Chapter 50: Eyes and Lips

105 5 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Panay ang pag-iling ko habang nakatakip bibig na pinagmamasdan ang test paper na hawak. May markang, "A+" ito sa itaas na parte kung kaya hindi maalis-alis ang atensyon ko rito. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon.

"Baka 'yan na lang ang titigan mo kaysa sa 'kin," nagtatampong sabi ni Lorenz. Kasalukuyan siyang nasa kama at prentent nakahiga. Nakapatong ang isa niyang paa sa kaniyang hita. Ginawa naman niyang unan ang dalawa niyang mga braso na ngayo'y nakaipit sa kaniyang uluhan.

"'To naman, nagtatampo pa. 'Di ba p'wedeng maging masaya lang sa resulta ng exam ko? S'yempre naman, ikaw pa rin," saad ko. "Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. Ang expected ko e B lang ang makukuha pero pero A+. Ikaw ba? Kailan ang ang exam mo? 'Di pa kita nakikitan nagre-review."

"Next week, I guess?" Humihikab siyang bumangon para umupo. "And I'm feeling lazy. It's even too early."

"Hoy, Lorenz, anong tinatamad? Gunggong ka baka bumagsak ka niyan."

"Sinalo mo naman," nakangiti naman niyang sabi bagay na nagpatutop sa 'kin. "I'm not in the mood to start my review again. Our topics are just basic. Besides, I'm having fun along with you. My time is worth for spending."

"Bolero," pabiro kong tugon.

"Totoo nga."

Napairap na lang ako sa kawalan.

Dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng masinsinan naming pag-uusap. Hanggang ngayon ay parang kahapon lang ang mga nangyari. Madalas ma ring dito kumakain si Lorenz at ubusi ang kaniyang magdamag. Tuwing gabi lang siya umuuwi sa kaniyang nirerentahang dorm. Noong nakaraan nga lang ay hindi siya naparito sa bahay dahil nakatuon ang oras ko sa pag-aaral para sa paparating naming exam at gayong tapos naman na at nasa 'kin na ang resulta, puwede na ulit. Walang sagabal. Bukod pa ro'n, nakarating sa 'min sa university na aming pinag-aaralan ang tsimis na nakipaghiwalay na raw kay Kendra ang kaniyang kasalukuyang kasintahan. Sabi ng mga tao e muntik na naman daw nagpakamatay at nawala na naman daw sa katinuan kaya binalik na siya sa US. Gusto pa ngang kuyugin ng ama niya si Lorenz pero salamat kayla Ryker at Tyson sa pagpapaliwanag sa kaniya. It's Kendra's fault in the first place.

"I brought my badminton. Can we play?"

Bigla naman akong nasabik sa kaniyang sinabi. "Game ako," sanga-ayon ko. "Gawa tayo ng deal, oh," panghahamon ko pa.

"What?" kaswal niyang tanong.

"Ang matatalo, manlilibre ng dalawang tub ng ice cream."

"Dalawa lang? Tsk. That's too weak."

"E'di tatlo na," giit ko.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon