DESTINY
"Kuya, para po. Dito na lang po."
Pagkahinto pa lang ng cabna sinakyan ko ay kaagad ko nang inabot ang bayad ko sa kaniya. Minadali ko nang bumaba at halos nananakbong akong dumiretso sa gate papasok sa bahay. Sa oras na buksan ko ang pinto sa main door ay bigla na lang akong tumigil sa paghakbang nang bumungad sa 'kin ang tatlong hindi ko kilalang mga tao kasama sina Kuya Dwayne, Ate Dani, Ate Tiffany, Mommy, at si Daddy.
"Destiny," tawag ni Daddy sa 'kin.
Suminghap lang ako ng hangin sa pag-aakalang ito na yata 'yon. "Kanina pa ba kayo?"
"You're just in time." Si Ate Dani ang sumagot.
"Nandito na 'yung fashion designer at dalawang assistant na tinawag ni Tiffany. Hindi rin magagamit 'yung mga natipuhan mong mga damit sa wardrobe ni Tiffany dahil exclusive na green lang ang susuotin mo. Tinawagan ako n'ong teachers mong si Hero na bawal daw 'yon. Kung anong color ng team mo dapat, 'yon ang kulay ng mga damit mo," paliwanag niya.
"Hereo po," pagtatama ko.
"'Yon. Hereo nga."
Hindi muna ako nakapagsalita agad nang makita ang isang babae at dalawang bakla niyang kasama. Sabay-sabay silang ngumiti sa 'kin at kumaway.
"Ngayon na po ba ako susukatan?" tanong ko. Kahit naman papaano ay sa ganitong sitwasyon ay mababawasan ang bigat sa dibdib kong nararamdaman. "Sa'n po ba ako susukatan?"
Hindi pa man nasasagot ang tanong ko ay biglang sumingit si Kuya. "Daddy, may pupuntahan lang kami ni Tiffany," pagpapaalam niya. "May bibilhin lang kami sa mall. Kayo nang bahala r'yan."
Tumango naman si Daddy sa kaniya. "Sure. Umuwi rin kayo kaagad. May dinner pa tayo mamaya."
"Thanks."
Magkasamang umalis ang dalawa. Bago pa man sila makalabas ay nagawa pa ni Ate Tiffany'ng tapikin ang balikat ko na para bang nagpapahiwatig ng isang "good luck."
"Akyat din po muna ako sa k'warto ko," pagsingit din ni Ate Dani at tuloy-tuloy na tumungo sa taas sa kaniyang kuwarto.
Anim na lang kaming naiwan ngayon dito sa baba.
"Daddy, saan?" pag-uulit ko sa 'king tanong.
"Sa guestroom," tugon niya. "Diretso na kami ro'n kasi nando'n 'yung mga designs na na-draft nila‐--mga 'di pa nagagawang dress or casual clothes na baka magustuhan mo," litanya niya pa.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...