng uniform. Nakahanda na akong pumasok pagkatapos ng isang linggong pamamahinga.
"Dito mo mo na lang ako ibaba, Kuya, " utos ko sa kaniya. Nang makitang malapit na ako sa bukana ng gate ng unibersidad ay inayos ko na ang pagkakasukbit ng bag ko maging ang paghawak ko nang maingat sa canvas kong hawak-hawak na ipapasa ko mamaya kay Prof. Hereo.
Hinint ni Kuya Dwayne ang kaniyang kotse sa gilid. Wala naman na akong ibang sinabi at basta na lang binuksan ang pinto para lumabas na agad. Dumiretso lang ako ng paglalakad at sa huling pagkakataon ay sinilip si Kuya kung nakaalis na siya subalit gano'n na lang mangunot ang noo ko sa pagtatakang kasunod ko lang siya sa likuran ko ilang metro lang ang layo.
"Ba't ka sumunod? Ano'ng gagawin mo?" nagtataka kong tanong.
"Mag-uusap lang kami saglit ng proffesor mo," tipid niyang sagot.
Tumango na lamang ako't hindi na kumibo pa. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maghiwalay kami ng nilalakaran ni Kuya nang lumiko ako papunta sa CR para umihi.
Walang tao sa loob pagkapasok ko kung kaya sinamantala ko na 'yon para pumunta sa pinakadulong cubicle. Saglit lang ang itnagal bago ako matapos. Maya-maya lang ay sa oras na tatayo na 'ko para ayusin ang aking pambaba ay bigla akong nakarinig ng pamilyar na mga boses na siyang mabilis na nagpailang sa buong sistema ko.
"Iwan na ba kita rito?" kaswal na tanong ni Lorenz.
"Hintayin mo naman ako," sagot naman ni Kendra.
"Does changing your pads would take you too long? They might think I'm gay 'cause I'm here."
Bahagyang naawa si Kendra sa sinabi ni Lorenz. "Bibilisan ko na lang."
"Sure. I'll wait you outside here."
Pagkatapos n'on ay wala na akong ibang narinig sinuman sa kanila. Hinintay ko na lang marinig magsara ang pinto ng cubicle bilang hudyat na puwede na akong lumabas. Gayunpama'y kinakabahan ako kung sakaling paglabas ko'y bumungad sa 'kin si Lorenz. Bahala na lang. Kailangan ko nang pumasok.
Lumabas na ako sa cubicle at sinukbit ang aking bag. Saktong paglabas ko'y matatanaw ang nakatayo at nakasandal sa pader ang naghihintay na si Lorenz sa labas ng CR. Sa kinasamaang palad pa'y natama ang aming mga tingin. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko gayong namumutawi ang kaba at pagkailang sa 'kin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dala ng hiya sa kaniyang harapan. Mariin akong napalunok.
Bad timing nga naman, oh.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag saka yumuko bago nagmamadaling lumabas. Sa oras na malampasan ko siya ay gano'n na lang ako makahinga nang maluwag. Gustuhin ko mang lingunin siya huling sagli ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nilalakihan ko ang bawat paghakbang ko para mabilis na makalayo sa kaniya. Hindi ko lang maintindihan dahil pakiramdam ko ngayo'y nakasunod lang siya sa 'kin gayong may naririnig akong tumatakbong mga yabag.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
Roman d'amourThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...