Chapter 14: Moment

162 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Foreigner guy! Hoy!" habol-hininga kong tawag sa kaniya. Pagkuwa'y tumigil ako't napayuko kasabay ng paghawak sa mga tuhod habang humihinga nang malalim. Ang laki kasi ng hakbang ni Lorenz. Bawat isa ay dalawang hakbang katumbas sa 'kin. Kanina pa ako nagtatanong kung saan kami pupunta pero hindi naman niya ako sinasagot hanggang sa natagpuan ko na lang na nasa parking lot na kami ng UOL kung saan nakaparada ang kaniyang motor.

Huminto lang siya para hugutin ang susi mula sa kaniyang bulsa at buksan ang upuan ng motor. Kinuha niya ang helmet sa loob at sinara na ito. Sunod siyang sumakay pagkatanggal ng stand ng motor at pinihit na ang susi rito para paandarin ang makina. Humarap siya sa 'kin saka iabot ang hawak niyang helmet. "Aqui."

Nakakunot naman ang noo ko itong tinanggap. "Ha? Pinagsasasabi mo?"

Bakit kasi nagsasalita ng kung ano-ano 'tong si Foreigner guy? As if naman na maintindihan ko siya. Ni hindi ko nga alam kung anong nationality at pinagmulan niya, eh. Though I'm still wondering if he's a half race or what dahil nga nakakapag-Tagalog siya nang diretso, pero sa tingin ko isa siyang Latino. Geez.

Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin. "Wala. Suotin mo na 'yan," bugnot niyang tugon. "What are you still looking at? Sumakay ka na."

Mariin na lamang akong napalunok at napabuga ng hangin. Wala ako sa sariling lumapit na sa kaniya ngunit pagsampa ko pa lang ay muli na naman siyang nagsalita.

"Don't you dare to hold backwards. Yumakap ka sa 'kin," paalala niya pa.

Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Basta na lang may kiliti akong naramdaman sa 'king dibdib kasabay ng pag-init ng aking mga pisngi. Nakakapagtaka na kung bakit kailangan ko pang yumakap sa kaniya gayong puwede naman na sa likod. 'Di naman ako mahuhulog. Geez.

"Ba't kailangan ko ang pang yumakap sa 'yo?" tanong ko.

"Punyeta. S'yempre, kapag nahulog ka, kasalanan ko pa," untag naman niya.

"Kaya nga may helmet nga ako, 'di ba?"

"Hindi sapat 'yan. And please lang, stop arrguig with me. Yumakap ka na. Tapos," pagdidiin niya pa.

"Bakit ba gusto mong yumakap ako, ha? Gusto mo lang makaisa, eh," asik ko naman. "Umandar ka na, Lor—" Hindi ko na natapos pa ang dapat kong sabihin nang magsalita na naman siya.

"Uno."

Ba't siya nagbibilang?

"Dos."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon