This story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award.
Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DESTINY
Nanatiling nakatingin sa baba ang ulo ko habang pilit na pinapakalma ang sarili isip sa mga nakakailang na mga mata ni Lorenz. Hindi ako komportable ngayon sa kinatatayuan ko ngayon.
"Hey..."
Tinaasan ko lang siya ng dalawa kong mga kilay pagkaharap muli sa kaniya.
"Are we okay now?" tanong niya.
Dahan-dahan lang akong tumango.
"It's nice too know that," aniya't napahagikgik nang bahagya. Pagkuwa'y laking gulat ko na lang nang dumapo sa ulo ko ang kaniyang kamay at kaswal na hagurin ang buhok ko dahilan para magulo ito nang kaunti.
Hindi naman ako kaagad napakapag-react sa sinabi niya gayong umurong na ang dila ko't basta na lang umunit ang mga pisngi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Napaiwas na naman tuloy ako ng tingin sa kaniya at kahit hindi ko direktang nakikita ang mukha niya ay ramdam kong nakangiti siya sa harapan ko ngayon. Nakakainis.
"As I've said, babawi ako. So I'm asking if you're free to come with me. I'll take you to an amazing place," wika niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa pagkabigla. "Eh? Ngayon? As in ngayon mismo?" gulat kong tanong.
"Yeah."
"Hindi p'wede," tanggi ko.
"Why?" Bakas sa boses niya ang panghihinayang sa pagtanggi ko.
"Gabi na saka hindi na ako papayagan nina Mommy at Daddy," sagot ko. "Mapapagalitan pa nila ako."
"Ipagpapaalam na lang kita."
'Di ko na alam kung ano'ng susunod na nangyari. Basta na lang niyang hinigit ang kamay ko at nagpatiuna na siyang naglakad papasok sa bahay namin nang hindi man lang nag-aalinlangan. Pagkapasok ay dumiretso siya sa dinning area namin kung saan kasalukuyang nando'n silang lahat na pasimula nang kumain ng hapunan. Huminto si Lorenz sa harapan nilang lahat habang ako naman ay nasa likod. Hanggang ngayon ay hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko at mukhang walang balak itong bitawan gayong mahigpit ang pagkakahawak niya sa 'kin. Nasa 'min tuloy ang atensyon nilang lahat kung kaya nakakahiya ngayon ang sitwasyon ko. Ewan ko na lang dito kay Lorenz.
"Oh, Lorenz, napadalaw ka?" nagtatakang tanong ni Daddy. "Umupo ka rito, oh," pag-anyaya niya pa ngunit tinaas lang ni Lorenz ang kaniyang kamay na senyas ng pagtanggi.
"Good evening po, Tito Dreverent," paunnang batid naman ni Lorenz sa kaniya. "Ahm, Tito, Tita," tango niya sa mga magulang ko maging kayla Kuya Dwayne at Ate Dani. "Ipagpapaalam ko lang po sana 'tong si Destiny. May gusto lang po kasi akong puntahan at gusto ko rin pong kasama siya. P'wede po ba?" magalang at nahihiya nitong tanong.