DESTINY
"Andami nating mga pinamili. Sigurado ka bang mauubos natin 'to?" tanong ko.
"Huh?" Nakakunot ang noo niyang tiningan ako. "That's stock. Hindi natin 'yan lalantakan nang isang araw lang."
"Sabi ko nga."
Ibinaba ni Lorenz ang dala naming mga paper bag sa lamesa pagkapasok namin sa dorm niya. Siya rin ang kumuha ng bitbit-bitbit ko kung kaya nilabas ko naman ang panyo sa 'king sling bag saka pinunasan ang kaniyang pawis sa noo pagkaharap niya sa 'kin.
"Woah..."
"Pinagpapawisan ka," wika ko. Pagkatapos masigurong napunasan ko na ang kaniyang pawis ay tumungo naman ako sa kusina para kumuha ng malamig tubig mula sa ref saka ito inabot sa kaniya. "Oh, uminom ka rin ng tubig."
Tinanggap naman niya ito. "Thanks."
"Iwan muna kita. Punta muna ako sa taas. Inaantok ako. Matutulog muna ako saglit. Magpahinga ka na rin."
***
A
bala si Lorenz sa paglilinis sa baba habang ako nama'y isa-isang nilalabas ang mga kagamitan mula sa malaki kong bag. Nang masigurong nakahanda na ang aking mga kakailanganin ay pumuwesto na ako sa tapat ng aking easel saka kinuha ang isang brush.
Simple lang naman ang gagawin ko---silhoutte ng isang tao na nakatingin sa papalubog na araw. Sinimulan ko na ito sa pamamagitan ng kapiranggot na pinturang aking nilagay sa 'king pallet. Dito ko dinadampi ang brush ko para makakuha ng tamang dami ng pintura.
Isa itong komisyon sa 'kin ng kaibigan ko. Nalaman niya kasing gumagawa ako ng mga paintings kaya naman hindi siya nagdalawang-isip para magpagawa sa 'kin. Hindi naman ito rush pero medyo ginaganahan akong gumawa kaya naisipan ko nang tapusin ngayon kahit gabi na. Gusto ko sana sa bahay pero sabi ni Lorenz e rito ko na lang daw gawin para at least ay kasama ko siya. Komportable naman ako rito sa puwesto ko ngayon. Paniguradong matatapos ko rin ito agad nang ilang oras.
Habang nasa kalagitnaan ng pagpinta ay narinig kong bumukas ang pinto sa 'king likuran kung kaya agad akong napalingon dito. Natagpuan ko si Lorenz na bagong ligo lang dahil sa basa at magulo niyang buhok. Nakatapis lang din siya ngayon.
"Nakakagulat ka naman," sambit ko.
"Do I?" kaswal niyang tanong saka tumungo sa kaniyang closet para kumuha ng damit. "I thought you're already sleeping."
"Maya-maya pa. Saglit na lang 'to. Malapit na akong matapos, oh." Sinadya kong ipakita sa kaniya ang pinagkakaabalahan ko.
Binalingan naman ito ng atensyon ni Lorenz at pinagmasdan. "That's so minimalist. Is that a commission?"
Tumango ako. "Oo, commission lang ng kaibigan ko."
"Maganda siya."
"Thanks." Napangiti ako. "Tapos na rin bang maglinis sa baba?"
"Yup, maraming dapat itapon na."
"Sens'ya na't 'di kita natulungan."
"It's fine. Just do your thing. Mag-focus ka na lang d'yan," aniya. "Magpapatuyo lang ako ng buhok ta's hihiga na rin ako. Papanoorin lang kita. Hintayin kita rito sa bed," dugtong niya pa.
Wala na akong inimik pagkatapos n'on dahil tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa 'king ginagawa. Naglalagay na lang ako ng munting mga detalye kaya hindi na rin ako nagtagal bago ako matapos. Nasiyahan at naging kuntento naman ako sa kinalabasan ng kabuuan kung kaya pahiga ko na itong nilapag sa lamesa para patuyuin. Sinunod ko naman ang mga nakakalat ko pang mga gamit para isa-isang ligpitin saka linisin ang pinagkalatan. Gusto pa nga ako tulungan ni Lorenz subalit tumanggi ako dahil hindi naman patas na tutulungunan niya ako pero hindi ko man siya natulungunan kanina. Kaagad din naman akong natapos at naglinis ng sarili. Kakaligo ko lang din kanina bago si Lorenz kaya tamang paghugas na lang ng mga kamay ang ginawa ko. Pagkatapos n'on ay tumabi na ako kay Lorenz pagkapatay ko ng ilaw.
"Goodnight, Destiny."
"Goodnight din," sabi ko pabalik saka pinikit ang mga mata.
***
Mabigat pa ang mga talukap ng mga mata ko nang ako'y magising. Bumangon ako mula sa pagkakahiga habang kinukusot ang mga mata. Paakiramdam ko'y naalimpungatan pa ako. Babalik na sana ako sa pagkakahiga nang mapagtantong wala si Lorenz sa tabi ko at ako lang ang mag-isa rito sa kuwarto.
Madilim pa sa labas nang dumingaw ako kung kaya dahan-dahan akong bumaba ng kama para buksan ang maliit na lamp sa tabi para magkaroon ng liwanag ang aking nilalakaran. Pagkuwa'y lumabas ako ng kuwarto para bumaba. Dahan-dahan at maingat kong hinahakbang ang mga paa ko lalo na sa mga baitang ng hagdanan.
Nakapatay ang mga ilaw pagkababa ko sa sala. Madilim pero may naaaninag naman ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ng munting pagsinghap bagay na nagpakunot ng noo ko. Bumaling ang atensyon ko kung sa'ng direksyon ito nagmula. Gano'n na lang manlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakapangalumbaba ang ulo at patuloy na umiiyak.
"Lorenz," pukaw ko sa kaniya.
Kaagad naman siyang humarap sa 'kin.
"Bakit ka umi---" Hindi ko na natapos pa ang aking dapat sabihin nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.
"Destiny."
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
Roman d'amourThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...