DESTINY
"Mahal pa rin kita," pag-amin ko dahilan para lamunin ako ng pagkahiya. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pagkatapos kong sabihin 'yon at nais ko na lang magpalamon sa lupa. Pakiramdam ko'y nawalan na ako ng lakas ng loob para harapin siya kung kaya pumangalumbaba ang mukha ko.
"I don't know what to feel," tugon niya.
"Kahit naman na may nangyari sa 'tin o sa 'kin, hindi pa rin naman nagbago nararamdaman ko para sa 'yo," pagtatapat ko't hinarap na siya. "Oo, nagalit ako no'n sa 'yo nang sobra pero masakit din kasi sa part ko. Kanina naman, hindi ko alam kung ano'ng mga nangyayari. Naguguluhan ako kanina hanggang sa nalaman ko nga ang lahat. Naaawa ako sa 'yo. Kahit na may nagawa ka man sa 'kin, 'di ko pa rin maatim na 'yung ginawa sa 'yo ni Kuya," pagpapatuloy ko.
"Wala 'yon. Ayos lang. Deserve ko naman."
"'Wag ka nga. Masakit mabugbog, Foreigner boy." Mahina ko siyang pinalo sa kaniyang braso sa pagbibiro ko.
"Ah!" daing niya.
Kaagad naman akong natigil nang makita ang kaniyang reaksyon. "Geez, I'm sorry. Hindi ko sinasadya," nag-aalala kong sabi.
Malimit siyang napangiwi. "Okay lang. 'Di naman gano'ng masakit," aniya. "But I miss the way you used to call me before. It's been a while."
"Hindi ko rin napansin."
Pagkatapos n'on ay kapuwa kami tumahimik. Walang ni isa sa 'min ang naglakas loob magsalita. Nakakaramdam ako ng pagkailang kung kaya umiwas ako ng tingin sa kung saan. Maya-maya lang din ay binasag niya ang nakakabinging katahimikan.
"Uhm... Can I ask something?"
"Nagtatanong ka na," kaswal ko namang sagot.
Napatakip siya sa kaniyang bibig gamit ang nakakuyom niyang kamay na para bang nahihiya pa. "P'wede ka bang sumama sa 'kin dorm? Ayos lang ba?" tanong niya.
Saglit pa akong napag-isip-isip. "Ano ba'ng meron?"
"Wala naman. Baka gusto mo lang naman mag-stay ro'n pansamantala hanggang sa humupa 'yung nangyari kanina."
Tumango na lamang ako.
"But I don't have my motor. Naiwan ko ro'n sa tapat ng gate n'yo, eh. Binangga pa ng kuya mo," nadidismaya niyang sambit. "Mag-tricycle na lang tayo."
"'Yun na lang," sang-ayon ko.
Wala na siyang ibang sinabi pagkatapos n'on. Ngumiti lang siya nang malimit at tumango hanggang sa nagpatiuna na siyang maglakad sa eskinita. Ako naman ay sumunod na lang din sa kaniya.
Sa oras na makalabas kami sa dulong bahagi ng eskinita ay halos wala na kaming makitang mga tricycle na nakaparada kung kaya ilang minuto pa kaming naghintay bago may dumaang tricycle.
"Sana p'wede 'to," wika niya. Pagkuwa'y pinara niya ito at laking ginhawa lang namin nang huminto ito sa tapat namin. "Mauna ka na."
Sumunod naman ako. Nauna akong pumasok sa loob ng tricycle at sumunod naman siya.
"Sa'n po tayo?" tanong ng driver.
"Bago lang po sa terminal ng van. Sa mismong pinagrenrentahang mga dorm," sagot ni Lorenz.
Umalis na kami kinalaunan. Nanatili lang akong nakapirmi habang nakatitig lang sa dinadanaan nang magbukas na naman ng panibagong usapin si Lorenz.
"Destiny, may gusto lang akong i-confirm," nahihiya niyang saad.
"Ano 'yun?" tanong ko naman.
"You told me that you also love me, right? Does that means that..."
"Ha?" Nagtataka ko siyang tiningnan.
"I-I mean, uhm... Never mind." Napailing na lang siya't tinakpan ang mukha.
"You look cute," puri ko. "I get what you mean. My answer is yes."
Dahil sa sinabi ko ay dali-dali siyang napabaling sa 'kin. "T-Totoo? I mean, we're already..."
"Together," pagtatapos ko ng dapat niyang sabihin.
Gabi man at madilim ngunit naaninag ko naman ang mukha ni Lorenz na ngayo'y namumugto ang mga mata hindi dahil sa lungkot kundi sa saya.
"Can I hug you?"
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "'Wag dito, Lorenz. Do'n na."
"Uhm... Can I just hold your hand?"
Nakangiti naman akong pumayag. "Sige."
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at kaagad na kinuha ang kanan kong kamay at ipinagdaop sa kaliwa niyang kamay. Buong akala ko'y magaspang ang una kong mararamdaman subalit gano'n na lang ako mamangha nang maramdamang malambot ito kahit na puno ito ng dumi marahil sa nangyari kanina.
"You're hand is small and soft."
"Malaki naman ang kamay mo, pero malambot din."
Nanatili na lang siyang tahimik ulit sa sandaling 'yon. Binalik na niya ang kaniyang atensyon sa harap ng dinadaanan namin kaya naman gano'n na rin ako. Malapit na rin naman na kami sa bababaan namin.
Kulang ang mga salita para ilarawan ko ang nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang niyan ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko magmula kanina hanggang ngayon ngunit nangingibabaw pa rin ang kaluwagan sa dibdib ko. Sa isip-isip ko'y ayos na ang lahat kahit hindi.
"Thank you for loving me despite of the things that I've done to you," dinig kong bulong niya.
"You don't need to thank me. Wala 'yun. You're welcome din," wika ko pabalik.
Nakangiti naman siyang umiling-iling.
"Kuya, para po," hudyat ko sa driver.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...