Chapter 09: An Offer

205 18 1
                                    

"Lorenz?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lorenz?"

"Ow. Hi, Destiny," kaway niya naman sa 'kin at kaswal na ngumiti.

Maya-maya pa ay nagtanong ang kasama niyang babae. "Renz, magkakilala kayo?" nagtatakang pagsingit nitong tanong habang may hawak-hawak na tray na naglalaman ng mga garapon ng mga toppings ng ice cream.

Hindi siya sinagot ni Foreigner guy at mabilis na tinapos ang ginagawa. Pagkuwa'y nang matapos ay dumiretso na siya papunta sa 'min dala-dala ang isang maliit na papel at ballpen. Sa oras na makalapit siya ay ro'n na ako nilamon ng pagkailang. Walang humpay ang pagtibok ng puso dala ng emosyon. 'Di ko alam kung ano ang aking gagawin. Naiipit ako sa sitwasyon ko ngayon. Namalayan ko na lang na tuliro na ako nang makita si Foreigner guy sa 'king harapan. Tahimik lang siya at 'di ko inaasahan ang kaniyang sunod na mga sinabi.

"I'm sorry," paumanhin niya sa mababang tono ng boses. "Lauren, I'm sorry, too," dagdag niya pa at yumuko nang kaunti.

Pinigilan ko ang aking sarili para magsalita. Naintindihan ko naman ang kaniyang sinabi ngunit ang tumatakbo sa isipan ko ay kung bakit siya nandito.

"Destiny," bulong ni Lauren. Dahil do'n ay mukhang alam ko nang ayaw niyang magsalita.

"Ahm, puwede bang hanap muna kaming puwesto? May mga tao rin kasi sa likod natin," sambit ko. Pagkasabi ko n'on ay kaming tatlo ay napabaling sa likod at tama nga ako. Napabuntonghininga na lamang ako't dumiretso sa isang bakanteng lamesa.

"Wait." Sumunod naman sa 'kin si Lauren at iniwang abala si Lorenz sa mga bagong mga customers.

Nakasapo ang palad sa pisngi kong pinagmasdan si Foreigner guy na abalang kumilos sa pag-serve ng mga orders sa mga customers.

Ngayon ay kumurba nang kaunti ang labi ko. Kung paano siya kumilos, tumango, ngumiti, at kung paano niya pakitunguhan ang mga tao ay nakakagaan ng pakiramdam.

Sa pagtagal kong pagtitig sa kaniya ay nagtama ang aming mga tingin. Nginitian niya ako't kinindatan bagay na aking ikinasindak. Mabilis tuloy akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Hmm. Baka bukod sa ice cream, matunaw niyan si Lorenz?" tila ba nang-aasar na tanong ni Lauren.

"Shut up." Pabiro akong umirap sa kaniya.

***

"Bakit ka nga pala nagtatrabaho rito?"

Hindi muna kami nakisabay sa mga taong bumibili at kumakain. Hinintay naming kami na lang ni Lauren ang natitirang customer nang sa gayo'y makasabay namin si Foreigner guy. Maaga namang nagsialisan 'yung iba dahil karamiha'y take out lang naman. Dalawa lang ang nag-dine in dito at pagkaubos ay umalis na kaagad siya. Sa mga oras na 'to ay magkatabi kami ni Lauren at nasa harapan namin ang kakatapos lang na si Lorenz.

"Masama ba?" kaswal niyang pagbalik ng tanong sa 'kin.

"I'm just asking lang naman. Kung ayaw mo sagutin, e'di 'wag," asik ko naman.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon