Chapter 37: A Present for Him

99 6 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Malapit na ang pageant mo, Destiny," ani Kuya Dwayne na ngayo'y nagmamaneho ng kaniyang kotse ngayon.

Dalawang araw ang nakalipas matapos ang meeting naming naganap, simula na ng training namin. Nagsasanay na kaming lahat mula sa pagsasalita, paglalakad, pagsuot sa mga damit, at iba pa. Nakalagay na rin pala sa bulletin board namin ang mga teams kahapon at napag-alaman namin ni Cam na sa Green Archer kami habang si Lorenz maging ang ka-partner niya ay sa Red Torch.

"Kaya nga, eh. Mas magte-training pa kami nito," pahayag ko pabalik.

Kasalukuyan kaming nasa biyahe para ihatid ako sa university. Weird lang na after ng engagement nila ni Ate Tiffany ay nagbago ang pakikitungo sa 'kin ni Kuya which is good naman kahit papaano.

"Galingan mo sa pageant mo. Next month na 'yon. 'Wag ka na ring mag-alala sa mga susuotin mo dahil maraming magagandang damit si Tiffany lalo na sa mga dress sa wardrobe niya. Kapag may free time ako, pumunta tayo sa kanila," mahaba niyang litanya. "'Yan 'yung una mong pageant na sasalihan kaya dapat na galingan mo. Much better kung manalo ka, pero bonus na lang 'yon," dugtong niya pa.

"Bahala na. Gawin ko na lang best ko."

"Good."

Dahil wala namang masyadong mga sasakyan sa kalsada ay maaga akong nahatid ni Kuya. Buong akala ko'y paghatid lang ang sadya niya pero hindi. Inutusan pala siya ni Daddy na siya ang magbayad ng ibang mga fees regarding sa pageant na sasalihan ko.

Matapos mai-park ni Kuya ang kotse ay magkasabay kaming bumaba. Pagkuwa'y hindi na ako umimik pa't basta na lang naunang maglakad patungo sa classroom namin. Maya-maya lang din ay naramdaman kong nasa tabi ko na siya.

"Ano'ng oras ang klase mo ulit?" tanong niya.

"7:30," tipid kong sagot ko.

Tahimik lang kami ng mga oras na 'yon habang naglalakad. Medyo kaunting lakad pa kasi ang layo ng parking lot hanggang sa quadrangle ng university. Sa kalagitnaan n'on ay 'di inaasahang nagsalita siya na bahagyang nagpailang sa 'kin.

"Sens'ya na these past few months kung palagi kitang inaaway. Gusto lang kitang protektahan. Ang kulit mo kasi," sambit niya.

Nanatili lang sa babang nilalakaran namin ang mga atensyon ko. "Hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Naiintindihan naman kita kahit nakakainis ka minsan at kahit ang sarap mong tirisin," nakabungisngis kong tugon. "Hayaan mo na lang. Tapos naman na, eh. Kailangan mo lang naman palang ikasal para tumino ka," pahabol ko pa at natawa na nang tuluyan.

"Tarantado ka talaga. Tara nga rito." Pagkasabi niya ay biglang umangkla ang kaniyang braso sa balikat ko at sadyang nilapit sa kaniya. Hindi pa siya nakuntento at bahagya pa niya akong pinanggigilan.

"Bitiwan mo nga 'ko," pagpupumiglas ko. "Baka mamaya niyan e akalain pa nilang boyfriend kita. Ew lang." Pabiro akong napairap sa kaniya.

"Mas ew ka."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon